Tuwing umaga, nagpapasama sa akin si mama sa bukid para anihin yung mga palay.
Habang inaani ko yung mga palay sa kabilang pwesto, narinig kong tinatawag ni Kuya Jake si mama. Nilapitan ko si mama sa kabilang pwesto ng mga palay tapos sinabi ko sa kanya na tinatawag sya ni Kuya Jake. Iniwan nya muna ako doon sa palayan tsaka sya pumunta sa bahay."Liooo! Pumunta ka daw muna dito sabi ni mama! Iwan mo daw muna yung bila-o dyan!" tawag sa akin ni Kuya Jake habang kumakaway.
Naglalakad na ako pabalik sa bahay, pagkabukas ko pa lang ng pinto, nakita kong merong bisita si mama, at mga mukhang taga ibang bansa. Habang pinagmamasdan ko yung mga bisita ni mama, agad naman nila akong napansin kaya tinawag ako ni mama para papuntahin sa tabi nya.
"Ay oo nga pala Carmen, ito yung bunso ko. Sya yung madalas tumulong sa akin sa palayan." pinakilala ako ni mama sa bisita nya. Syempre, para naman di ako masabihan ni mama at ng bisita nya na wala akong galang sa mga panauhin, nagpakilala ako sa kanila.
"Ako po si Liora, tawagin nyo na lang po akong Lio." pagpapakilala ko sabay ngiti. Nginitian nya ako at kinamayan, maya-maya pa ay nagpakilala na rin sya sa akin.
"Hi ija ako si Tita Carmen, yung bestfriend ng mama mo since highschool. Ang ganda mong bata ka, atsaka ang puti-puti. Di nga halatang probinsyana ka eh, dahil dyan sa mala-anghel mong mukha, kayo ng Kuya mo. Alam mo ba, lagi kaming dalawa ng mama mo magkasama sa kakulitan namin. Kaya pala pati ung kakulitan ng Kuya mo eh, nakuha nya sa mama nyo." natatawang sabi ni Tita Carmen sa akin tsaka nya tiningnan si mama at kuya na tawang-tawa rin. Habang nakikitawa na lang ako sa kanila, napansin ko sa labas ng bahay yung kotse nila Tita Carmen, nagpaalam muna ako sa kanila na lalabas lang muna ako, pinayagan naman ako ni mama at nginitian na lang ako ni Tita Carmen habang si Kuya naman ay tumatango lang. Pagkalabas ko, napansin kong may batang natutulog sa loob ng kotse. Di ko na lang pinansin yung bata sa loob.
Naisipan kong bumalik na lang sa palayan para ituloy yung pag-aani ng mga palay. Mahigit kalahating oras na rin akong nandito sa palayan, kaya nagpahinga muna ako tsaka umupo sa putol na sanga ng puno. Habang pinagmamasdan ko yung palayan bigla na lang may kumalabit sa likod ko. Syempre, nagulat ako dun.
"Ay palaka! Kuya nama..." di ko na natuloy yung sasabihin ko kasi akala ko si Kuya Jake yung kumalabit sa akin.
"Hi!" bati sa akin ng isang batang lalaki habang nakangiti. Sya yung batang natutulog sa loob ng kotse kanina.
"Hello, pano mo ako nasundan dito?" tanong ko sa bata. Habang naghihintay ako ng isasagot nya, napansin kong nakakunot yung noo nya, naalala ko na lang na taga-ibang bansa nga pala sya kaya di nya naiintindihan yung sinasabi ko.
"Oh, I'm sorry. I forgot that you can't understand filipino language." nginitian nya na lang ako sa sinabi ko. Tama naman ung grammar ko di ba? Magsasalita pa sana ako nang bigla syang tumawa. Hala ka jan! Abno ata 'tong batang ito eh. Napakunot na lang tuloy yung noo ko.
"Hahahahaha... Nakakatawa ka, pero ang galing mong mag-english haa." nagulat ako nang bigla syang nagtagalog. Akala ko inglisyero 'to, di pala.
"Ba-bakit ka tumatawa? Tsaka, akala ko ba foreigner ka? Pero bakit nakakapagtagalog ka?"
"Well, hindi naman ako full foreigner, half lang. Phil-Am kasi ako." sagot nya habang nakangiti. Masayahin ata itong bata eh. Ay teka, ano nga ba yung Phil-Am? Matanong ko nga.
"Ano yung Phil-Am? Sorry haa, di ko kasi alam yung ibig sabihin nun. Alam mo naman kasi probinsyana ako eh."
