Chris's POV
Kasalukuyan, naglalaro ako ng Ps4 habang nakahiga, mahapdi pa kasi ang mga sugat ko eh, especially sa labi kaya sa pagkain ko kanina, nahirapan akong ngumuya, pero nagawa ko paring ubusin ang almusal ko.
I was about to go downstairs para ilagay sa lababo ang pinagkainan ko, kahit na nahihirapan ako, I need to do it nakasanayan ko na kasing tumayo sa sarili kong paa kahit na nasasaktan ako para ipamukha sa aking pamilya na mali ang pag criticize nila sakin. As I was saying, bababa na sana ako, subalit biglang may sumigaw sa kabilang kwarto at kung tama ang pinaghihinala ko, si Amazona yun. Ano kayang nangyari? Nagdadalawang isip ako if I'll go check out on what's going on o bababa at ilagay sa lababo ang pinagkainan ko.
After that, nakadesisyon na ako na pupunta ako sa kwarto ni Amazona, di naman sa chismoso ako, sadyang curious lang. Hinay-hinay akong lumabas at pumunta sa kwarto ni Amazona, subalit nandoon si Yaya Yolly, at kung makita niya ako, talagang magagalit yun sakin kung bakit naglalakad ako. Over protective kasi si Yaya. Kaya sumilip ako sa pinto para malaman kung anong nangyari.
"Hija!? Anong nangyari?" tanong ni Yaya Yolly
"Huh?! Walang nanghahalik sakin? Wala siya dito?" sagot niya, sinong "siya"
"Hija wala nang ibang tao dito kwarto mo kundi tayo lang dalawa" sabi ni Yaya
"Ahhhh ok po"
"Yaya ba't nandito ka pala sa kwarto ko?"
"Sa totoo lang Ashley hija, nagwawalis ako sa labas at pumasok dito para maglinis, subalit bigla kang sumigaw at nagising." sagot ni Yaya "Parang may masama ka atang panaginip anak?"
"Siguro nga po Yaya"
Gusto kong tumawa sa panaginip at hitsura niya ngayon, ang TANGA 😂 pero wag, dapat di nila alam na nakikinig ako
"Magwawalis na ako anak ha!?" sabi ni Yaya
"Yaya?" tanong niya "Pwede mo ba akong turuan paano magwalis at maglinis sa bahay?"
Like seriously, kay babae niyang tao subalit di siya marunong ng ganun? Ano bang tawag niyan........ ay oo CHORES. Di ko na napigilan ang sarili ko at napatawa ako, buti nalang mahina tawa ko at malayo sila sakin.
Biglang natawa si Yaya, "Hija, san planeta ka ba napadpad? Seriously anak, di mo talaga alam ang mga gawaing bahay?" natatawang tanong ni Yaya
Yumuko siya at tumango,
"Pagpasenyahan mo na ako hija, sadyang di kapanipaniwala ang mga sinabi mo eh." sabi niya at pinunasan ang luha niya, tears of joy ata? Ako nga rin Yaya eh, I can't believe kung bakit di niya alam ang mga gawaing bahay.
"Pero huwag kang mag-alala tuturuan kita"
"Thank you so much Yaya!" napayakap siya kay Yaya at gumanti din si Yaya ng yakap at bumitiw din
"Kailan mo gustong magpaturo anak?" tanong ni Yaya
"Pwede ngayon Yaya?" excited niyang tanong
"Oo naman, sige bumaba ka na dyan sa kama mo at magsimula na tayo"
At sumunod din si Amazona sa sinabi ni Yaya, at dahil palabas na sila, binilisan ko ang pagkilos ko at bumalik na sa kwarto. Sa sobrang bilis ko, natamaan ang paa ko sa upuan kaya ako napandol.
"F*ck!" I cussed
"Anak? Okay ka lang ba dyan?" tanong ni Yaya
"Opo Yaya" I lied, ayaw ko nang madadagdagan pa ang mga problema niya kaya nagawa kong magsinungaling. Sino ba kasing naglagay ng upuan sa kilid ng pintuan ko 😑 ; at tuluyan na akong pumasok sa kwarto and as of cue lumabas na din sila.
BINABASA MO ANG
Memories Back Then
General Fiction"You may not forget the past, but you can learn from it." Sometimes you need to reminisce all of the memories you have neither it is good nor bad. At least you'll realize that because of it you are who you are today.