Chapter 3 : Yummylicious-Juicylicious Baby Ko.
"Your class will be divided into six groups. Kung sinong mga members niyo kayo ng bahalang magdecide. " saad ni Ma'am Albuefanco pagkapasok na pagkapasok niya sa room. "Pagnakabuo na kayo ng anim na grupo, I want all of you to perform a commercial, promoting your own products. "
"Anong klaseng products po Ma'am? " tanong ni Amador/Amy na nagpataas sa kilay ni Ma'am. "Kasasabi ko lang na own products diba? So you will be the one to decide what kind of product you will be promoting. Use your common sense Mr. Amador. " Tablado, basag, wapak, shut up ang Ate niyong Amy sa sagot ng bipolar na Ms. Albuefanco. Kaya ang hirap pag-menopause na single lady ang kausap eh, masyadong mataray.
"Meron pa bang magtatanong? " may awtoridad sa boses na tanong ni Ma'am. Imbis na sumagot ay tanging iling lang ang naitugon namin. Mahirap na baka mapagaya pa kami kay Amador. "Sige, magsimula na kayo. You only have 10 minutes to prepare, and just a reminder I don't want a useless commercial. Be creative or I'll give you a failing mark in this repoting. "
"Grabe naman."
"Ang harsh talaga ni Ma'am, nakakatakot. "
"Sarap sabunutan. "
Kabi-kabilaang bulungan sa classroom ng makalabas na si Ma'am.
"Ah, Allen puwede bang samin ka na lang grumupo? " nahihiyang tanong ni Nikka na halatang nagpipigil ng kilig. Agad ko namang nilingon yung puwesto nila, na saktong-sakto pa sa pag-tango ni Allen. Kaya ayun, yung lokang Nikka ay tuwang-tuwa at halos kainin na nung puwetan niya yung kinauupuan niyang bangko.
"Hoy Ms. Caseyco! " sigaw ng isang babae na agad ko namang nakurot sa tagiliran. "Kung maka 'hoy' ka diyan ah. Anong problema mo? " pagtataray ko.
"Tulaley ka naman kasi eh. Kanina ka pa kaya namin tinatawag. " pagpapaliwanag ni Kezha habang hawak-hawak yung tagiliran niya. "Sorry naman. Ano bang kailangan niyo. " pagtatanong ko dun sa apat na nasa harapan ko.
"May amnesia ka ba bes? May reporting kaya tayo." sagot ni Amira.
"Oh? Kayo kagrupo ko? "
"Of course Zaira, sino-sino pa bang magtutulong-tulungan? Edi syempre tayo ding magaganda at sexy. Tsaka alam ko naman na ikaw na ang bahala sa irereport natin dahil sa ating lima, ikaw ang di kabobohan. " sagot naman ni Kim na punong-puno ng panlalait.
"So what's your plan Zaira? " tanong ni Yesha. "Lumapit kayo dito, bilis. " utos ko na agad din naman nilang sinunod.
"Akong bahala sa reporting natin. " bulong ko at pinagkukurot silang apat. "Para san yun? " nagtatakang tanong ni Amira. Nginitian ko lang sila at sinimulan na ang aming pagpaplano.
Pagpaplano ng napakagandang report na gugulat sa mga natutulog na diwa ng mga kalalakihan at kababaihan, maging ng mga kabaklaan at katomboyan. Ediwow haha.
"Ang ganda talaga bes! " sigaw ni Kezha na agad naming nabatukan.
"Huwag kang eskandalosa nandiyan na ang menopause lady. " bulyaw ni Amira sa kanya.
Pagpasok ni Ma'am sa room ay agad na kaming nagbalikan sa kani-kanila naming upuan.
"May gusto bang magvolunteer? " tanong ni Ma'am na tinugunan namin ng napakapayapang katahimikan. "So walang may gustong magvolunteer? Kung ganun let's start with Ms. Galzeda and her group. "
Pagkasabi ni Ma'am ng apelyido ni Kezha ay mabilis kaming nagsitayuan sa upuan namin at agad na nagtungo sa unahan.
"Good morning." pagbati ko bago kami nagsimulang magreport.
![](https://img.wattpad.com/cover/107184441-288-k763609.jpg)
BINABASA MO ANG
When Ms. Palabiro Meets Mr. Seryoso (#Wattys2017)
ЮморStatus : ON GOING - - - - - "Hindi sa lahat ng oras, kailangan mong maging seryoso. " ani ko habang hinahagod yung buhok ko. "At hindi rin sa lahat ng oras, kailangan mong magbiro." antipatikong sagot nung lalakeng nakaupo sa likuran ko. "Ano bang...