Chapter 2

22 2 2
                                    

When I was awake, I can feel my wounds aching that can almost make me shout out because of pain.

Di ko na hinanap sina Mom dahil nandun yun sa ospital inaalagaan si Zach. Mabuti pa siya inaalagaan, eh ako? Wala!! Halos lahat nalang ng oras at atensiyon binibigay sa kanya, kulang nalang siguro buhay nila ang ibibigay nila kay Zach. T*ng in*ng buhay na to. I always think of myself as a ghost in this house, na parang wala silang nakita na Chris sa bahay kasi lagi nalang si Zach ang inaatupag. Paminsan hinahanap ako nila, para saan? Malamang para bigyan ako ng problema at sakit. Sila kuya at ate dun rin sila sakanya. Sabi pa nga ni lola, kay bait ni Zach. Eh mas demonyo pa nga siya ng ugali kung tutuusin. 😑😑

I was about to stand and go take a shower but something is bothering me. Na para bang di ako nag-iisa sa kwarto ngayon, binalewala ko nalang yon at pumunta sa banyo. Bubuksan ko sana pero may naririnig akong boses na kay ganda ganda sa loob, kaya mas nashock at natakot ako. Never pa kasing ibang taong nakapunta sa kwarto ko except my damn family, sa sobra curious ko kumuha ako ng lakas ng loob at pumunta sa loob. Before I could see it nag slow motion ang aking paligid na para bang nakakita ako ng anghel sa loob.

"Ahhhhhhhhhhhhh!!!!! Sh*t!!Manyak!" sabi niya sabay tapon ng sabon sa mukha ko at kumuha ng towel para takpan ang kanyang buong katawan.

"Daf*ck!!" My virgin eyes!! 😭 Buti nalang nakailag ako sa pagtapon niya pero sa sobrang basa sa sahig nadulas ako ang napauntog ang pwet ko sa sahig.

"Lumabas ka nga! Ang manyak mo!! Sobra pa sa mga manyak sa mga kanto!! Alis!! Tsupe!!" aniya

"First of all, di ako manyak, pangalawa bat ako lalabas kung sakin tong pamamahay na to? Pangatlo ikaw ang dapat lalabas kasi di kita kilala, pangapat bat nakapasok ka dito? Sino kaba? At panglima, huwag mo kong titigan baka matunaw ako" sabi ko while smirking di parin ako makatayo ng maiigi kasi mas lalong sumakit ang mga sugat ko dahil sa kanya.😑

Umirap siya sakin. Aba't siya pa ang may ganang magalit. Eh kung tutusukin ko yang mga mata niya ng tinidor?

"Eh kung di ka pumasok di mo ko makikita!!" mainis na sabi niya

"At kung di mo ako tinapunan ng sabon at nilock mo ang pinto di sana lalala ang sugat ko!" sarkastikong sinabi ko

"Anong nangyayari dito? Jusmio!! Anong nangyari sa inyo?" ani ni Yaya Yolly pagkatapos tinulungan niya akong tumayo at pinapunta sa labas ng banyo yung babaeng di ko naman kakilala para magbihis at sinara ang pintuan sa banyo

"Okay ka lang Chris?" tanong ni Yaya

Tumango ako

"Yaya? Sino ba yung babaeng yun? Bat nandito siya sa kwarto ko? Di niya kasi ako sinagot kanina"

"Siya si Ashley, pansamantalang titira dito for about a month. Dito ko siya pinaligo kasi di pa natapos irenovate ang isang silid." sabi ni Yaya

"Bat siya dito titira Yaya?"

"Sina Sir at Madame na ang magsasabi niyan"

Bigla akong nacurious sa sinabi ni Yaya

"Eh Yaya kung kay Ate na kwarto pala siya maligo o kay Kuya?" aniko

"Sirado ang mga kwarto nila at dinila nila ang spare keys" aniya

"Di mo ba nabasahan ang note ko sa lamesa mo?"

Lumabas ako sa banyo at saktong tapos na siyang bumihis, tiningnan namin ang isa't isa at biglang umiwas ng tingin. Hinanap ko ang note at nakita ko nga na nakapatong sa table ko.

"Pagpasensyahan mo na ako anak, di ko agad nasabi sayo."

"Ok lang yun Yaya, di bale naeenjoy ko naman ang view eh"

Natawa si Yaya sakin at namula si Ashley na para bang sasabog na siya, buti nalang open minded si Yaya kung hindi pepektusan na niya ako

"Yaya Yolly, punta muna ako sa labas magpapahangin" sabi ni Ashley

"O sige hija, kung nagugutom ka may nakahanda nang pagkain sa dining room"

"Salamat po" at lumabas na si Ashley sa kwarto

"Ikaw anak? Di ka pa ba gutom?" sabi ni Yaya

"Mamaya na po ako kakain Yaya, maliligo muna ako"

"Sige, tawagin mo lang ako kung kailangan mo ng tulong pababa"

"Okay po!" tinulungan pa ako ni Yaya papuntang banyo at umalis para tapusin ang mga household chores.

Habang pumapatak ang tubig sa katawan ko, di ko mapigilang ngumiti at isipin si Ashley. Maganda siya, parang anghel kung kumanta at para siyang kamatis kanina sa sobrang pula. At dahil sa kanya nawala na ang purity sa mata ko. But I must say nagandahan ako sa view kanina; tumigil ang mundo ko dahil sa kanya. Na lumabo ang aking paligid at sakanya lang ako nakatingin. Corny pero totoo

I almost took for about 30 minutes when I was already done taking a bath. At sa aking paglabas nakita ko na naman si Ashley na nakaupo sa kama ko.

"Ano na namang ginagawa mo dito?" nairita na ako dahil kwarto ko to dapat may privacy

"Kumain ka na" at inilapag niya ang tray sa kama

"Salamat" pero sa pag harap niya sakin bigla siyang namula kaya naisip kong pagtripan siya.

Unti unti akong lumapit sa kanya at unti unti din siyang lumalayo hanggang hinawakan ko ang mga kamay niya.

"A..anong ginagawa mo?" sambit niya habang nakatitig siya sa kin

"What do you think?" I smirk hanggang magkalapit na ang aming mga mukha

Hinampas hampas niya ako, masakit pero ginawa ko pa rin lumapit. Naamoy ko na ang kanyang hinihinga, mabango at talagang iniingatan niya ang sarili niya. Pumikit na siya na akala niyang halikan ko siya pero hindi, kundi umalis ako sa kanyang harapan at nagbihis ng T-shirt, nakabihis na ako ng brief at short kaya no need for her to worry.

Sa kanyang pag bukas ng mata para siyang batang tanga, tinawanan ko siya, sa sobrang inis niya lumapit siya sakin na bigla akong kinabahan. Lapit siya ng lapit hanggang di ko inexpect ang ginawa niya.

"Aray!! T*ng in*!! Fudge! Ang sakit!" I hissed

"Yan ang dapat makukuha ng isang jerk like you!! Don't you even dare Mr. Delos Reyes" she said while smirking

"F*ck You!!!" I cursed her

"F*uck You too!!" sabi niya while raising her middle finger at umalis na sa kwarto

Tatayo na sana ako pero masakit ang binigay niya sakin kaya umupo muna ako for about 5 minutes at pumunta sa kama para kumain ng almusal

Ibalik ko na ang mga sinabi ko tungkol sa kanya akala ko mabait yun pala amazona. "Wag umakala sa maling akala." I said pagkatapos kong kumain naglaro ako ng Ps4 para melessen ang stress ko.

Things are just starting Ashley. Wait for my surprises. 😏

Mas tumataas kapag tumatagal👍👌
What a chapter.. 😂😁
Sorry kung may mga typo and for the long wait, di pa kasi ako sanay gumawa ng mga stories eh.. ✌✌

Vote & Comment

@anowhat

Memories Back ThenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon