04:

12 3 1
                                    

Malamig ang hangin nang makalabas ako ng hotel. Kahit na may suot akong jacket ay ramdam ko pa din ang malamig na hangin. Tumingin ako sa langit at nakitang wala man lang kahit isang bituin.

Parang 'yung lovelife ko, blangko.

"Mirabella!"

Lumingon ako at nanlaki ang mga mata nang makita ko si Axel sa harap ng pinto ng hotel. Naka-jacket din sya at mukhang may pupuntahan.

"A-Axel.."

Pinilit kong kalmahin ang sarili ko para hindi nya mahalatang natataranta ako. Presensya nya pa lang ay hindi na ako mapakali.
Pero nakapagtataka namang tawagin nya ako?

"Pauwi ka na ba?"
"Oo. May.. Pupuntahan ka?"
"Pwede ka ba munang mayayang mag-kape?"

Napatitig ako sa kanya, pero agad na bumalik sa wisyo. May parte sa sarili kong gustong tumanggi dahil sa ilang na nararamdaman, pero hindi mawawala ang parteng natutuwa sa pagkakataong ito.
Pumunta kami sa malapit na Coffee Shop sa hotel. Tahimik lang kaming dalawa noong umpisa, parehong nagpapakiramdaman habang parehong hindi makatingin sa isa't-isa.

"Kamusta na? Nawalan kami ng balita sayo ah?" Pambabasag nya sa katahimikan.
"A-ayos lang naman. L-lumipat kasi k-kami nun kaya hindi na din a-ako nakapag-paalam." Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil ni hindi ko maiayos ang salita ko dahil sa kaba.
"Bakit sa Hotel ka nagta-trabaho?"
"Hindi ko pa kasi feel pumasok ng school."

Sa loob ng tatlong taon, paulit-ulit na tanong na lang ang nadidinig ko. At paulit-ulit na sagot na lang ang sinasabi ko. Humigop sya ng kape at tumingin sa labas. Sinamantala ko naman ang pagkakataong iyon para titigan sya.

"Kayo pa din pala ni Tanya?" Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay nasabi ko na ang tanong na nagpadagdag sa ilang na nararamdaman ko.
"Uh, hindi na. We broke up a year after grad."
"H-ha? Bakit?"
"Na-realize namin na mali ang umpisa ng relasyon namin, kaya naman mali din ang naging daloy nun."

Hindi ako makapag-salita, pilit na isinasaksak sa isip ko ang nalaman ko. All this time akala ko ay sila pa din, at hindi ko maintindihan kung bakit may parte sa isip kong natutuwa sa nalaman ko.

'Pero hindi pwedeng kainin ako ng tuwang 'to.'

"Ikaw ba? Wala kang bago?"
"Wala. Ever since College." Sagot ko. "Buti at close pa din kayo ni Tanya?"
"It just happened na ang agency na may hawak sa kanya ay Tito ko, so naging factor 'yun para maging ayos kami."

Ako ba, walang pag-asang maging kaibigan nya matapos ang naging relasyon namin?
Napailing ako sa naiisip ko. Nalaman ko lang na wala sila, parang bumalik lahat ng itinapon ko noong feelings. Parang baha na bumalik lahat ng saya at sakit sa akin na halos tatlong taon kong pinilit kalimutan.

"Maga-alas tres na. Ihahatid na kita." Sabi nya at tumayo na.

Inalalayan nya pa ako sa pagtayo kaya naman naramdaman ko na ang init ng pisngi ko.

"Wag na. Kaya ko naman."
"Gabi na. Mas mabuti nang safe ka."

Habang nag-aabang ng masasakyan ay iniisip ko kung pangangamusta lang ba talaga ang dahilan ng paglapit nya sa akin kanina. Hindi ko naman kasi maitatangging may gusto pa akong marinig na iba bukod doon.

"I heard may project ka malapit dito?" Pagbubukas ko ng usapan.
"Oo nga. Kasama ko si Davis doon, sya ang kinuha nila sa Interior Designing eh. Ikaw ba walang balak na mag-apply? As a Teacher, I mean."
"Wala pa sa isip ko."

Muli kaming natahimik. Pareho kaming nakatingala sa langit kaya naman hindi ko maiwasang maalala ang gawain namin noon sa loob ng Campus kapag ginagabi kami.
Dahil hindi pinapayagang umakyat ng rooftop, tatambay na lang kami sa park ng Education Department at doon magfi-feeling na nagi-star gazing.

The Chasing GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon