Gripo

3.5K 45 23
                                    

Yes... I am gay.

Mga salitang nagpabilis ng kabog ng dib-dib ko. Dahan-dahang hinahalukay ang kaibuturan ng sikmura na tumutulak sakin na dumuwal kasabay ng panunuyo ng lalamunan.

"Ban... pano na... bumigay na... si Ryan." Pabulol-bulol na bigkas ni Javier.

"Yun ba yung Ryan?" Dagdag naman ni Sandra.

Hindi ako maka-kilos. Tila napako na ang mga paa ko sa malambot na carpet na kinatatayuan ko. Napansin ko nalang na tumtakbong papalayo si Leah at Jessa pahabol sa tropa ko. Sa tropa kong bakla. Sa tropa sinabihan ko na mahal kita.

Agad kong hinanap yung mga text namin ni Ryan sa isa't-isa... Puta! Nasabi ko nga...

---

Ivan: Pre... sabihin mo lang na mahal mo ko sasagutin kita. Hahaha!

Ryan: Wag kang magbiro ng ganyan kung di mo naman kayang pangatawanan.

Ivan: Gago seryoso mahal na kita. ;)

---

"Ban susundan ko sila Jessa. Ikaw ba?" Tanong ni Javier.

"Sunod ako teka lang."

Marahan kong hinubad ang suot kong amerikana. Nag-pagpag ng pantalon at isang malalim na bugtong hininga bago ako magsimula maglakad.

Isang grupo ng mga lalaki ang sumalubong, iisa ang guhit ng muka. Malakas na nagtatawanan at tila nag-babadyang makipag-suntukan.

"Ivan! Tol! Sabi sayo totoo yung chismis. Sinong unggoy ngayon? Ikaw kelan ka mag-laladlad?" Sambit ng isa kasabay ang malakas na tawanan ng iba.

Agad namang hinawakan ni Sandra ang kamay ko papalayo.

"Ate sayang ganda mo bakla din yan!"

Akma akong tatalikod para undayan sila ng suntok pero maka ilang hakbang palang ay hinila na ko ni Sandra.

"Wag mo na patulan." Sambit nito.

Sa malayo ay natanaw ko sila Jessa na naka-palibot kay Ryan. Habang papalapit ay nag-iisip na ko ng sasabihin.

"Mga pre! Sino tong bagong chicks? Parang pamilyar..."

Agad namang naglakad papalayo si Ryan hawak si Jessa. Maya-maya pa, saka ko lang napansin na hawak hawak ko pa pala ang kamay ni Sandra.

"Gusto ko na umuwe." Sambit ko.

"Sorry Sandra wala na ko sa mood. Javier, Leah mauna na ko."

Mabagal akong naglakad papalayo paliko sa kanto. Sa pagliko ko ay agad akong kumaripas ng takbo para hanapin sila Ryan. Agad ko naman silang nakita sa parking lot.

---

"Ray ako to." Sambit kong may halong pang- gigigil habang nag-hahabol ng hininga.

"Anong ginagawa mo?" Tugon nito.

"Ayaw mo ba?"

"Dito sa parking lot? Aso ka ba?"

"Hahaha gago ka a. Hubarin mo nga yan muka kang tanga. May damit ka pa bang iba?"

"Nandun sa sasakyan nila Jessa."

Sabay kaming naglakad para hanapin si Jessa. Sa ikatlong helera naka-park ang pamilyar na itim na sasakyan.

"Ito sasakyan nila Jessa asan na yun?" Tanong ni Ryan.

"Tara na text mo nalang." Dugtong ko naman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 10, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PROMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon