Alexandria Nicole Heartstone Roberts
°3 YEARS AGO°
-Elyrose POV-
Hindi ko parin batid kung bakit nila ginawa ito sa aming bunso(Nicole). Wala namang ginawa si bunso sa kanila. Habang hinahagod ko ang likod niya dahil patuloy parin siyang umiiyak, nagkatinginan kami ni Ivan at bigla siyang umiling. Nangyare rin kasi ito dati dahil mayroon ding bagong estudyante sa school namin noong kami ay elementarya pa lamang. At akala ko nagbago na silang lahat at ilang ulit ko na sila pinagsabihan na wag na gumawa ulit ng mga bagay na ganito. Kahit ganito si bunso, napakabait niya sa aming lahat. Kaya nga tinuring namin siyang bunso ni Ivan. Habang nakatingin ako sa daanan namin nagulat ako ng bigla kaming pumasok sa Roberts Residence, sa pagkakaalam ko kasi napakapribado nitong parang subdivision at makakapasok ka lamang kung isa kang Roberts o related ka sakanila. Pero posible kayang si bunso ang kaisa isang anak ni Mr. and Mrs. Roberts? Bakit niya tinago sa amin ito? Ang mga Roberts sila ang pinakamayaman na angkan sa buong mundo at nirerespeto talaga sila. Pero kahit mayaman sila, mabait sila. Naala ko noong bata pa lamang ako, isa rin ang pamilya namin na binigyan ni Don Gregorio(Lolo ni Nicole) ng pangkabuhayan at noong namatay siya maraming taong nalungkot at nakiramay dahil nga sa mga tulong na ginawa niya. At dahil sa binigay ni Don Gregorio na pangkabuhayan samin, naging marangya ang buhay namin ngayon dahil narin napalago ito ng aking mga magulang. Nagtinginan kami ni Ivan noong bigla kaming pumasok sa napakalaking bahay, hindi siya isang mansyon kundi isa siyang palasyo. Nicole ikaw nga ba ang kaisaisang tagapagmana ng mga ROBERTS? Bakit nilihim mo samin? Maraming tanong ang gusto kung itanong sakanya ngunit parang mas gusto ko kung siya nalang mamaya ang magpaliwanag ng lahat at magpadala mo na kami sa agos ni Ivan.
Nakarating na kami sa entrance ng mala-palasyong ng bahay at agad kaming pinagbuksan sa sasakyan. At pagkabukas ng pintuan bumati ang mga maid at butler ng
"Good Afternoon Young Lady Alexandria" sabay na sabi ng mga maid at butler.Bigla kaming namangha ni Ivan nang makita ang living room ng bahay, napakalaki, napakaganda at napaka elegante. At nagkatinginan kami ni Ivan noong makita namin ang isang malaking FAMILY PICTURE. Si Mr. And Mrs ROBERTS at ang kanilang anak na si Alexandria or I should say nakilala namin sa pangalang Nicole Heartsone. Bakit? Nagkatinginan kami ni Ivan at umiling na lamang. Nang bigla nagsabi si Nicole ng
"Ate at Kuya, magbibihis muna ako. Bibilisan ko nalang. Mamaya na ako magpapaliwanag ng lahat." Sabi niya ng malumanay.
Tumango nalang kami ni Ivan, di parin kasi kami makapaniwala. Nang tinignan namin si Nicole ng paakyat ng hagdanan, ngunit nagulat kami ng bigla siyang parang nahihilo at bigla na lang siyang nahimatay.
"NICOLE!!" Sabay naming sigaw ni Ivan habang may puno ng pag-aala.
Agad naman kaming tumakbo ni Ivan sa kinaroroonan ni Nicole. Agad ko namang tinawag ang mga kasambahay nila at sinabi kong ano ang nangyare kay Nicole. Agad naman binuhat ng mga butler si Nicole papuntang sa isang kwarto. Isang NAPAKALAKING KWARTO. At ang nag iisang nakasabit sa dingding ay kaisa-isang sketch ng mukha ni Nicole or I should say Alexandria Nicole Heartstone Roberts. Habang naghihintay kami sa kanyang loob ng kwarto ay bigla kaming nagkatinginan ni Ivan. "Di ko alam kung ano sasabihin ko lay, gulong gulo ako." sabi niya saakin. "Ako man ay litong lito, di ko alam kung bakit siya sa atin naglihim." sabi ko atsaka huminga nga malalim. Habang tinitignan namin ang kabuoohan ng kwarto ni bunso ay biglang bumukas ang pinto sa kanyang silid. Nagulat kami sa aming nakita. Si Joaquin Delo Santos ang President ng Student Council. Kaano ano niya si Nicole? Bakit siya nandito? Ang naalala ko lang ay lagi ko siyang nahuhuli na nakitingin kay nicole sa tuwing meron nag bubully sa kanya at agad niyang pinagsasabihan ang mga bullies at bilang president ng studend council ay agad niya itong pinaparusahan. Pero dahil lang ba doon? Hindi ko talaga maintindihan, haaay. Noong nakita niya si nicole ay agad siyang lumapit dito at makikita mo sa kanyang mga mata ang pag-aalala. Pero napawi iyun noong agad niya kaming napansin. Tinignan niya kami ng puno ng pagtatanong ang kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
"THE PIG NERD TURNS INTO A SEXY MODEL"
Teen FictionAno ako? Pangit Manang Nerd Mataba Lampa NOON💯 Maganda Sexy Matapang Palaban Godess At higit sa lahat AKO ANG PINAKASIKAT AT PINAKAMAGANDA NA MODEL NGAYON "Ako yung dating BABOY NA NERD, nilalait, kinukutsa, pinagtripan at higit sa lahat? PINAGLA...