2 - Stuck Inside

62 3 0
                                        

Lio's POV

Kakarating ko pa lang galing sa pag-aapply ng trabaho. Ang hinihintay ko na lang ngayon ay yung text nila Tita Beng sa akin kung tanggap na ako. Si Tita Beng yung may-ari ng Salon.

Yes, sa salon ako nag-apply. Hindi porket probinsyana ako eh hindi ibig sabihin nun na di ako marunong mag ayos ng mga buhok o ano pa man.

Ilang minuto rin yung nakalipas pero di pa rin sya nagrereply, baka nga di nila ako tinanggap eh. Pero, okay lang naman sa akin kahit di nila ako tanggapin eh, kasi pwede pa naman akong mag-apply ng iba.

You got (1) message

Si Tita Beng na kaya 'to? Sana sya na 'to. Dahil sa sobra kong excited, kinuha ko yung phone kong nakapatong sa ibabaw ng drawer. Pagkabukas ko, parang nawala yung excitement  ko nung nakita kong hindi si Tita Beng yung nagtext.

-To: 09086768601

[Hi! *insert smiley face* I heard that you need a job, so here I am outside of your window offering a job. A well-done job to do.]

From: +639248648167-

Teka, sino kaya 'tong nagtext sa akin? Nakaka-curious haa. Mareply-an nga.

-To: +639248648167

[Salamat po sa pag-o-offer sa akin ng trabaho, pero sino po sila? Tsaka saan nyo po nakuha yung no. ko?]

From: 09086768601-

Wala pang isang segundo nagreply agad sya.

-To:  09086768601

[Would you mind if you care to look outside your window? Well, I got your no. when you left your phone.]

From: +639248648167-

Sumunod na lang ako sa sinabi nya, binuksan ko yung huge sliding glass window at tsaka pumunta sa terrace para tingnan kung sino yung nasa baba. Nagulat ako sa nakita ko, totoo ba 'tong nakikita ko?

Dahil sa sobrang tuwa at saya ko, lumabas ako ng kwarto ko at dumiretso sa elevator, nasa ground floor na ako. Pumunta ako sa labas ng Clarkson's Condo at dumiretso sa pwesto nya kung saan ko sya nakita. Sa sobrang saya ko, niyakap ko sya. Pero wala akong paki kung marami man sa aming makakita, wala namang malisya sa pagyakap ko sa kanya eh. Tsaka kahit na di pa kami ganun ka-lapit sa isa't-isa, kaibigan na ang turing ko sa kanya. Dahil sa pagiging mabait nya, makwento, at masayahin, dun kami nagkasundo. Tsaka isa pa pala, ang GWAPO NYA!!! Nakakamatay yung kagwapuhan nya. Tsaka di lang yun, matangkad pa sya at maputi. Baka pag-isipan nyo ako ng masama haa, pero sa totoo lang ang tigas ng dibdib nya at may pandesal! Este 6packs.. Di ako manyak haa.

Nakikita ko lang sa mga billboards. Naalala ko nga pala na nakayakap pa rin ako sa kanya, kaya bumitaw ako.

"So-Sorry haa... Hehehe, nayakap tuloy kita sa sobrang saya. Di ko kasi aakalain na ikaw yung mag-o-offer sa akin ng trabaho eh, alam mo naman kasing kailangan na kailangan ko yun. *insert smiley face*" nahihiya kong sabi sa kanya. Napangiti sya at bigla syang nagsmirk.

Shete! Wag ka ngang mag-i-smirk! Nakakainlove ka eh.

"Amm, are you okay? You're blushing?" nagtataka nyang tanong sa akin. "Huh? A-Ako? O-Okay? Ay, oo okay lang ako. Hi-hindi ako nagba-blush noh. Sadyang rosy lang yung cheecks ko. " kabado kong sagot sa kanya sabay yuko. "Well, sabi mo eh." sang-ayon nyang wika habang natatawa-tawa. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ganun? Nakakahiya. Bumibilis yung tibok ng puso ko. Makurot ko nga sarili ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 06, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now