Chapter 24: My Idol

30 2 0
                                    




Gayle's POV:

Papunta ako ngayon sa library bitbit itong mga pagkabigat bigat na mga libro.

=_=

At wala man lang kusang loob na tulungan ako, Psh.

Kunting tiis nalang gayle malapit kana makarating sa library.

Boooogssssh!

Argggh! Kong minamalas nga naman oh! Dahil bigat na bigat na ako, ayan  nahulog yung mga libro. Jusko! Malapit na eh=_=

"Gayle! Ok ka lang? Tulungan na kita." sabi ni angas este si Almer tsaka tinulungan akong pulutin yung mga libro. Ilang araw na 'to ah, pasulpot sulpot siya. Sinusundan ba niya ako? Hindi! Hindi! Hindi!

Ilang araw na din kasi ang nakalipas nararamdaman kong may sumusunod sakin ang creepy nga eh. Sinusundan ba niya ako?

"Ok lang ako, kaya ko na." Sabi ko

"Ayan ka nanaman sa ok lang ako, kaya ko na eh. No I think you're not ok tulungan na kita." Sabi ni Almer

Ang kulit naman nito! :3

"Sabing kaya ko na eh! Ang kulit mo naman!" Bigla syang napahinto tsaka tumingin sakin.

Gaga ka gayle! Napalakas ata yung pagka sabi ko.

"Sorry." Yan ang tanging word na lumabas sa bibig ko pagkatapos ko syang nasigawan?

"Halikana, tulungan na kitang dalhin ito sa library." Sabi niya.

Biglang nagbago yung Aura niya, naging Cold.

Aangal na sana ulit ako kaso nauna na syang naglakad dala dala yung mga libro siya po lahat nagbibit nun. Sinundan ko nalang siya.

Habang naglalakad kami papunta sa library lahat ng madadaanan naming estudyante asa amin ang tingin lahat ng atensyon nila nasa amin.

Yung mga nakikinig ng music napapaalis ng headset. Yung mga PDA napapahinto, Y girls are so eeer? Yung tipong makakita sila ng gwapo yung mga mata nila kumikinang na parang dyamante. Hindi naba sila nahiya? Kamasa pa nila boyfriend nila nakakahiya to the point na pinagmumukha nilang tanga yung boyfriend nila, kawawa naman si boy. Tch

Finally! Nakarating nadin kami sa library.

"Ako na magbabalik nito sa loob." Sabi ni Almer

"Ah-Uhmm. Pakisabi nalang na galing kay ma'am castro." Sabi ko ayaw ko ng umangal pa mag papakapagod lang ako.

"Sige, pasok lang ako sa loob hantayin mo ako dyan." Sabi niya.

Tumango lang ako.

Ang Cold ng Aura niya. =_=

Trisha❤ Calling...

"Hello trisha!" Sabi ko panigurado kanina pa ako hinahanap nito.

"Gayle. Kanina pa kita hinahanap asan kaba? At kanina lang narinig ko sa mga classmate natin na kasama mo Si Almer, na sinamahan ka pa daw dalhin yung libro sa library. Really si Almer Ian Cason? Na leader ng Hype 5ive. Kasama mo ba siya ngayon?"

Sabi ko na nga ba eh! Mas mabilis pa sa kabayo eh kakarating lang namin sa library.

"Ah... Oo trish kasama ko siya ngayon. Trish kita nalang tayo mamaya ah? Maya ko sayo i- kwekwento. Bye!" Sabi ko at bago pa maka sagot si Trisha inend ko na yung call. Waaaaah Sorry Trisha!

Ang tagal naman ng angas na yun! Parang ibabalik lang yung mga libro eh =_=



















Fangirls Dream (HYPE5IVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon