You're the king, and baby
I'm the queen of disasterKarylle
Nagising ako sa mumunting halik na naramdaman ko. Minulat ko ang aking mga mata at tumambad ang mukha ng lalaking pinakamamahal ko. Ilang beses ko 'tong hiniling, na siya ang unang makikita ko sa oras na imumulat ko ang aking mga mata sa umaga. And now it happened wala na kong mahihiling pa.
Ako na siguro ang pinaka maswerteng babae sa mundo. Natupad na lahat ng pinangarap ko---ang pinangarap naming dalawa.
I know medyo tragic ang pinagdaanan ng relasyon namin. Sabi nga 'starting from the bottom now we're here'. Happiness kung maituturing ang tinatamasa kong pakiramdam ngayon.
Ang buhay na makapiling ko siya. Ayun na siguro ang pinaka goal ko sa mundong 'to. Ito na siguro ang pinakadulo ng journey ko---ang mahalin siya ng pang habang buhay.
Matamis na ngiti ang ginawad niya sa akin at kasabay non ang pag galaw ng dalawa niyang kamay at naramdaman ko na lamang na pumulupot sa bewang ko ang mga ito. Hinalikan niya ang sentido ko at dinama ko naman ang ginawa niyang iyon.
"Karylle.." Ang tinig niyang sobrang sarap pakinggan. Ang tinig na palaging hinahanap ng mga tenga ko. Ang tinig na sobra kong namiss.
"Vice.." Pag sagot ko. Naramdaman ko ang paghawak niya sa magkabila kong pisngi. Mataman ko siyang tinitigan at ang kanyang mapupungay na mga mata. Lumiliit sa tuwing siya'y tumatawa. Mga matang matagal tagal ko din hinding natitigan.
"I love you," Pagpapatuloy niya. Hindi ko na naiwasang mapaluha at mapangiti. Lalo na nang marinig ko ang mga katagang kaytagal ko ng hinintay. Nalipat ang mga paningin ko sa labi niyang kay pula. Labi niyang kay tagal ko ng hindi nahagkan. Labi niyang nagparamdam sa'kin ng pagmamahal.
"I love you too" Tugon ko. Hindi sapat ang salita upang maramdaman niya kung gaano ko siya kamahal. I love him so much.
"Tahan na. Dito lang ako sa tabi mo hindi ako mawawala." Sa bawat pag galaw ng mga labi niya at paglabas ng mga letrang kanyang sinasabi hindi ko maiwasang mapangiti. Ang lakas talaga ng tama ng lalaki na 'to sa'kin.
"Don't leave me. I love you so much" Untag ko. Hindi ko alam kung bakit ko binibigkas ang mga salitang ito. Pero pakiramdam ko na anytime soon mawawala siya sa'kin. Mawawala ang lalaking mahal na mahal ko.
"You have me. Until every last star in the galaxy dies. You have me" Pag aalo niya sa'kin. Ang kaninang nag aalala kong ekspresyon ay napalitan ng saya. Siya lang ang taong nakakapag pakalma sa'kin.
No other boy ever made me feel beautiful
"Babe, even when you're crying your still beautiful"
"Bolero"
I admit, matagal tagal ko din hinintay ang mga sweet talks niya. Kung hindi lang siguro nangyari ang lahat ng 'yon hindi kami hahantong sa ganitong sitwasyon.
"Babe, may padating punasan mo muna ang luha mo. May kukunin lang ako sa labas" Agad kong sinunod ang utos niya at nakita ko nalang na naglakad na siya palayo sa direksyon ko.
Agad na bumukas ang pintong kulay puti ang pintura, nahahalintulad sa kwartong kinalalagyan ko. Ang kwartong matagal tagal ko na ding pinag tyatyagaang tirhan. Wala itong bintana at tanging kama at ilaw lamang ang nandidito sa loob.
Nakita kong papalapit sa direksyon ko ang lalaking nakaputing damit. May salamin ito sa mata at may kasama siyang dalawang lalaki na sa tingin ko ay naka uniporme dahil magkakamukha ang damit ng mga ito.