Lio's POV
Habang naghihintay ako ng bus sa terminal, nakaramdam ako ng gutom. Pero di ko prinoblema yun dahil may nakita akong ministop sa di kalayuan. Habang naglalakad ako, bigla na lang nag-ring yung phone ko. Hinanap ko yun kaagad sa loob ng bag ko, pero di ko mahanap. Pinagpapatuloy ko pa rin yung paglalakad ko habang hinahanap yung cellphone ko sa loob ng bag hanggang sa nakabangga ako ng tao, napaupo ako sa sahig dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga sa akin.
"Ouch!" yan lang ang nasabi ko dahil sumakit yung pwetan ko sa lakas ng pagkakaupo ko sa sahig. Di ko makayanang tumayo. Pero bago ko pa man ipilit yung sarili ko para makatayo, inabot nya sa akin yung kamay nya.
Tumingala ako at inabot ko iyon. Di ko man sya kilala pero magpapasalamat sana ako nang napansin kong pinagtitinginan kami, yung iba naman kilig na kilig. Ewan ko kung anong meron. Napansin kong tinititigan nya yung kwintas ko nang bigla na lang nyang pinulot yung shades nya na nahulog.
"Salama..." di ko na natuloy yung sasabihin ko nang bigla na lamang nagsilapit at naghiyawan yung mga taong nakatingin sa amin kanina. Kaya naman ay lumayo na lang ako dahil pasikip na ng pasikip yung pwesto namin. At napansin ko na lang na biglang may lumabas na mga body guards at hinaharangan sya.
"Wahhh!!! Si Josh Dweshin!!!"
"Josh! We Love You!"
"Ang hot ni Fafa Josh!"Bago pa man makasakay ng Limousine Car yung nakabangga ko, nginitian nya ako, nagulat ako sa ginawa nya. At yung pag-ngiti nya ang umagaw ng atensyon ng karamihan, dahil bigla na lang nila akong tiningnan. Kinabahan ako sa reaksyon nila pero binalik nila ulit yung atensyon nila sa papaalis na kotse ng nakabangga ko at dahil dun nakahinga naman ako ng maluwag.
Umalis na ako sa lugar na yun, pumasok na ako sa loob ng ministop at bumili ng makakain, naka-order naman agad ako kasi wala naman gaanong tao. Umupo ako sa dulong pwesto. Naalala ko na may tumatawag nga pala sa phone ko kanina kaya hinanap ko agad yun, dahil nabibigatan ako sa mga dala ko, ibaba ko sana 'yon para ilapag sa sahig nang may napansin akong punit na litrato. Pinulot ko iyon at tiningnan. May lumapit sa akin na isang lalaki, tiningala ko sya, nabitawan ko yung litrato. Nginitian nya lang ako at umupo sa tapat ko.
"Sa-sayo po ba 'yang li-litrato?" nauutal-utal kong tanong sa kanya. Tumango lang sya tsaka kinuha yung nabitawan kong litrato.
"So-sorry po talaga. Di ko naman po ka-kase sinasadyang tingnan, na-curious lang po kase ak-ako." kabado kong sabi sa kanya. Nakangiti lang sya sa akin, di ko sya mamukhaan kasi naka-cap at shades sya, plus naka black leather jacket sya na mas lalong nagmukha syang hot. Pero seriously, para syang si Jaydee yung kababata ko. Mahilig din kasi syang ngumiti, pala ngiti sya pati itong lalaking nasa harap ko ngayon, kaya nga naalala ko sa kanya si Jaydee eh.
"Amm, wala po ba kayong sasabihin?"
"Dangshin eun ah reumdapseumnida" sabi nya sa akin habang nakangiti, wala akong naintindihan sa sinabi nya. Tinanggal nya yung shades nya, pero ung cap hindi nya tinanggal.
[Translation: You're so beautiful]"Amm, a-ano po yun? Sorry po haa, di ko po kasi kayo maintindihan."
"I said, You're so beautiful." wika nya, napangiti sya dahil siguro napansin nyang namumula yung pisngi ko sa sinabi nya. Wala naman akong nasabi sa sinabi nya dahil naiilang ako.
Tooot! Tooot!
Napalingon ako sa labas ng ministop nang marinig kong bumusina na yung bus sa terminal. Aalis na sana ako kaso lang naalala ko na meron nga pala akong kausap.
"Naku! Amm, so-sorry haa. Kailangan ko na kasing umalis eh, nandyan na yung bus papuntang Quezon. Bye!" sabi ko sa kanya tsaka naglakad na ako papunta sa pinto ng ministop, di pa man ako nakakalayo hinila nya yung kamay ko kaya napahinto ako at lumingon sa kanya.

YOU ARE READING
The Probinsyana Girl
FanfictionThis story is about the girl who lives in the Province. Because of their family problems and poorness, she tried to migrate alone in Manila to find a comfortable life. But when she started her own new life there, she met a guy who's very rich, famou...