"Kyaaaa~! Nandyan na sila"
"Gusto ko talaga sumali sa group ng 'BITCH'"
"Ang yaman talaga nila!"
"I Know Right!! Tayo rin naman diba?"
"Sana mapansin nila tayo!"
Hindi sila makalabas ng limo dahil sa ingay sa labas. Pano pa kaya kapag lumabas sila?
"Tss. Ingay -___-" sabi ni Brithney Shane Chua. Siya ang leader ng 'Bitch'. 17 yrs. old. Hot, gorgeous, smexy, at halos nasa kanya na ang lahat ika nga 'almost perfect'. But don't get me wrong dear, hindi siya mabait, sabi nga nila 'Don't Judge The Book By It's Cover'.
"Oo nga, hindi na sila nagsawa." sabi ni Clouey Isabell Wu sabay roll eyes. 17 yrs. old. Siya ang pinakabestfriend ni Brithney. Siya rin ang kanyang partner in crime.
"Hiiii~ Hello!! Goodmorning sa inyo!!" sigaw ni Nicky Grace Ayuzawa with matching flying kiss. 16 yrs. old. Siya ang pinakabata, pinakaisip bata, at pinakamukhang bata sa grupo. Siya rin ang fashionista ng grupo.
Actually 5 sila. Asan yung dalawa? Ayun may sariling mundo.
Si Roxanne Lowell Xiu nagbabasa ng kung anu-ano. 17 yrs old. Siya ang nagiisip ng plano at nagsisimula ng mga kalokohan sa grupo.
Si Miandella Megan Lim naman ay naglalaro sa kanyang cellphone. 16 yrs. old. May pagkaboyish siya, siya rin ang varsity ng grupo. And there is one more thing you should know about her is, she doesn't want anyone to call her by her first name 'Miandella' or else something bad will happen to you.
"So Roxanne, pano tayo makakatakas sa kanila?" sabi ni Clouey habang niyuyugyog si Roxanne.
Nagsmirk lang si Roxanne.
"Driver, Get out of this car. RIGHT.NOW." utos ni Roxanne sa driver ng sasakyan.
"B-Bakit po Ma'am Xiu?" tanong nung driver na nanginginig na sa takot dahil sa pagtitig ng dalaga dito. Tinaasan lang siya ng kilay ng dalaga.
"Opo!! Baba na po!" pagkasabi iyon ng driver ay agad-agad siyang bumbaba, muntikan pa nga itong matalisod na dahilan para mapatawa sina Roxanne at Clouey.
"Game?" tanong ni Roxanne sa kanyang mga kaibigan. Sumagot naman ang lahat ng 'Game' maliban kay Brithney na tumango lang dito. Agad-agad namang inistart ni Roxanne ang sasakyan at ipinaandar ito papasok sa gate ng kanilang school, kahit pa may mga tao sa daan nila. Kaya naman agad-agad nagsisialisan ang mga tao sa daan. Dali-dali namang binuksan ni Nicky ang pinto ng sasakyan ng makarating na sila doon.
"TAKBO!!~" biglang sigaw ni Nicky na tumatakbo na palayo. Nagkatinginan na lang ang apat na naiwan sa loob ng sasakyan at sabay-sabay napailing dahil sa katangahan ng kanilang kaibigan.
Habang si Nicky naman takbo pa rin ng takbo dahil hinabol siya ng mga tao. Nang bigla siyang tumigil at napatigil din ang mga humahabol sa kanya.
"Nicky!~"
"Paauthograph naman!"
"Ang cute talaga niya sa malapitan!!"
"SHHHHHHHH!! SHUT.UP.!" sigaw ni Nicky sa lahat ng nasa likod niya, dahilan para tumahimik ang mga ito. Ngayon lang kasi nila nakita ang dalaga na sumigaw ng ganun.

BINABASA MO ANG
When Two Worlds Collide
Storie d'amoreFalling in love is like jumping in a really tall building; your head tells you "Idiot your gonna die" but your heart tells you "Don't worry pretty girl you can fly"