Kapitolo-I

719 18 8
                                    

"DAMN it Mary...!!! Talaga bang nagtatanga-tangahan ka or talagang Tanga ka lang...!!". Bulyaw ni Catherine ,matapos Ku siyang mahagisan ng kape sa kanyang mamahaling damit..

"Sorry ho..!!". Magalang Ku paring sabi kahit rinding-rindi naku sa kaartehan ng babaeng to, akala mo kung sinong beauty Queen eh nagmukha na nga siyang bakla sa kapal ng kolorete niya sa mukha..

"Oh ano pa tinitingin-tingin mo jan .. Kumuha ka ng tissue at punasan mo to..!!". Mariing utos niya sa akin..

Mabigat kung sinunod ang sinabi niya.
Well lagi namang ganun, tinuturing na aku ng lahat na isang utusan..

Nagtatarbaho aku sa school canteen ng Unibersidad kung saan aku nag-aaral,lage akung pinag-iinitan lalo na sa grupo ni Catherine mula nung naging close kami ng Ex-boyfriend niya..

Ambitter ng gaga..!!

"Hey...!! Pwede bang bilisan mo. Ang kupad-kupad mo talaga..!!". Singasing uli niya..

Medyo nahihiya na aku sa ginagawa ni Catherine,pinagtitinginan na kami ng lahat ng Estudyante,..
.
.
.

"HAY naku! Kung nasa labas lang kami talagang sasakalin ko yung Bruhang yun..!!". Nanggigigil kung Kwento Kay Hanna,kasama kung working student,nang kumunti na lang ang mga estudyanteng kumakain sa canteen..

"Ang sama talaga ng ugali ni Catherine ano! Kaya siya iniwan ni Tanner, at kaya mainit ang dugo niya sayo kasi Feeling Close ang ex niya sayo girl..!!"

Mahina Ku siyang siniko,ang lakas pa naman ng Boses ng babaeng to.

"Hi Mary..!! .. Sabay kaming napalingun ni Hanna sa taong nakatayo sa counter kung saan kami nAg chichismisan..

At speaking of Tanner..." Oi... !!! Tapos na klasi mo..!". Pagak Ku siyang nginitian.

"Uo eh! Kaw ..ano oras klasi mo???"

"Ahm..mamaya pang-gabi.."

"Wala ng tao..pwede mo ba akung sabayan mag-snacks..!!". Anito sabay nilibot ng tingin ang paligid.

Hindi na naman niya napansin si Hanna.. At aku naman ang pinag-tritripan niya kaya lagi akung pinag-iinitan ni Catherine dahil sa kinikilos ni Tanner..

Gusto ko siyang tanggihan dahil Alam kung may mga mata sa paligid ang malditang yun..

"Pasensya na Tanner pero pass muna ako..iiwas lang sa gulo..!". Tumatango-tango naman sa gilid ko si Hanna ,sang-ayon ito sa sinabi ko..

Batid kung bumaba ang energy in Tanner sa aking sinabi mula sa ekspresyon ng kanyang mukha.." May ginagawa na naman sayo si Catherine..??!"

"Hay naku! Wag ka ng magtanong! Kilala mo naman yang ex-girlfriend mo talagang nanggigigil aku sa kanya..!". Inirapan ku siya tila sa kanya Ku sinisisi kung bakit aku pinahihirapan ng babaeng yun..

Ngunit kumunot ang noo Ku dahil humalagpak ito ng tawa..

Nagkatinginan kami ni hanna sa kakaibang reaksyon nito,para bang masaya pa siyang may-inaaway ang ex niya ng dahil sa kanya..

"Ang saya diba??!". Sarkastiko kung tugon..

"H-hindi Mary!! Baka kasi nagkataon lang...wala na tung kinalaman sa akin,tapos na kami! Actually may bago na siya..!!". Kampanti niyang naisalaysay..

Gusot parin ang mukha ko,saka Ku binaling sa pag.aayos ng mga tinapay sa basket ang aking atensyon pati si Hanna ay gumaya na rin sa akin..

"Oh well. I know hindi ka naniniwala..pero malalaman niyo rin yun ..!". Huli niyang sinabi saka pumihit patalikod,nag-martsa siya paalis ng canteen ng hindi man lang akung nililingun..

"S-sino kaya siya noh! Curious tuloy aku.. May mas gwapo pa pala dito bukod kay Tanner.."

"Ai.... Ewan....masyado siyang mahilig sa gwapo ...!"
Pilit Ku iyung binabaliwala paki Ku ba sa love life niya..

Sandali kaming tahimik ni Hanna,ngunit napapiksi kami ng bumukas ang glass door at mga unfamiliar na mukha ang pumasok.,

Napatigalgal kami ng nakita ang tatlong nilalang,may isang babae na saksakan ng ganda,kakulay niya ang bulak sa subrang puti ng kanyang balat,lalong nagpatingkad sa maala-porselana nitong kutis ang red lipstick nito,.

Takaw din sa atensyon ang bakulaw na kasama niya,hindi naman masama ang kanyang mukha,pero nakakapangliit ang kakisigan ng kanyang katawan at sa tangkad nito.grabe mukhang inubos niya ang lahat ng Cherifer para maabot niya ang ganitong tangkad,pwede na siyang basketball player ng magkasilbi naman ang Haba ng kanyang biyas ..

Napakislot aku ng maramdaman ang malamig na kamay ni Hanna na naka-ekis na sa aking braso..

"M-mary...!! .Ti-tignan mo yung naka-black-leather jacket ..!!". Marahan niyang inangat ang kanyang kamay at tinuro ang taong tinutukoy niya ..

Ito na marahil ang lalaking huling pumasok..

Napakagat aku sa aking labi ng madako ang tingin ko sa kanya..

Naka-side view lang ito,ngunit sapat na iyon upang mapatanga kami ni Hanna..

Ang mukha nito ay Mas gwapo pa ata sa artista..

Tulad nung dalawang nauna, grabi ang puti ng kanyang mukha,ang tangos ng kanyang ilong,ang pupungay ng kanyang mata,.
Ngunit hindi siya pala-ngiti,
Di-tulad nung dalawa niyang kasama na nag.eenjoy at nag-kwekwentuhan..

Tahimik lang itong nakaupo ..

Ngunit tila bigla akung nakuryente ng tumingin siya sa direksyon namin.

"SosMaryosep! Na-mamagnet aku ,mas lalo siyang gumagwapo sa front view..
Maria.. Nakakabaliw ang itsura niya... Chaaarrrr....!!!!!

The Vampire's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon