GABBIE POV :
Kanina pa ako nakakapansin ng kakaiba dito sa lugar na to, pero hindi ko na lang pinagtutuunan ng pansin yon.Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon sa masikip na daan, hindi ko nga alam kung ilang oras na din kaming naglalakad. Pero sa isip ko baka nasa 30mins. Na kaming naglalakad ngayon. Nakikita ko na din ang pagod sa mga mukha ng mga kasama ko, lalo sa mga babae. Papano ba naman nahihirapan na sila sa pagdadala ng kanilang mga gamit.
Hindi ko naman kse maintindhan bakit napakasikip na lugar na to. Hindi tuloy makapasok ang mga kotse namin at naiwan pa tuloy doon. Nagaalala nga ako baka may sira ulong magtrip sa mga kotse namin doon, wala naman kaming magagawa pag nangyari yon. Naramdaman ko naman bigla na may kamay na humahaplos sa noo ko.
"Clark?". Binigyan ko sya ng nagtatakang tingin.
"Pawis na pawis kana love. Pasensya na kung kamay ko lang ang gamit ko. Hindi ko kse makuha yung panyo sa bag ko e". Napangiti na lang ako sa ginawa nya.
Etong lalaking to, wala naman sa mukha nya ang pagiging sweet. Pero pag sumumpung ang pagiging sweet nya, para kana din nakakain ng leche plan sa sobrang sweet nya. Matagal ko ng kasintahan si clark, magaapat na taon na yata kami. Simulang high school pa kse kami magkakilala at magkasintahan.
"Ayoko na!". Napatigil naman kami sa paglalakad dahil sa sigaw ni ken.
"Hoy anong problema mo! Tumayo ka nga dyan!". Sigaw sa knya ni kurt. Papano ba naman nakasalmpak sa lupa si ken.
"Masakit na paa ko! Ang tagal tagal na natin naglalakad! Masakit na paa ko!". Pagrereklamo nya.
"Oo nga! Pati na din ako masakit na paa ko!". Dagdag reklamo ni arnie.
"Me too!". Pati na din si darlene.
"Hiho hiha, wag na kayong magalala, nandito na ang sasakyan natin". Napatingin naman kami sa sinasabing sasakyan ni manang sisa.
"Finally!". Isang jeep ang nasa harapan namin ngayon. Nagunahan naman sa pagsakay ang mga kasama namin.
"Hoy! Magsibaba nga muna kayo dyan!". Sigaw ni mark, kaya ayon nagsibabaan naman sila.
"Manang ilang katao po ba ang kakasya dyan?". Tanong ko kay manang, kse naman maliit lang ang jeep mukhang sampo lang yata magkakasya dyan. E labing pito kami.
"Walo lang ang kakasya dyan hiha". Napanganga naman ako sa sagot nya.
"What?!".
"Walo?!".
"Papano kami kakasya dyan!".
"Oo nga!".
Kung ano ano pa reklamo ang narinig nakin sa knila. Kaming apat naman na nakakatanda, tinignan lang namin sila ng masama nanahimik naman sila. Eto ang gusto ko sa mga classmate namin, mukha lang silang abnormal. Pero pagdating sa aming apat na nakakatanda, sumusunod at natatakot agad sila sa amin.
"Magkandungan na lang kayo, papano mauna na kami ni kab sa loob". Napakunot noo naman kami kay manang.
"Manang hindi po ba kayo sasabay sa amin?". Tanong ni avery.
"Hindi na hiha, kung sasali pa kami dyan hindi na kami magkakasya. Tsaka may sasakyan naman kami. Ayon oh". Tinuro nya naman kung saan ang sasakyan nila. Napatango na lang kami.
"Naks mang kab! Hindi kayo nalalayo ng ichura ng sinasakyan mo!". Pangaasar ni sky. Nagpipigil naman kami ng tawa dahil sa sinabi nya, abnormal talaga ang babaeng to.
"Ano kaba hiha! Hindi mo ba alam ako ang nawawalang zorro!". At ayon nagpakitang gilas sya sa sakay nyang kabayo. Yap, kabayo nga ang gagamitin nila ni manang sisa.
YOU ARE READING
My Summer Vacation.
RandomPapano mo pa maeenjoy ang tinatawag na summer vacation kung may mangyayaring hindi inaasahan. May Darating.. May Mawawala.. May Mapapahamak.. At higit sa lahat, May mamamatay.. Ang summer vacation mo ay magiging death vacation mo.