06:

11 2 0
                                    

Hindi ko alam kung paano akong nakauwi ng maayos, kung paano ko nagawang matulog sa kabila ng mga isiping gumugulo sa akin, at kung paano ko nagawang bumangon ng masigla kinabukasan.

"Ate! Kakain na daw!"

Isinara ko ang laptop ko, inayos ng kaunti ang buhok ko atsaka bumaba. Naabutan ko sila Mama at Yna na nakaupo na sa may hapag at hinihintay na lang ako.

"Oh saan ang punta mo?" Pansin ni Mama sa suot ko.
"Dyan lang. Ngayon daw kasi ang dating ni Arden."

Tanging isang jeans lang ang suot ko, white loose shirt at black na rubber shoes. Itinali ko ka lang din ang buhok ko ng mataas dahil mainit ang panahon.
Kaunti lang ang kinain ko dahil alam kong mapapasabak na naman ako sa kainan mamaya kaya naman mabilis akong nagpaalam sa kanila.

Tumingin ako sa orasan at alas-dyes pa lang ng umaga. 10:30 kasi ang usapan namin pero nagpasya na akong umalis ng maaga. Tutal ay parang bawi ko na 'to sa dalawa.

Nakangiti akong lumabas ng bahay at dumiretso sa may park malapit sa school namin noong College. Halos sampung minuto din ang layo sa bahay kapag nakasakay ka.
Nakasalpak sa magkabilang tenga ko ang earphones ko habang nakaupo sa may swing. Naalala ko tuloy na madalas ay ganito din ang eksena ko. Mag-isa lang ako lagi noon at tanging si Axel lang ang laging sumasama sa akin.

Sa tagal ng pagdating nila, halos makaidlip na ako pero isang matining at malakas na boses ang tumalo sa ingay ng earphones ko.

"Kyaaaaaaaa!!! Miraaaaaaaa!!!!!!!"

Napatayo ako sa swing, nanlalaki ang matang tinignan si Arden mula ulo hanggang paa atsaka sya pinagkatitigan ng husto.

"A-arden?"
"Yes, Mira?"
"Sandoval?"
"Yes, dear. Waaaaaahhhh!!! Namiss kitaaaaaa!"

Natutuwa din akong niyakap sya ng mahigpit.

"Wow! Ang laki ng improvement mo ah?" Natatawa pero humahangang sabi ko. Hinawi naman nya ang bangs nya atsaka ngumiti sa akin ng matamis.
"Time changes everything, Mirabella."
"Heh! Porket hindi ka na manang, umaarte ka na ngayon?" Sabat ni Tracey.
"Mainggit ka, Tracey. Ahahaha! Tara! Mall tayo?"

Tatawa-tawa kaming sumunod kay Arden sa may Parking Lot malapit dito. Ayaw daw kasi ipark ni Arden sa tabi-tabi ang sasakyan nya. Naging maarte na eh samantalang dati, lahat ng gamit nya, pakalat-kalat lang.

"So? How come ngayon ka lang nagpakita Mira?" Sabi ni Arden habang nakatingin sa rearview mirror.
"Lumipat kami dati. Tapos bumalik ulit."
"How are you?"
"Ayos lang. Same old."
"Same old nga, halata naman. Pati feelings, same old ano?"

Natawa silang dalawa ni Tracey habang pinilit ko namang ngumiti. Totoo naman kasi ang sinabi nya. Pero hindi ko inaasahang ganun pa rin pala talaga kalakas ang pakiramdam nya.

"Eh kayo ni Davis?" Hirit ni Tracey.
"What's with us?"
"Wag mo 'kong inglesin! Umamin ka na!"
"Wala ah."
"Weh?"
"Minsan lang naman kami magkita."

Agad na nangisay si Tracey sa tuwa. Tulad ng ugali nya noon, iiling sya ng mabilis habang nakahawak ang mga kamay sa magkabilang pisngi habang nakapikit. Sinasabayan pa ng pigil na impit na tili.

"Ikaw, Trace? Wala ba talaga?" Tanong ko naman.
"As of this moment, wala pa."
"Busy ka kasi masyado sa trabaho." Sabi ni Arden.

Nakarating kami sa Mall, at expected ay nanghila agad si Arden sa Department Store.

"Hmm. Nakita nyo na ba si Tanya? I missed that girl na din." Sabi ni Arden habang nagsusukat ng sapatos.
"Yep. Same floor kaming tatlo nila Axel sa iisang hotel." Sagot ni Tracey.
"Really? Saan? Lilipat nga ako ng tutuluyan."
"Tama lang nang magkita lagi tayong tatlo!"
"Dun ka din nagi-stay, Mira?"
"Uhh hindi. Receptionist. Sa front desk."

The Chasing GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon