Mr. Right?

11 0 0
                                    


Plagiarism is a crime
_________________________

Ashrid

Kailan ba ko mag kaka jowa? Lam niyo ung feeling na yon? Ung nagiging bitter ka na sa mga bagay dahil 28 na eh NBSB ka pa din? Ewan ko kung takot ba sakin mga lalake o ano. Maganda naman ako... sabi ni nanay. Sexy ko na nga dahil sa diet! Matalino din naman ako. Sa pera ah... never mind! De joke. May maayos naman akong trabaho na kayang buhayin ang sarili ko. Ano pa bang kulang sakin? Hays gigil ako ng destiny na to ah.

Nga pala nasa park ako near my office. Eto ko mukhang timang na nasa park kumakain ng French fries at hinihiling na mag break ung mga love birds around me. Mga pasakit sa mata! Etong mga katabi ko naman na nag uusap about sa kita kita gusto daw nilang mag karoon ng sarili nilang empoy! Naks maka pag salita pero parang me sakit ung pangit pag kinausap sila todo layo! Bulagin ko kayo para mahanap niyo empoy niyo eh. Joke mabait ako.

Me manliligaw nga pala sakin di ko naman bet. Choosy ko na geh! Okay lang un kaysa naman dito sa katabi ko na nag liligawan. Tong palakang babae na to tatadyakan ko at me itsura naman ung boylet mukha namang sinusuyo siya todo arte pa. 

Their convo be like:

Boylet: sorry na mahal...
Girl: ewan ko sayo!
Boylet: sige na mahal please sorry na...
Girl: sabihin mo yan dun sa babae mo!
(Aruy nambabae ata!)
Boylet: anong babae na naman?
Girl: Ung kausap mo kahapon sa phone!
Boylet: eh si mama un! Tignan mo pa call log ko!

*pinakita ni boy ung call log niya kay girl edi ako naman todo silip. Aruy! Ina nga naka lagay!*

Girl: Che galit pa din ako sayo!
Boylet: bakit na naman!
Girl: umalis ka kasi!
Boylet: Masama ba na pumunta sa basketball game? Bat ba galit na galit ka?
Girl: Basketball game pero may babae?

Edi sumagot ako! Pakelamera na kung Pakelamera!  kainis tong girl na to! Ingay ingay kumakain ung ako!

Ako: ate girl ano gusto mo puro lalake sila dun? Adik ka ba? Eh kung liga un edi daming nanuod! Saka bawal manuod ng basketball game babae? Puro pag memake up siguro alam mo sa buhay di naman bagay! Tignan mo dahil sa powder mo ung brown mong mukha naging grey! I think you should use liquid foundation next time. And your lips? Look! Ang lobo niyang tignan! Parang kinagat lang ng ipis! Yuck! Next time kasi wag trying hard noh?

Edi un tas umalis ako sa scene. Kaloka un ah! Eto ata dahilan kung bat wala akong boypren. Na karma ata ako sa pangengelam ko. Sorreh naman kaimbyerna lang kasi.

Jusme San naman ako pupunta neto? Boring naman sa bahay puro nalang ako cellphone. Maka pag mall nga. De joke wala pang sweldo kailangan mag tipid. Ikaw ba naman mag alaga ng 5 aso tas ang kita mo eh 30,000 a month tignan natin kung mag kasya yan sa maynila,push natin yan!

Nag lakad lakad nalang muna ako sa park hanggang sa makarating sa malapit na lawa doon. Naupo ako sa bench saka tinignan ang lawa na nag rereflect ang papalubog na na araw. Medyo nag tagal din pala ako dito tumunganga.

Inilibot ko ang paningin ko at may nakita akong babaeng nabunggo nung bike. Edi as usual ung lalake na me ari ng bike nasalo siya di na ko magugulat kung sila mag katuluyan ganyan sa mga story eh.

*splash!*

Napukaw nung malakas na tunog ng pag ka bagsak sa tubig ang aking atensyon kaya naman napatingin ako duon. Ayun me nahulog na lalake. Di pa ata marunong lumangoy.

"Tulong! Tulong!" Sigaw niya. Sus nag hahanap lang ng jowa yan tas ung mag liligtas sa kanya tignan mo magiging jowa niya. Tumingin ako sa paligid ngunit walang malapit na tao.

"Tulong! Tulong!"

Tapos lalake ung tumulong sa kanya noh tapos sila nag katuluyan edi hapi eberiwan. O kaya naman foreigner ung tumulong sa kanya noh.

Short stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon