Sad Love Story #20

22 1 0
                                    

"Bakit lagi kang ganiyan?" Sandaling tanong niya ng maiwan kaming magisa.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko at umiwas ng tingin.

"Bakit ang manhid manhid mo?! Hindi ko man lang naisip na mahal kita! Bakit ka ba kasi ganiyan?!"

Tumayo ako at kinuha ang gamit. Handa na sana akong umalis ng hawakan nito ang braso ko. Lumingon ako at nakita ko ang mga luha sa mata niya. Agad kong pinunasan ito at tiningnan siya.

"Ayokong nakikita kitang umiiyak," saad ko at tinitigan ang mga mata niya. "Dahil kung ngayon pa lang umiiyak ka na, paano pa sa oras na mawala ako? Wala ng pupunas ng mga luha mo"

Muli ko siyang tinalikuran at nagsimulang maglakad papalayo sakaniya.

'Ayaw lang kitang nakikitang umiiyak, ayaw kitang nasasaktan. Dahil kung tatanggapin ko yang pagmamahal mo, mas lalo kang masasaktan. Lalo kang iiyak'

Sad Love Story (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon