Chapter 40: Feelings

15 2 0
                                    

1 year ago

Almer's POV:

"Isang taon na ang nakalipas mga bro." Sabi ko.

"Andaming nangyari sa isang taon na yun." Sabi naman ni jekoy.

"Isang taon na ang nakalipas simula nung nakilala ko siya, andami na ng pinagbago." Sabi ni sceven.

"Bro" sabi ni pat at humarap kay sceven, so it's obvious na si sceven ang kinakausap niya.

Andito kami ngayon sa tambayan. At dahil walang pasok naisipan namin mag meet dito sa tambayan. We need some BrothaTalk, ganun lang yun!

"Bakit bro?" Tanong ni sceven kay pat.

Tahimik lang kaming nakikinig ni jestin sakanilang dalawa, si leslie naman busy sa phone niya pero panigurado nakikiramdam din yan.

"Do you have feelings for her?" Tanong ni patrick.

Napatingin ako kay leslie, kong kanina yung phone niya halos lamunin na ang mukha niya ngayon bumababa ng unti eh. See? Nakikiramdam siya.

"What do you mean her?" Pa inosenteng tanong ni sceven.

Tsk. Kunwari pa etong si Nolasco. Eh alam naman niya talaga kong sinong HER ang tinutukoy ni salonga. Sarap batukan eh!

"Don't me bro, alam ko na alam mo kong sino ang tinutukoy ko. Don't play games. I'm damn serious here." Seryosong sabi ni salonga.

"What if I said yes." Sagot ni sceven with his playfull smile.

Pati tuloy ako napapa-english nadin, kasi etong si patrick eh pasimuno! Tsss.

"I'm damn serious MARK SCEVEN CRUZ NOLASCO." May pinaglalaban etong mukhang pizza na 'to! Halata eh.

"Yes. May feelings ako sakanya. I like her. No! I think more than that." Sagot ni sceven. He's serious about that. Nakatingin lang kaming apat sakanya. Yeah kaming APAT. Napabitaw agad si les sa phone niya.

Nauto siya ni pat dun ah, ginalingan umarte ni pat! Magsi-uwian na may nanalo na wahaha

"Oh. What if I like her too." Sabi ni patrick, ayos 'to ah seryoso ba siya? Mukha kasi eh. Pero malabo, kitang-kita ng mga mata ko kong sinong gusto ni pat.

Tumingin ng seryoso si Sceven kay pat. Siraulong salonga kong ano yang binabalak mo tapusin mo na.

"Kahit magkaibigan pa tayo bro. She's MINE. So BACK OFF."
Napakaseryosong sagot ni sceven tsaka tumayo at naglakad palabas ng tambayan.

Hindi pa siya nakakalabas ng biglang---

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Ng biglang---tumawa si pat. Ang lakas, tuwang tuwa eh nakahawak pa sa tiyan niya. Ugag 'to! Ginalingan talaga.

Sa sobrang tuwa hindi niya napapansin, nakatingin na kaming apat sakanya pero si sceven yung tingin niya kulang nalang sunggaban na niya ng suntok si pat, nakakatakot ang aura niya. Oy! Baka isipin nyong natatakot ako ulol! Suntakan pa kami eh. Haha biro lang brotha ko yan eh

"Baliw! Hyp ka talaga, matawagan nga si marie at masabing may gusto ka sakanya, gusto? Ang huling alam ko eh mahal mo na" Sabi ni sceven pagkatapos niyang suntukin si pat oo sinuntok niya pero hindi naman 'to personalan na kailangan talaga umabot na sa suntukan talaga. Ganto lang talaga kami pag nag aasaran :D

Huli ka baho! Sabi na eh hahaha. Kinuha ni sceven ang phone niya at akmang tatawagan si marie pero naagaw agad ni pat.

"Magsitigil nga kayo! Ang ingay niyo! At ikaw salonga ibalik mo na yang phone ni nolasco." Sabi ko. Pahagis na binalik ni pat ang phone ni sceven buti nalang at nasalo niya ito.

