Gobyerno naalarma sa dumadaming kabataang nahuhumaling sa Anime.
Manila, Philippines --- Ayon sa nakaraang issue ng Philippine Starry Sky, padami na ng padami ang Pilipinong nahihilig sa mga 2d na palabas na galing Japan na tinatawag na Anime. Inakala daw nila na sa Kpop, panonood ng Telenovela ni Daniel Padilla, pakikinig sa kanta ni Justin Bieber at One Direction ang kinahuhumalingan ng mga ito pero napatunayang nagkakamali sila.
Ayon sa isang survey na ginawa ng G&A, walo sa sampung kabataan sa edad na sampu hanggang labing siyam na taon na gulang ang nanonood ng anime.
Sinabi ni Senador Mirriam Offensor Santiago, "Hindi daw nila maintindihan bakit daw mas gusto daw ng mga teenager manood ng mga hindi totoong tao na gumagalaw kaysa doon sa totoong tao. Sagot ko naman sa kanila, minsan kasi ang mga hindi na tunay na tao mas may kwenta pa kaysa doon sa tunay."
Sabi naman sa tweet ng isang sikat na journalist na si Making Hindipulido, "The generation as of today is looking for something new that can't be found in the current shows that air on television. And as far as we are concerned, the media grows as the the taste for genre of these children that is why the anime shows are getting more and more popular."
Magkagayunpaman sa dami ng mga postibong pananaw at makunsinteng pananaw ng iba't ibang kilalang tao sa bansa, hindi pa rin maiwasan ng magulang na mag-alala sa kanilang anak. Iyon ay dahil hindi na daw nakain ang mga anak nila para lang makabili sa Comic Lley ng mga anime items at makalaro ng online games sa internet shop. Ang iba naman daw na may connection sa bahay ay halos hindi na daw natutulog para lang makanood ng anime, ni pati pagkain, pag-ihi at pagdumi ay hindi na daw nila magawa.
Isa pa sa mga nakakabahalang issue ay ang pagdami ng mga kabataang nabu-bully dahil sa pagkahilig sa anime at inaasar na 'weirdo', 'isip bata at 'walang taste'. Naghahanap na ngayon ang gobyerno ng alternatibong solusyon sa problemang ito.
--- Yvonne Rosanna, Suesha Jumpee 2014

BINABASA MO ANG
Otaku Academy [Neo Generation]
FanfictionAnime, Manga, Games, Cosplay, Japanese Culture ba ang habol mo? Mag-enrol ka na dito kung saan ang pinapangarap mong debut sa mundo ng Otaku matutupad... I mean pipilitin nating matupad. So come one, come all. Magbubukas na ang Otaku Academy!