AVERY POV :
Palipat lipat ang tingin ko, nandoon yung titingin ako sa harapan. Nandoon naman yung titingin ako sa katabi ko.Hindi ko alam kung anong nangyari sa chinching ko. Mukhang hindi na yata sya nakatulog kanina simulang ginising ko sya. Napapanguso na lang nga ako e, kanina nya pa ako hindi pinapansin. Hindi kse nakatulog ng maayos kaya badtrip ngayon ang babe ko. Haaaaay!
"Anong mukha yan panget". Ayon! Napansin nya din ako.
"Finally! Napansin mo din ako". Tumingin ako sa sandali sa knya at binalik din ang tingin sa harapan. "Kanina pa ako nagpapapansin sayo ching, hindi mo naman ako pinapansin. May problema kaba?".
"Wala. Kulang lang ako sa tulog, kaya wala ako sa mood. Hm inaantok na din". Sabi nga ba e.
"Bumawi kana lang mamaya ng tulog babe. Ako naman nagdadrive e".
"No, palitan tayo. Tumawag ako kanina kay arnie, malayo layo daw ang resort na yon. Mahigit apat na oras yata ang byahe, kaya magpalitan tayo".
"I insist babe, matulog na lang kayo mamaya ng mga bestfriend mo". Ngitian ko naman sya. "Anyway, nasaan naba mga bestfriend mo? Susunduin ba natin sila sa bahay nila?".
"Nope, nandoon na sila sa bahay ni arnie. Excited ang mga bruha, kaya nandoon na sila". Natawa naman ako. Pinagpatuloy ko naman ang pagmamaneho ko.
Makalipas ang ilang minuto nandito na kami sa tapat ng bahay ni arnie, nandito na din ang iba. Mukhang kami na lang yata ang kulang. Bumaba naman ako at pumunta sa side, pinagopen ko naman ng pinto si ching. Kinurot naman nya ang ilong ko bago lumapit sa mga kasama namin, sumunod naman ako sa knya.
"Ayan complete na tayo. Tara muna sa loob, maaga pa naman. So pwede pa tayong magbreakfast". Pagyayaya ni arnie.
"Great! Nagugutom na din ako". Hinila naman ni sky si rielle at nauna na sila sa loob. Yung mga yon talaga, pagdating din sa pagkain hindi nagpapahuli.
"Feeling home din ang dalawang yon no". Natatawang sabi ni kuya clark.
"Hayaan nyo, alam nyo naman ang mga baliw". Nagtawanan naman kami sa sinabi ni arnie.
Kahit na magkakaiba ang mga ugali namin, nagkakasundo talaga kami. Sa school namin, kami yata ang pinakamalaking grupo. Sa twing dadaan nga ang grupo namin makikita mo ang mga inggit sa mga mata ng mga ibang tao. At nandoon din yung paghahanga, kse halos magaganda at gwapo ang mga ka grupo ko.
Pagkatapos namin kumain pumunta na kami sa labas para ayusin namin ang mga gamit namin. Habang inaayos ko ang mga gamit namin, napansin ko naman na kinakausap nila sam and barbie si angel. Pero mukhang hindi nila makausap ng maayos si angel. Pagkatapos kong ayusin ang gamit namin lumapit naman ako sa knila.
"Hoy babae!". Napaatras naman ako ng sigawan ako ni sam. "Ano naman ginawa mo sa babaeng to at bakit badtrip sya?".
"Hindi ko nga alam e". Hinarap ko naman si angel. "Babe okay ka lang ba talaga?".
"Ya im fine. Inaantok lang talaga ako".
"So ano okay naba lahat ng gamit?". Lumapit naman kami kali kuya clark.
"Yes kuya". Sabay naming sabi ng mga bata.
"Sky dalawa lang kayo ni rielle sa kotse dba?". Tanong ni ate clarise kay sky.
"Yes ate, why?".
"Gusto mo lumipat ako sa inyo, mahaba haba ang byahe. Palitan tayo sa pagdadrive, alam naman natin na tamad magdrive si rielle". Napakamot naman sa ulo si rielle.
"Okay lang ate, sanay naman ako sa mahabang byahe ate. Hindi naman din ako mabobored dahil kasama ko ang baliw kong kaibigan". Nagapiran naman sila.
YOU ARE READING
My Summer Vacation.
De TodoPapano mo pa maeenjoy ang tinatawag na summer vacation kung may mangyayaring hindi inaasahan. May Darating.. May Mawawala.. May Mapapahamak.. At higit sa lahat, May mamamatay.. Ang summer vacation mo ay magiging death vacation mo.