Gown

50.1K 442 137
                                    

Malamig na gabi. Binalot ng mga nag-niningning na bituin ang kalangitan kasabay ng mga nagkikintabang mga kasuotan ng mga babae na iba iba ang disenyo at kulay. Di pa man nagsisimula ang prom pero madami na din ang mga nag sasa-sayaw. 

"Akala ko late na tayo." sambit ni Javier.

"Akala ko nga din sayang yung grand entrance na naisip ko. Sayang yung moment... Haha! Teka na saan si Ivan?"

"Ewan ko nasa likod lang natin kanina."

"Hindi man lang nagsabi na mawawala." Sambit ko naman na may konting inis dahil nasa kanya yung pouch ko at balak ko pang mag-ayos sa CR.

"Teka Leah punta lang ako ng CR baka makita ko din si Ivan. Wag ka aalis dito balik din ako agad."

"Ok sige hintayin kita." Tugon ko.

Bago pa man siya makapasok sa palikuran, natanaw ko siyang may kina-usap na babae. Kapansin-pansin dito ang mga nagkikintaban sa suot niyang gown na humuhugis sa sexy niyang katawan. Maganda din ang kanyang make-up at pagkaka-kulot sa kanyang buhok.

Bahagya akong nakaramdam ng tampo dahil ako ang date ni Javier pero agad naman siyang nawili makipag-usap sa iba. Maya-maya pa natapos ang pag-uusap nila at napansin kong naglalakad papunta sa direksyong ko ang babae kaya naman agad ako naghanap ng upuan para umiwas.

"Hoy! lokaret ka! Ba't hindi ka namamansin? Sambunutan kita e." Sambit ng babae.

"Jessa!!!! Oh my ghad! Ikaw ba yan?"

"Yes my friend.. the one and only.." (Sabay pose na pang model).

"Ang ganda mo friend! Di kita nakilala. Umiwas ako kasi kala ko nilalandi mo yung date ko."

"Oh my ghad si Javier? Not even on my level!"

"Wow Jessa baklang bakla? Hahaha!"

"Hayaan mo na minsan lang maka-damit ng ganito sulitin na natin. Hahaha! Bakit ganun suot ni Javier? Pampa...."

"Sssshhhh! Ano ka ba! Tinakbo pa ng nanay niya yun sa arkelahan. Tikom mo yang bibig mo a."

"Haha sorry... Ikaw naman! Ano ba yang make-up mo? Ang ganda nga ng gown mo pero yung make-up mo napaka-plain. Kulay black yung evening gown  mo teh mag smokey eye ka para magka-level tayo."

"Eh hindi ako marunong tsaka nakay Ivan yung pouch ko nandun yung mga make-up."

"Bakit nandun sa haliparot na yun yung pouch mo? Akala ko ba si Javier yung date mo?"

"Magka-kasama kaming tatlo nila Javier pumunta dito kaso biglang nawala naman si Ivan.... hawak niya yung pouch ko nagpa-patulong kasi ako kanina kasi hawak ko yung gown ko sumasayad sa lupa."

"Nako wag na wag ko makikita yang Ivan na yan a! Bwisit ako diyan lalo na dun sa bagong salta na Sandra! Akala mo kung sino? Maganda lang siya pero utak kawayan. Matigas ang muka sa labas walang laman sa loob!"

"Bakit galit na galit ka sa kanya? Ano ba ginawa sayo nung tao?" Sambit ko.

"Mamaya ku-kwento ko sayo lahat."

.....

Habang nag-lalakad papunta sa palikuran...

"Tarantado ka talaga no!!!" Sigaw ni Jessa kasabay ang malakas na sampal kay Ivan.

"Teka Jessa bakit mo ko sinampal? Akala ko ba ayaw mo saken?" Sambit ni Ivan habang bahagyang naka-yakap pa kay Sandra.

"Para yan kay Ryan! Hayop ka!" 

PROMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon