9. once upon a dream

622 25 6
                                    

Pinikit ang mga matang namumugto na sa pag-iyak. Hinayaang tangayin ng antok ang isipan. Pinaraya ang pusong nasaktan para sa isang posibleng kaganapan sa isang gabi.

Managinip.

Tanging ito na lamang yata ang isang bagay na nagpapasaya sa 'kin.

Dahil sa pagtulog ko ay natutuwa ako sa tuwing ako'y nananaginip. Nais ko lamang takasan ang reyalidad na nagbibigay sa 'kin ng kalungkutan.

I feel like there's something na kulang sa akin.

Pilit kong inaalala ang mga pangyayaring nakalimutan ko na. Gusto kong alalahanin ang buhay ko noon. . . noong hindi pa ako nakakalimot.

Natagpuan ko ang aking sarili na nakatayo sa harapan ng dagat. Ang mga paa ko'y nababasa marahil sa alon ng tubig.

Parang totoo.

Parang tunay na nangyari ang mga kaganapan na ito.

Dahil maliban sa buhangin at tubig na humahaplos sa aking paa, ay ramdam ko din ang pares ng kamay na yumayakap sa aking bewang - galing sa taong nasa likuran ko.

Nakapatong ang baba niya sa kanan kong balikat, at ang aking ulo ay nakahilig sa kaliwa para magkaroon ng espasyo para sa kaniya.

This scene looks familiar.

"You see that?" Tinuro niya ang buong paligid. "Dito kita mismo pakakasalan." Napangiti ako sa huli niyang sinambit.

I looked around. Maputing buhangin, asul at malinaw na tubig, sariwang hangin, luntiang mga puno, at mga ibong nagsisiliparan sa himpapawid. Ang perpekto nga ng lugar para sa dalawang taong nagmamahalan.

"This place is so perfect." Hindi ko namalayang bumuka ang aking bibig at nagpakawala ng ilang mga salita.

"Want to try the beach?"

Naramdaman kong kumawala ang kamay niya sa pagyapos sa akin. Hinarap ko siya at bumungad lamang sa 'kin ang labi niyang may ngiti.

Ngiti na parang totoo sa paningin ko.

Sa isang iglap ay pumayag ako sa nais niya. Sabay kaming lumusong sa malamig na tubig. Sa bawat alon ng tubig na humahampas sa aming katawan ay tumatawa kami.

Bakit ang saya ko na makasama siya?

Sa dami ng napapanaginipan ko, isa lang ito sa hindi ko malilimutan. Swear, this dream is my favorite.

Hinabol niya ako sa hindi ko malamang dahilan. Para kaming mga batang naglalaro sa dagat. Nagtatampisaw at naghahabulan. Ang saya at ang gaan sa pakiramdam.

Tumakbo ako hangga't sa makakaya ng lakas ko at sa isang kisap mata lang ay naramdaman ko ang kaniyang kamay sa 'king bewang.

Tumawa ako at nagpumilit kumawala sa bisig niya. Ngunit hindi ko makayanan. Ang higpit ng pagkakayakap niya sa akin.

Na para bang ayaw niya akong pakawalan. Na para bang nais niyang sa kaniya lang ako.

Muli, hinarap ko siya at tinaas ko ang aking kamay para mahaplos ang kaniyang mukha. Makikita ang butil ng tubig na nagmumula sa kaniyang buhok na gumugulong pababa sa kaniyang mukha.

"I love you." Kumawala ang tatlong salita sa 'king bibig. Kahit nasabi ko na ito ay hindi ako nakaramdam ng pagsisisi.

Kahit parang hindi ko siya kilala ay sinambit ko pa rin ang salitang 'yon.

"I love you too."

Unti-unti ay nilapit niya ang kaniyang mukha sa akin. At sa natitirang kaonting espasyo sa pagitan namin ay nagpakawala kami ng matamis na ngiti.

OS: Is This Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon