Isa sa mga apat na teritoryo ng Encantadia ay ang Lireo,ang tahanan ng isang dugong bughaw na mga enkantada...
Ang mga Sangg're bukod sa kanilang likas na kagandahan ay nag-tataglay rin sila ng pambihirang kapangyarihan,Kung kaya't ipinagkatiwala ng kanilang ina ang reyna ng Lireo si Minea ang pangangalaga sa apat na brilyante ng Kalikasan,Ang mga Brilyanteng ito ay noon nasa kamay ng iba't ibang kaharian,sa lupain ng Adamya ipinagkaloob ni Cassiopea sa ating mga Adamyan ang dalisay na Brilyante ng tubig...
Sa lupain naman Sapiro sa lugar ng mga magigiting at mapagpalang mga enkantado,Sakanila ipinag-kaloob ni Cassiopea ang pangangalaga sa Mahalagang Brilyante ng Lupa...
Ang Brilyante ng Hangin na nagbibigay ng hiniga sa lahat ng nilalang,ay napasakamay naman ng mga mapagkalinga at matatapang na mga Diwata na siyang pinag-mulang lahi ni Cassiopea...
At sa kaharian ng Hathoria,ipinagkaloob ni Cassiopea ang pangangalaga sa Brilyante ng Apoy sa pag-asang gagamitin iyon ng mga hathor sa ikabubuti ng lahat,Ngunit matapos ang malaking digmaan para sa kapayapaan ng buong Encantadia,Minabuti ng Sapiro at Adamya na ipasakamay ang mga Brilyante sa mga Diwata para sa ika-bubuti at ikakapapayapa ng buong Encantadia,Sa kasalukuyan si Pirena ang panganay at pinakatuso sa mga Sangg're,Ang kumakatawan sa Apoy na siyang kapangyarihan ng Hathoria.Ang nangangalaga sa Brikyante ng Apoy...
Si Danaya ang bunso sa mga mag-kakapatid,ang tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa na siyang kadikit ng kadikit ng Kaharian ng Sapiro...
Si Alena ang Pangatlo sa mag-kakapatid ang pumapalibot sa isla ng kaharian ng Adamya,Ang tagapangalaga ng Brilyante ng Tubig...
Si Amihan ang itinadhana,ang katuparan sa propesiya ni Cassiopea,ang may hawak ng Brilyante ng Hangin ang simbolo ng Lireo,pangalawa sa mag-kakapatid...