16:

10 1 2
                                    

Nagmamadali akong pumunta sa sakayan ng bus. Alas-dos palang ng hapon kaya tirik na tirik pa ang araw. Mainit. Pawisan na ako pero hindi ko na iyon inintindi.

May pupuntahan akong meeting ng alas-tres, at kasalanan ng faculty ang pagigibg late ko dahil nakalimutan daw nila at kaninang bago lang mag-lunch sinabi.  Ayan tuloy at hindi pa ako nakakakain.

Tumunog ang cellphone ko at sinagot ko ang tumatawag.

"Hello?"
[ I heard wala ka sa school. Nasaan ka? ] napangiti ako sa pagiging aburido ng boses nya.
"May pupuntahan akong meeting."
[ Magtatagal ka ba? ]
"Mamaya din naman ay makakauwi ako. Pero baka bukas na tayo magkita." Sabi ko habang tinitignan kung may parating nang bus.
[ Saan ka ba? ]
"Sabi ay sa karatig-bayan lang daw. Wag ka na mag-alala."
[ Okay. Mag-ingat ka, Mirs. See you. ]
"Sige."

I sighed. Napapangiti ako sa tuwing iniisip kong natupad na ang hiling ko sa wakas. Na eto at maayos na kami ni Axel. Na ngayon, mukhang magkakabalikan na kami. Hindi ko maiwasang makaramdam ng tuwa.

Napawi ang ngiti ko nang makita ko ang pamilyar na kulay abong sasakyan sa harap ko. Nang ibaba nito ang salamin ay tuluyang napakunot ako ng noo.

"Sa kabilang bayan ka din diba? Sumabay ka na." Mahinahon nyang sabi, nakatingin lang sa harap.
"Wag na. Maghihintay na lang ako ng bus."
"Male-late ka na. Wag ka nang mag-inarte."

Tila nag-init lalo ang ulo ko sa sinabi nya.

"Sumabay ka na sa akin." Tinignan nya ako ng diretso sa mata, at hindi ko alam pero padabog akong sumunod sa kanya.
"Tsk! Kilala mo pa pala ako! Akala ko ay ipagpapatuloy mo ang pangde-dedma sa'kin!" Hindi ko maiwasang sabihin sa kanya.
"Ganyan ka ba ka-affected na hindi kita pinansin?" Nakatawang sagot nya.
"Nung huling beses na nakita kita, bigla ka na lang umalis at hindi mo ako pinansin sa hallway!"
"May mga iniisip lang kasi ako." Mahinang sabi nya.

Bumuntong-hininga ako nang maramdaman kong para syang may problema, na para ngang ang dami nyang iniisip.

"Pwede kang magsabi sa akin." Mahina kong sabi habang nasa labas ang tingin.
"Hindi mo naman maiintindihan." Tinignan ko sya ng pasimple, nasa harap lang ang tingin nya habang seryoso ang ekspresyon ng mukha, hindi katulad noong dati na palaging nakangiti.
"Susubukan kong intindihin." Sabi ko.

Umiling lang sya kaya hindi ko na pinilit. Magsasabi naman siguro sya kung gusto nya diba?
Malayo pa ang byahe kaya sumandal ako sa likod ng upuan at pumikit.

"Gigisingin na lang kita." Sabi nya na hindi ko sinagot.

Tumahimik ulit, at dumaan ang ilang minuto na tanging ugong ng aircon lang ang nadidinig ko.

"Naranasan mo na bang magkagusto sa taong hindi mo pa gaanong kakilala? Sa taong ni hindi mo nakikita at nakakausap araw-araw?" Hindi ko sya pinansin, at nagkunwaring tulog. "Dumadating ako kapag kailangan nya ng karamay, kaya lang.. Alam kong wala akong laban. Walang-wala."

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay parang bumilis ang tibok ng puso ko. Na parang kinakabahan ako na ewan. Na parang alam ko kung saan patungo ang usapang 'to. Hindi ko malaman kung dahil lang ba sa nabo-bother ako sa problema nya o ano, pero nagdesisyon akong magsalita.

"Broken hearted ka?" Biglang tanong ko. Nakita kong nagulat sya, pero tumawa ng mahina.
"Parang ganun."
"Alam ba nung babae?"
"Hindi."
"Bakit hindi mo sabihin?"

Tumingin sya sa akin ng saglit at muling ibinalik ang tingin sa daan.

"I stood no chance." Mapaklang sabi nya.
"Paano mo naman nasiguro?"
"May.. May iba syang gusto. At alam kong wala akong laban."

Wala na akong masabi. Ano bang alam ko sa ganun?

"Malay mo naman, makakuha ka ng chance." Mahinang sabi ko.
"Ayokong.. Mailang sya sa akin. O baka hindi na ako pansinin."
"Ano ka? High school?" Biro ko.
"Wala namang batayan ng edad para hindi ka magdalawang-isip." Seryosong sabi nya.
"Okay, okay. Ang seryoso mo masyado." Tumawa sya ng mahina. "Pero you should tell her what you feel. Malay mo nga, may chance pala. Malay mo, naghihintay lang din sya at hindi na gusto 'yung lalaki."

Napaisip ako sa sinabi ko. Para kasing natural na lumabas lahat ng salitang 'yun sa bibig ko. Parang sa sarili ko na din iyon sinabi.
Napailing ako. NO. Bakit ko naman iisipin 'yun para sa sarili ko? May Axel na ako, sino pang hahanapin ko?

"Ayos ka lang, Mira?" Tanong nya.
"Uh, oo." May bigla akong naisip. "Uhh Lein?"
"Oh?"
"Anong.. Trabaho mo sa Grayate?"
"Head ako ng Fourth Year teachers. Sa High School." Tawa nya.
"Huh? Hindi ba't si Sir Luke iyon?"
"Sa subject lang sya ng English head. Pangkalahatan ako."

Namilog ang mata ko sa sinabi nya. Talaga? Akala ko ay clerk sya ng school or something. May posisyon na pala sya.

"Eh saan ka pupunta?" Tanong nya.
"Sa Jetana. May meeting ako."
"Shocks!" Gulat na sabi ko kaya napalingon sya sa akin pero muling nagfocus sa pagmamaneho.
"Bakit?"
"Eh bakit ako ang pinapunta ni Sir Luke?"

Natawa na lang sya at hindi sumagot. Wala pa din akong alam sa nagyayari, pero hinayaan ko na. Sinadya ba ito ni Sir o sadyang wala lang talagang pwedeng mapapunta bukod sa akin?
Just what the heck?

"Edi magkasama pala tayo?" Mukhang manghang sabi nya.
"Mukha." Buntong-hininga ko.
"Ayaw mo ba? Malapit na tayo oh."
"Hindi naman." At ningitian ko sya ng malawak.

Tsk. Gagamitin ko na lang ang pagkakataong 'to para makilala sya. After all, magkaibigan naman kami diba? Baka naman pwede 'yun?

"Hindi ba magseselos 'yung boyfriend mo?" Sabi nya matapos ihinto ang sasakyan matapos ang halos kalahating oras na byahe.
"Hindi ko sya boyfriend." Diretsang sabi ko.

Nang lumabas ako ay nakita ko ang bayan.
Magulo. Maingay. Buhay na buhay kahit katirikan ng araw.
Kahit saan ka tumingin ay may tindahan, at madaming tao. Malayong-malayo sa bayan namin sa probinsya. At hindi nalalayo sa itsura ng maynila.

"Gusto ko dun sa lugar nyo." Biglang sabi ni Lein sa tabi ko.

Tinignan ko sya at bumalik na naman sa tingin ko ang tila nagpo-photoshoot nyang tindig. Nasa harap lang ang tingin nya, bitbit sa likod ang isang bagpack habang walang emosyon ang mukha.

"Bakit naman?" Tanong ko nang mag-umpisa na kaming maglakad.
"Tahimik. Pati malamig." Nakangiting sabi nya, palinga-linga sa paligid.
"Ayaw mo sa Grayate?"
"Wala na 'yung dahilan ko para bumalik doon." Sabi nya at tinignan ako sa mata.
"Anong dahilan?" Pag-iwas ko ng tingin. Narinig ko syang tumawa.
"Sabihin na nating gumawa na ng paraan ang tadhana para huwag akong umalis."

Napatingin ako sa kanya, nakangiti sya ng bahagya at parang pati mata nya ay nakangiti. Korni man ang sinabi nya pero pakiramdam ko ay may laman iyon.
Paranoid lang ba ako o sadyang totoo ang naiisip ko?

"Anong iniisip mo?" Sabi nya nang lumiko kami sa isang kanto, nakakita na din ako ng gusali. Baka iyon na ag pupuntahan namin.
"Kung anong ibig sabihin ng mga sinasabi mo." Wala sa sariling sabi ko.
"Ha?"
"Wala. Tara na. Baka malate tayo pareho." Sabi ko at nanguna maglakad.
"If I have a reason to stay, why would I leave?" Sabi nya.
"Hindi kita maintindihan." Tawa ko sa kanya.
"Wag ka mag-alala. Baka malaman mo din sa mga susunod pang araw." Ngiti nya sa akin.

Ningitian ko din sya. Hindi ko alam pero bigla akong na-excite sa sinabi nya.
Gusto kong dumating ang araw na malalaman ko lahat ng gusto nyang sabihin. Ng gusto nyang ibahagi sa akin.

-----------------

Wohuuu! Dedicated to all team #MirLein there hahaha. Korni ko lang :/ What do you think about this chapter? Share it guys :D comment, vote and share. Kamsaaaaa! :D

The Chasing GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon