Plagiarism is a crime
____________________________________
Meri
Nasa palengke ako ngayon at namimili ng mga sangkap para sa lulutuin mamaya para sa bagong taon. Ang kapatid ko naman ay di ko na alam kung san napadpad sa pamimili ng prutas nang may nakita akong matanda na nag bebenta ng lucky key chains. Nilapitan ko siya at nag tanong.
"Mag kano po to?" Tanong ko sa matandang nag bebenta ng mga lucky key chain.
"100 lang ineng bumili ka na." Sabi niya ng may ngiti sa kanyang labi.
"Ang mahal naman wala na po bang tawad to?" Tanong ko sa kanya.
"Naku ineng sa panahon na ito ay mahirap na ang pera. Pasensya ka na at wala ng tawad iyan." Sagot ni lola.
"Sige na nga po lola bibilin ko na!" Sabi ko.
"Naku salamat ineng ikaw palang ang bumili sa akin ngayong araw na ito." Sabi ni lola habang galak na galak sa akin.
"Talaga lola? Nako pag dadasal ko na makabenta kayo ng marami mamaya!" Sabi ko sa kanya sabay abot ng bayad ko.
"Oh ineng eto." Sabay bigay niya ng binili ko.
"Ay hindi po ako bumili ng bracelet." Sabi ko sa kanya dahil ung key chain na binili ko ay may kasamang bracelet nung inabot niya sa akin.
"Sayo na iyan ineng. Alam mo ba na sabi nila pampatibay daw iyan ng relationship. Sana mag tagal kayo ng boypren mo ineng." Sabi niya sa akin.
"Naku lola! Wala po akong boyfriend. Single na single po ako at wala akong balak mag boypren pa stadipers!" Sabi ko sa kanya na ikinatawa niya.
"Hay naku sana mahanap mo parin ang tamang lalake para sa iyo." Sabi niya.
"Mukhang malabo yata iyon la. Hahahhahaha! Pero salamat po ah? Una na po ako salamat ule." Sabi ko sa kanya.
"Sige ineng Ingat ka." Sabi niya sakin at tuluyan na akong umalis.
Nung medyo nakalayo naman ako ay tinignan ko ung pwesto ni lola ngunit wala na siya.
"Weird.." Bulong ko.
"Ay kalabaw kang baka ka!" Sigaw ko dahil nabunggo ung mga pinamili ko!
"Sorry miss!" Sabi niya lang sabay takbo.
"Ay gago ka pala eh!" Sigaw ko sa kanya sabay bato ng kalabasa sa ulo niya.
Sapol! Bulls eye!
Pinulot ko ung pinamili ko at pinuntahan siya.
"Yan napapala mong gago ka."
*Prrrrttttttt*
Pito ng pulis at pa sugod sila sa harap ko!
Putcha Sabi na eh dapat di ko to ginawa! Mag babagong taon pa yata ako sa kulungan wahhhhh!
"Miss ayos ka lang?" Tanong sakin ni mamang pulis.
"O-opo. H-hindi ko po sinasadya n-na batuhin s-siya ng kalabasa please po huhuhuh wag niyo akong ikulong!" Sigaw ko.
"Hahahahhaha! Kalma miss magnanakaw iyang binato mo ng kalabasa. Sa katunayan nga eh ninakawan niyan si Mr. Montero." Sabi niya.
"Mr. Montero?" Tanong ko.
"Ahhh iyong nasa likod na lalake." Napatingin naman ako sa likod niya at nakita ko ang isang lalaking pulubi.