Plagiarism is a crime_______________________________
3rd person
Pag dating ni Yannie sa bahay agad na bumungad ang isang lalake sa kanya lalake. Kaidahan siya ng nanay ni Yannie at sa isip nito baka classmate ng kanyang ina to dati.
"Hello po." Magalang na Bati ng bata sa matandang lalake na naduon sa sala nila. Tumugon lamang ito ng isang ngiti. Maya maya ang kanyang ina ay dumating din sa wakas. Napansin ng dalaga na ang kanyang ina ay medyo malungkot ngunit nakuha pa nitong ngumiti sa kanila.
"Bakit po mommy? Sino po ba siya?" Litong tanong nito. Siya ay naguguluhan sa ikinikilos ng kanyang ina.
"A-anak siya ang t-tatay mo.." Sabi ng nanay ni Yannie. Si Yannie ay nagulantang marahil ang kilala niyang tatay niya ay pumanaw na.
"Hindi diba patay na ang tatay ko? Diba patay na si daddy Leo? Diba.." maluha luhang Sabi ng bata.
"H-hindi mo totoong t-tatay a-ang daddy Leo mo anak.."Sabi ng nanay niya na umiiyak na din. Lalong lumakas ang tulo ng luha ng ginang at ng bata. Napag tanto ni Yannie na siya ay na buhay sa kasinungalingan na ang tatay niya ay si Leo.
"Kukuhanin na kita anak sumama ka sakin sa America ipapamana ko sayo ang aking negosyo at mamumuhay ka ng marangya."Sabi ng lalake sa kanya. Ayaw niya sumama dito dahil di niya padin tanggap ang totoo. Kahit pilit niyang sabihin na hindi totoo ang lahat wala siyang magawa. Malinaw na malinaw ang mga documento na nasa ibabaw ng lamesa nila. Ang matanda ngang iyon ang kaniyang tunay na ama.
"Hindi! Ayaw kong sumama sayo! Hindi ikaw ang tatay ko! Si daddy Leo lang ang tatay ko! Nag sinungaling ka sakin mom." Sabi ni Yannie at tumakbo ito sa labas. Sa kagustuhan niyang tumakas sa sakit na nararamdaman niya at sa kagustuhang takasan ang katotohanan siya ay tumakbo ng tumakbo.
"Yannie!" Habol ng nanay niya. Pilit nitong hinahabol ang kanyang anak ngunit hindi napansin ng dalaga ang paparating na truck
*crikkkkkkk*
"Yannie!" Sigaw ng nanay sa anak na walang malay at naliligo sa sarili niyang dugo. Nanakbo siya rito at niyakap ang kanyang anak.
"Pasensya na po kayo hindi ko po inaasahang tatawid siya." Sabi ng mamang naka nakabangga sa dalaga. Hindi naka sagot ang ginang at patuloy lang ito sa pag iyak. Tumawag ang manong ng ambulansya at agad naman itong rumespande.
Nang maisakay na ang dalaga sa ambulansya walang naiisip ang ginang kung hindi ang anak niya. Sobra ang pag aalala ng ginang sa kaniyang anak. Siya ay nag sisi na sinabi pa niya ang totoo dito. Sinabi ng manong sa kaniya na susunod siya sa ospital ngunit sasabihin niya muna ang sa kaniyang amo ang nangyari.
Emergency room"Yannie anak gising ka na please." Bulong niya sa anak niyang nakaratay sa kama.
"Nurse! Doc! Tulungan niyo ako!" Sigaw ng kawawang matanda dahil nawala na ang pintig ng puso ng dalaga.
Hadaling hadali ang doctor at mga nurse na pumunta sa kwarto nila.
"1 2 3 clear! 1 2 3 clear!" Sigaw ng doctor
"Yannie please... wag mo ako iwan ikaw nalang ang meron ako... wag mong iwan si mommy ha? Di ko kakayanin anak..." Sabi nito sa isang sulok.