"It's okay. Ang ibig sabihin ng Phil-Am ay Philippine at America. Kapag sa lahi naman ng tao, ay half pilipino at half amerikano." pagpapaliwanag nya sakin. Nginitian ko na lang sya. Nagtanong ako sa kanya kung anong oras na, tiningnan nya yung wrist watch nya at sinabing 4:29 na. Naalala ko na magpapakain pa pala ako ng mga manok. Pero bago pa man ako umalis, nagpakilala muna ako sa kanya.
"Ay, oo nga pala. Ako si Liora, tawagin mo na lang akong Lio." pagpapakilala ko sa kanya. "Ako naman si Jaydee." pagpapakilala nya sa akin with a matching smiley face. Niyaya ko na lang syang bumalik sa bahay, sumunod naman sya. Habang naglalakad kami, nililibot nya yung tingin sa paligid habang nakangiti. Sigurado akong magkakasundo kami nito, masayahin eh. Kakatok palang sana ako ng pinto nang biglang bumukas. Napatingin sa akin sila mama at Tita Carmen pati si Kuya Jake. Mukhang aalis na sila Tita Carmen.
"Oh, nagkakilala na pala kayong dalawa." sambit ni Tita Carmen habang nakangiting nakatingin sa amin. "Ay oo nga pala Noimee, ito naman yung panganay kong anak na si Jaydee." nakangiting wika ni Tita Carmen kay mama. "Ganun ba, eh teka, nasaan naman yung bunso mo? Bakit di mo sinama?" tanong ni mama kay Tita Carmen.
"Nandoon sya sa bahay kasama si Manang Yoli, ayaw sumama eh." malungkot na wika ni Tita Carmen. "Eh nasaan si Lance yung asawa mo?" tanong ni mama kay Tita.
"Nasa Korea pa sya, pinagpapatuloy nya yung pagpapatakbo ng kumpanya doon." sagot naman ni Tita Carmen, pagkatapos nilang mag-usap ni mama, nagpaalam na silang uuwi na, baka daw kasi gabihin na sila. Nagpaalam na rin sa aming dalawa ni Kuya si Tita Carmen at ganun din ang ginawa namin. Pasakay na ng kotse sila Tita Carmen at Jaydee nang hilahin ni Jaydee si Tita Carmen kaya huminto sila. Lumapit sa akin si Jaydee at may inabot sya sa aking kwintas na may nakaukit na pangalan nya. Nginitian ko lang sya at nagpasalamat ako. Bago pa sya ulit pumasok sa kotse nila, may inabot naman sya kay Kuya na isang laruang race car. Mahilig kasi si Kuya Jake sa mga laruang race car. Pagtapos nun, nagpaalam na sya sa aming tatlo nila mama at kuya tsaka pumasok sa loob ng kotse. Dahan-dahan na rin nilang pinaandar yung kotse at umalis, kumakaway naman ako sa kanila hanggang sa mawala na ung kotse sa paningin ko. Niyaya na ako nila mama at Kuya na pumasok na sa loob ng bahay.
***
Makalipas ng sampung taon, at sumapit na rin ang aking ikalabing-pitong kaarawan. Naisipan kong maghanap ng trabaho sa Manila dahil may sakit si mama. Si Kuya naman, di sapat yung kinikita sa loob ng isang linggo. Pinayagan naman ako nila Mama at Kuya kahit na labag sa kalooban nila na umalis ako. Wala si papa, nasa Saudi sya, pero di gaya ng inaasahan ko, di na sya bumalik.
Nung nakapunta na ako sa Manila, may nakilala akong isang lalaki na sobrang sikat, akala ko nga sya yung kababata kong si Jaydee eh, yun pala hindi.
Pero nung simulang nakilala ko sya, habang tumatagal, nahuhulog na yung loob ko sa kanya. Pero alam ko namang bawal, kasi sikat sya at ako naman probinsyana lang kaya wala ako ganong kaalam alam sa mga ibang bagay dito.But oneday, may umamin sa aking isang lalaki. Di ko man sya lubusang kilala pero ako, kilalang kilala nya... Impossible.
Pero gayun pa man, gustong-gusto nya ako, kahit na ang tingin sa akin ng karamihan ay isa lang akong Probinsyana.
YOU ARE READING
The Probinsyana Girl
FanfikceThis story is about the girl who lives in the Province. Because of their family problems and poorness, she tried to migrate alone in Manila to find a comfortable life. But when she started her own new life there, she met a guy who's very rich, famou...