Chapter 42: LOVE

14 1 0
                                    


Almer's POV:

Nandito ako ngayon sa tambayan este kami pala. Napag usapan namin kasi magkita-kita pero ngayon kaming lima nalang muna, simula nung humingi kami ng tulong kay jemima at sheena nag usap kami agad kong paano namin i-aapply ng maayos yung mga suggestion nila. Langya! Parang hindi kami lalaki, kaya girls kong ano man iniisip niyo HINDI MADALING MAGING LALAKI.

"Leader basahin mo itong mga comments." Sabi ni jestin

Nag post kasi kami ng status sa fan page ng Hype5ive.

To our dear fangirls, hindi namin alam kong paano namin 'to sisimulan sabihin sa inyong lahat pero sanay maintindihan niyo kami. Solid will always be solid right? So here it is, What if kong nainlove kami? What if naramdaman namin yung salitang love? What if nag mahal kami ng isang babae o isang fangirl etc. What will be your reaction? Will you still support us or not? Tandaan niyo 'to mainlove man kami o magka-girlfriend mahal namin kayo at nandito padin kaming lima, salamat sa walang sawa niyong suporta :)

-HYPE5IVE

Iyan ang pinost namin at tulad nga ng sinabi ni jemima at sheena may postive reactions and lastly ang hindi talaga mawawala negative reactions.

Positive reactions

- Yay! Inlove na ang mga mahal naming boys. As your fg i'll still support you, solid fg here!

- No matter what happen kahit magka-anak pa kayo haha charot! Nandito padin kaming mga solid nakaalalay at sumusuporta :)

- What if nagmahal kami ng fangirl? Waaah yun talaga eh! Swerte. Well hindi naman malabong mangyari yun, sobra kaya magmahal ang mga fg's :) Nagmahal kayo eto na yun eh. Happiness and love niyo ang pinag-uusapan so ba't kailangan pa naming ipagkait sa inyo yun? :) Lagi niyo nalang kami pinapasaya. Kaya nandito padin kami para suportahan kayo! :*

- Waaaaaah! Can't wait for the love team yay :D Mahal namin kayong lima kaya kong sino man yang soon to be girls niyo mamahalin din namin sila without plastikan.

Negative reactions

- Noooooo! Parang ayaw mag process sa isip ko.

- Kong isang fg man yan, napaka swerte naman niya. Pwede naman ako eh jeeestin huhuhu

- Kakaiyak, di pa ako ready magka-girlfriend kayong lima

- Nagbibiro lang naman kayo diba? Mahal niyo kami diba?

- Wala pa 75 % kong susuporta ako, can't imagine! Boys naman eh :(

Ang mga negative reacts, may mas malala pa nga dyan eh kulang nalang bastusin na. Fangirls ba talaga namin sila? Masakit para samin yun pero hindi nalang namin pinatulan nandyan naman ang mga solid fangirl namin para ipagtanggol kami baka kasi pag kami mismo ang nag reply sa mga comments na yun lalo lang magkaka-gulo. Kahit papano nakahinga kami ng maluwag ng mabasa namin ang mga postive reacts dun pa lang masaya na kami dahil nandyan padin sila nakasuporta.

"Kakayanin ba natin 'to leader? Paano nalang pag nalaman nilang co-fangirl nila ang tinutukoy natin. Baka magkagulo at mapahamak sila marie." Sabi ni salonga

Tumingin ako sakanilang lima pagkatapos ngumiti ako :)

"Lalaki tayo, anong silbi natin?" Sabi ko sakanila tsaka kumindat

"Knight and shining armor? Mag-ala superman tayo." Sabi naman ni leslie

"Mismo les! Hahayaan ba natin mangyari yun sa taong mahal natin? Syempre hindi. Diba nga fame is not important, life is more important" pagpapaliwanag ko.

Fangirls Dream (HYPE5IVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon