ALAS nuwebe ng gabi ng umalis aku sa loob ng campus..
Panaka-naka na lamang ang mga estudyante na kadalasan ay mga working students tulad Ku..
Sa di kalayuan ,natigilan aku ng may nakitang pamilyar na mukhang nakaupo sa labas ng gate.. Nasa lilim ito ng puno ng balete nakaupo sa sementong upuan..
Agad Ku siyang napansin dahil napakatingkad ng kulay ng kanyang balat,dahil sa subrang puti nito at di-mo akalaing tao iyon..
Upang makasiguro,una kung hinanap ang kanyang paa kung nakasayad ba ito sa lupa at kung hindi...Nah!! Alam na..
Mukha namang sumasayad siya sa lupa ah! Pansin Ku ring napapalingun ang ibang tao kapag nadadaanan siya ..
Nakahinga ako ng malalim.. "Akala ko white lady at aku lang nakakakita.."
Humakbang pa aku ng mas malapit ng mas makilala Ku ang babaeng iyon....
Ng ilang dangkal nalang ang aking layo.." Oh my God,!!!" Natutup ko ang aking bibig,namilog ang aking mata..
"Ma'am Eloisa..!". Sambit ko dito.
Batid kung pati siya ay nagulat din ng makita aku..
Kakaiba na ang kanyang Itsura mula nung umalis siya sa mansyon nila, 5 years ago.
Ang payat niya ..mas payat pa siya sa akin, namumutla ang kanyang mukha..sa subrang puti nito ay parang naubusan na siya ng dugo ..nangingitim na rin ang ilalim ng kanyang mat at tuyong-tuyo ang kanyang labi.
Grabe! Ang kanyang pagbabago..agad ko siyang nilapitan at tumabi aku sa kanya.
Para siyang kinuryente ng magdikit ang aming balat,agad siyang umiwas sa akin at kinubli ang kanyang mukha sa mahaba niyang buhok..
"Ah..-- dumating na po pala kayo..!". Alanganin kung tanong.
Hindi niya aku kinibo..inabot Ku na lamang sa kanya ang dala kung mineral water.." Ma'am Ito oh!! Susunduin po ba kayo ni tatay dito..??"
Natigilan aku ng inurong niya ang kamay Kung may hawak ng bottled water palayo sa kanya.." Hindi aku umiinom niya..!". Aniya- hindi ko Alam Kung bakit pero biglang tumayo ang aking balahibo sa lamig ng kanyang boses...
"Ahm.. S-sorry ho..!". Nakayuko kung sabi.
Naramdaman ko ang kanyang pinong kilos,nag.angat pala ito ng mukha na tila may tinatanaw sa di-kalayoan kasabay nun ang kanyang pagtayo..
Nilingun Ku ang direksyon ko saan siya nakatingin..
Mariin akung napalunok....
Sila yung mga mapuputing tao sa canteen,hindi lang pala sila dahil may kasama pa silang dalawa,.
Katulad din ng sa kanila ang kulay ng balat ni Ma'am Eloisa pero hindi nangingitim ang ilalim ng kanilang mga mata, hindi din sila subrang payat bagkus ang he-healthy nga ng kanilang pangangatawan,tanging kakaiba lang ang kulay ng kanilang balat..
"Ma'am ,kasama niyo po ba sila..??!" Baling ko dito
Hindi na niya aku muling kinibo, Napansin Kung nanginginig ang kanyang kamay habang may hinuhubad na tali sa kanyang kamay..
At bago pa makalapit ang grupong iyon sa lugar namin ay naabot na ni Eloisa ang bagay na iyon sa aking kamay..
Wala siyang ibang sinabi at iniwan na niya lamang aku ng walang kahit anung bilin,
Tumalima siya sa grupo ng dumaan sila sa harap ko,
Agad ring nahagip ng aking mata ang lalaking naka Leather jacket ,at tulad kanina wala paring emosyon ang kanyang mukha..
"Ang werdo naman ng mga taong to.!"
Pagkasabi koy nilingun aku ng lalaki,napahawak aku sa making dibdib sa subrang gulat.." Aatakehin yata aku sa puso sa kanya..!"
Hindi ko kayang salubungin ang kanyang titig, kasi parang unti,-unting kumakalas ang mga buto sa katawan,.
Uo !! Sasaksakan siya ng gwapo pero tila takot ang gumagapang sa aking kalamnan,agad akung umiwas bago pa aku bumigay...
Tumakbo aku sa ibang direksyon..
"Edward..that's enough..!!". Boses ng babae ang narinig ko bago pa aku nakalayo,
Hindi aku huminto sa pagtakbo hanggang sa hindi ko na sila matanaw..
Dahan-dahang bumagal ang aking paghakbang,at lumingon aku sa aking likod upang masigurong nakalayo na aku sa kanila..
Saka pa aku huminto,grabeng hingal ang aking inabot,napayuko aku sa pagod.
"Grabe!nanginginig ang tuhod ko!..!". Pinilit kung humakbang ulit ngunit napatalon ako sa gulat ng may taong humarang sa aking dadaanan... " AY!!! PALAKA!!!!...
Nakatingin siya sa akin,ang mata niyay nakatingin sa akin,na para bang hinihipnotismo aku dahil unti-unting nagbabago ang kulay ng kanyang mata,
At ilang segudo lang ay kakulay na ito ng dugo.
NAKAKATAKOT... TUMITINDIG ANG AKING BALAHIBO .. GUSTO KUNG KUMILOS PERO NAITULOS NIYA ANG AKING KATAWAN SA AKING KINATATAYUAN ..
"S-sino k-ka??????...". Nangangatal kung wika.
"Isa ka sa sinumpa..!!". Mababa ang kanyang boses at tulad Kay Eloisa napakalamig din nito,
Hindi ko ma-gets ang kanyang sinabi,anung sinumpa ang sinasabi ng kutong lupaNG to,.
Mahirap pa nga kami sa daga,isusumpa pa kami..Ang Grabe naman nun..
Hindi ko na kaya pang sumagot,dahil tuluyan na akung nilamon ng kanyang Enerhiya,tanging ang unti-unting pagbagsak ng aking katawan ang aking nararamdaman..
Ngunit Isa lang ang sigurado ko ...
Mas gwapo pa pala siya sa malapitan..
BINABASA MO ANG
The Vampire's Bride
Vampirthis is one of my MayWard Story.. Naranasan mo na bang mag.mahal ng taong galing sa ibabang Mundo.. Galing sa Mundo ng mga nagtatalasang pangil. Mga anyong taong hayok sa dugo.. well kakaiba ang storya Ku at ng taong unang nagpatibok ng aking puso...