Ayan tahimik... Bilang leader ng group at bilang magkapatid na ang turingan namin sa isa't isa, kahit si jestin ang pinakamatanda kailangan ko din mag silbing kuya dahil pangalawa naman ako sa panganay saming lima. Kahit mga gago yan, ang sarap nila batukan =_=

"Leslie." Tawag ko sakanya, busy ulit sa phone eh.

"Bakit? Kong tatanungin mo kong may feelings ako sakanya. Yes, I do have feelings for her." Seryoso niyang sabi at bumalik ulit yung atensyon niya sa phone niya. Tch.

Huh? Hindi naman yun ang tatanong ko eh.

Binato ko siya ng bottle water kaya bumalik ulit ang tingin niya sakin.

"Yah! Sinagot ko na tanong mo bro kahit hindi kapa nagtatanong. Istorbo ka eh kachat ko siya, si Dianna." Sabi ni leslie. Ang seryoso naman nito!

"Yieeee inlove siya..." Pang-aasar ni pat at sceven.

Inlove? Ano yun? Nakakain ba yun? Nakakabusog ba o baka kadiring pagkain yun? Iwww.

"Baka tayong lima." Sabi ni leslie at nagsmirk.

Kaming lima? Huwag mong sabihin na... Aba't dinamay pa ako!

Tumingin ako kay jestin.

"May gusto na ako sakanya hindi ko alam kong paano ang alam at nararamdaman ko ay gusto ko siya ayoko sa lahat napapalibutan siya ng mga lalaki at pinaka ayaw ko sa lahat ay yung hinahabol o kinukulit siya ng ex niya. Gusto ko si charlote almer." Sabi ni jekoy.

Anakng! Usapang feelings ba ganap namin ngayon?

Inlove ang mga kasama ko ngayon.

"Pesteng feelings yan. Tinamaan na nga kayo. Don't worry support ako! Pero wag niyong sabihin na tayong lima kasi kayong apat lang." Sabi ko tsaka ngumiti.

Totoo naman kasi? Langya.

"Alam mo leader hindi bebenta yan samin." Sabi ni sceven.

"Oo nga naman leader lalo na sakin." Sabi ni pat.

-_-

"Amin-amin din pag may time almer." Sabi naman ni jestin.

Wa-wala! Wa-wala naman akong dapat aminin ah!

"May tanong ako leader Yes or No lang ang sagot. May feelings kana din ba sakanya? Do you like gayle?" Tanong ni Leslie

"Yes. What?! No!" Langya. Napaamin na tuloy ako.

"Yes ang sagot ni leader, wala ng bawian ah." Sabi ni pat

Langya. Kasalanan ito ni pat eh siya pasimuno -_-

Nabunyag tuloy yung feelings ko kay gayle.

"We fall inlove with our fangirls..." Pagkanta ni leslie na ang tune ay Bestfriend ni Jason Chen.




Nothing is impossible. Kahit sino o kahit anong klase ng tao, pag nangibabaw ang pagkagusto at pagmamahal kahit itanggi mo pa yan may mga sitwasyon at bagay na magpapamukha sayo na gusto o mahal mo ang isang tao.

Isang halimbawa kaming lima, hindi namin inaasahan na mabubuo ang grupong ito, Hype5ive. Nakakilala kami ng iba't-ibang klase ng tao, nagkaroon kami ng mga supporters o fangirls, nagkaroon ng mga bagong kaibigan, dumating ang magagandang opportunities, napagdaanan din namin na ma-bash at higit sa lahat natuto kaming magmahal sa hinding inaasahang oras, panahon at pagkakataon. Na possible pala na mahalin ng isang iniidolo ang kanyang fangirl.




           



A/N: 1 year na ang FGDHYPE5IVE! Woooooh taas kamay haha. Happy 2.22K! Thankyou God and also thankyou to my inspirations and lastly thankyou sa mga readers na nagbabasa, nagvovote at nag-aadd ng FGDHYPE5IVE sa kanilang reading list. Kong wala kayo hindi aabot sa ganto, thankyou sa suporta :) Sana hanggang end nandyan padin kayo at hindi nagsawa. So much love yay! Godbless to us :) xoxo


-Barbiexx

Fangirls Dream (HYPE5IVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon