Chapter 2 - Ms. Palabiro Meets Mr. Seryoso
"Guys may babasahin ako, tapos sabihin niyo kung agree ba kayo o hindi. Okay? " tinuran ni Yesha, na tinanguan naman naming apat.
"You only realize someone's worth kapag wala na siya sa tabi mo. Agree ba kayo dun? "
"Kaloka yan ah, tinaglish pa talaga puwede namang pure english na lang ang gamitin. " litanya ni Kezha matapos magsalita ni Yesha.
"Kaloka ka din bes! Ang OA mo magreact, sige nga ipure english mo. " pang-aasar naman ni Amira kay Kezha.
"I don't have time for that nonsense thing Amira, let's just answer Yesha's question. So by the way-" bahagyang napatigil sa pagsasalita si Kezha sabay hagod sa noo niya, na animo'y pinipiga ito para palabasin yung salitang kasunod niyang bibigkasin.
"Natigil ka? Naubos ba kagad english words mo? " panunuyang ni Amira sabay apir sa katabi niyang si Kim.
"Che! Basta agree ako diyan sa binasa mo Yesha. " pag-suko nito sabay bato ng masamang tingin kay Amira at Kim na pinagtatawanan siya.
"Grabe ka Kezha haha, di ko madigest kabobohan mo pfft hahahaha. " mapanglait na pahayag ni Amira habang nakasapo sa noo niya.
"Wow ah! Grabe ka sa term na 'kabobohan' eh lahat naman tayong lima ay bobo, kutusan kita diyan eh. " pabalik na panlalait naman nito, na idinamay pa talaga kaming mga nananahimik.
Huwag kayong mag-alala ganito talaga kami maglambingan, yung tipong maluluha ka na lang sa sobrang panlalait na matatanggap mo. Ayaw kasi namin sa plastik, pero inaamin ko may pagkabobo talaga kaming lima. Well may alam din naman kami kahit papano, kaya wag kayong ano diyan.
"Magsitahimik nga kayo diyan kung ayaw niyong pakainin ko kayo ng sarili niyong ngipin. " pagtataray ko na nagpatahimik dun sa apat.
"Hi mga binibini." masiglang pagbati ng terror teacher namin, na may kabuntot sa likuran na lalakeng nakahood.
"Hi din po. " sabay-sabay na litanya naming lima.
Itinuon ko yung sarili ko dun sa lalakeng nakahood, ang sama kasi ng nahahagap kong amoy sa kanya. Hindi sa mabaho siya ah, pero ang seryoso nung dating niya.
"Uy Zaira, kinakausap ka ni Mrs. Bagutiman. " pagkulbit sakin ni Yesha na pumukaw sa atensiyon ko.
"Ano daw sabi?" diretso ko namang tanong, na nagpakunot sa noo nung apat.
"Ms. Caseyco, di ka ba nakikinig sakin. " hayag ni Mrs. Bagutiman na agad ko namang tinanguan.
Tsk, kusa nanamang gumalaw katawan ko.
Tinaasan ako nito ng kilay, kaya agad ko naman siyang pinasadahan ng ngiti. "Joke lang po Ma'am, di ka na mabiro. "
"Well di ako nakikipagbiruan sayo Ms. Caseyco and by the way tapos na ang 30 minutes break diba? Ano pang ginagawa niyo dito sa labas ha? At baka din nakakalimutan niyo, ayoko ng late sa klase ko. "pagtataray nito na wala namang epekto samin.
"Tara na bes, nakakatakot si Mrs. Bagutiman. " - Kezha
"Oo nga mga bes. " - Amira
"Ba't kasi dito pa tayo nagmaganda, ayan tuloy naabutan tayo ng reyna. " - Kim
"Awan ko din sa inyo, basta tara na mga bes. Baka abutin ako ng pagkahimatay dito sa takot, kawawa naman mga nagmamahal sakin. " - Yesha
Well ako lang pala ang di natakot.
"Sige po Mrs. Bagutiman, kita na lang po tayo sa room. " pagputol ko dun sa nakakatakot na tensiyon.
Tumayo na ako dun sa inuupuan kong lamesa at naglakad na palayo, habang yung apat naman ay nakabutan sakin na parang mga basang sisiw na nalayo sa magulang.
Ba't ba kasi ang gaganda naming lima, ayan tuloy kami na lang lagi ang nakikita.
Nang makapasok na kami sa room at makaupo sa kanya-kanya naming upuan, ay agad ding pumasok sina Mrs. Bagutiman at yung nakahood na lalake.
"Magandang tanghali." maikling nitong pagbati.
"Magandang tanghali din po. " sabay-sabay naman naming tinuran.
"Introduce yourself. " saad nito dun sa lalakeng nakahood. "And Mr. Figuerra, please kindly remove that hood in your head. "
Gaya nga ng sinabi ni Ma'am ay tinanggal nito yung nakataklob na hood sa ulo niya. Nang tuluyan niya na itong matanggal ay mga kabi-kabilaang bulungan ng mga babae ang nangibabaw.
Sa gwapo ba naman nung lalakeng nasa unahan, himala na lang siguro kung hindi mag-init ang mga kuyukot ng mga babae at beki na nandito sa room. Pati nga yung apat, di na naiwasang mapanganga sa hinain sa kanila ng mapagbigay na Panginoon.
"Magsitamik kayo diyan mga talanding kababaihan, huhubadan ko kayo diyan isa-isa tingan niyo. " maawtoridad na hayag ni Mrs. Bagutiman, na nagpatahimik sa buong klase.
"Allen Lim Figuerra." mabilis na pag-papakilala nung lalake.
"Yun lang? " nanghihinayang na pagtatanong nung malanding beki na nasa unahan.
"Gusto mong hubadan kita diyan sa kinauupuan mo Amador? " mataray na singhal ni Mrs. Bagutiman.
"Grabe naman sa Amador Ma'am, just call me Amy para mas okay. " sagot naman nito.
Napatawa na lang yung buong klase na sinakyan ko na lang kahit tunog pilit yung tawa ko. "Ha-ha-ha, nakakatawa ha-ha, ang sakit sa tiyan wooh! "
Napatigil silang lahat sa pagtawa, kaya pati ako ay napatigil din. Pero ang mas ikinagulat ko ay ng mapagtanto kong nakatingin pala silang lahat sakin, maging si Mrs. Bagutiman at yung lalakeng nakahood kanina na si Allen.
"Oh? Ang ganda kong tumawa diba? Don't worry tuturuan ko kaya pag-grumaduate na ako."
Nakakarinding katahimikan ang namayani, pero ng makarecover sila sa sinabi ko ay sabay-sabay silang naghagalpakan. Maging si Mrs. Bagutiman ay nakitawa na rin, pwera na lang dun sa lalake.
"Grabe ka talaga bes haha, pati si Mrs. Bagutiman napatawa mo. " tuwang-tuwang saad ni Yesha na pinaghahampas pa yung mga katabi niya, kahit di naman sila close.
"Sorry for the interruption Mr. Figuerra, you may now take your sit at the back of Ms. Caseyco." tinanguan lang nito si Ma'am at nagtungo na kagad sa bakanteng upuan sa likuran ko. Nadrop na kasi yung dating nakaupo dun, matapos nitong umabsent ng tatlong linggo na wala man lang paalam.
"Hi, I'm Nikka nga pala. " pagpapakilala ni Nikka kay Allen ng makaupo na ito sa silya.
Pinasadahan lang siya ng malamig na tingin nung lalake at muli ng itinuon ang atensiyon niya kay Mrs. Bagutiman na nagdada-dadak sa unahan.
"Wah! Inisnob niya ko bes, dagdag pogi points yun. " narinig kong tili ni Nikka habang kilig na kilig.
Grabe din ang kalandiaan ng isang 'to ah. Inisnob na nga pero go parin ang peg. Jusko po, bakit ba ng nagpaulan ng kalandian ang Panginoon ay puro babae at bakla ang gising, hay naku!
x x x x x
Enjoy guys :)
Sana napapasaya ko kayo kahit papano haha. :)
BINABASA MO ANG
When Ms. Palabiro Meets Mr. Seryoso (#Wattys2017)
HumorStatus : ON GOING - - - - - "Hindi sa lahat ng oras, kailangan mong maging seryoso. " ani ko habang hinahagod yung buhok ko. "At hindi rin sa lahat ng oras, kailangan mong magbiro." antipatikong sagot nung lalakeng nakaupo sa likuran ko. "Ano bang...