Noong unang Panahon may tatlong bathalang naninirahan sa ating mundo.Sina Emre,Arde at Ether, Ngunit nang nakita nila ang mga sinaunang nilalang ay hindi sila nasiyahan...Ang nakita nila ay mga mababang uri ng nilalang mga barbaro na kailangan pang mag-trabaho upang mabuhay mga nilalang na walang kapangyarihan,Dahil dito ay nilikha ng tatlong bathala ang mga enkantadong Diwata ng Lireo,Mga lamang-lupang Adamyan ,mga mangagamot na Sapiryan,Mga mahiwagang bantay ng mga enkantado mula sa Hathoria,isang bagong dimensiyon na tinawag nilang Encantadia,hindi gaya ng mga tao ay ang mga enkantadong ito ay may mga kapangyarihang taglay,At ang mga kapangyarihan nila ay nakapangyayari sa Tubig nang mapanatiling malinis at masagana ang karagatan,sa Hangin nangangalagaan ang buhay,sa Lupa nang mapanatiling mayaman sa pagkain ang buong kalupaan,At sa Apoy ang hari ng liwanag sa buong mundo.Ang mga Enkantadong ito ay sumamba kay Emre,kung kaya't lubhang nagselos sina Arde at Ether,Kaya't nagplano silang paslangin si Emre,Ngunit natuklasan niya ang mga balak nito.Kaya't isinumpa niya si Arde na maging isang Dragon at ipinadala sa impyerno kung tawagin ay Balaak upang maging tagapagbantay roon,At si Ether naman ay isinumpa niyang magibg isang ahas upang habang buhay niyang hindi makalimutan ang kanyang kataksilan.May mga enkantado ring pumanig kay Ether kaya't sinamba nila ito at itinatag ang ikalimang kaharian ang Etheria ,Isa sa mga naging Reyna nito ay si Avria,Dahil sa kanyang kasakiman ay sinubukan niyang sakupin ang mga kahariang Lireo,Sapiro,Adamya at Hathoria ng dahil sa pag-sanib puwersa ng apat na kaharian ay natalo nila si Avria at nawasak ang Etheria,magmula noon ang mga kahariang Lireo,Adamya,Sapiro,at Hathoria na lamang ang natitira sa limang kaharian.Ito ang simula ng Encantadia,Isang mundo na punong-puno ng Hiwaga at Mahika