Ang mundo ng Encantadia ay pinamamayanihan ng apat na teritoryo ang Lireo,Sapiro,Adamya at Hathoria
Ang Lireo ay ang pinaka-bata sa apat na teritoryo ang tahanan ng mga diwata,ito ay pinamumunuan ng Ynang Reyna na si Minea kasama ang kanyang apat na anak ang mga Sangg're dito ay lalaki sila na marunong makipagdigma upang maipagtanggol ang apat na Brilyante,kilala sa kanilang kagandahan at kakaibang kapangyarihan ang mga diwata Progressibo at tanyag ang kaharian ng Lireo ang lupang kinatatayuan ng mga nag-lalakihang estructura...
Kaagapay ng mga diwata sa pakikipag-digma ang mga tapat na kawal mula sa Sapiro,hindi tulad ng Lireo ang Sapiro ay pinamumunuan ng mga kalalakihan, walang katulad ang lakas at galing sa pakikipagdigma ng mga sapiryan gamit ang kanilang mga espada at pana,sagana sa mga metal at hiyas na bato,ang lupain ng Sapiro ay ang parehong lupain na pag-sisilangan ni Prinsipe Ybrahim...
Yamang Tubig naman ang ipinagmamalaki ng isla ng Adamya kasama ng mga lirean at sapiryan sa pakikipag-digma,masipag at palakaibigan ang mga adamyan na maayos na pinamumunuan ni imaw,asa kamay ni imaw ang makapangyarihang tungkod o balintataw na nag-papakita ng kahapon ngayon at bukas...
Sa apat na teritoryo isa ang namumuod apoy at kadiliman ang bumabalot sa lupain ng Hathoria bago pa man maging hari si Hagorn ay si Arvak muna ang namumuno sa Kaharian ng Hathoria si Arvak ang ama ni Haring Hagorn,ang Hathoria ay pinamumunuan ngayon ni Hagorn kasama ang kanyang kanang kamay na si Agane ang Hathoria ay nababalutan ng dilim at malalalim na kuweba,Si Hagorn ang ama ni Sangg're Pirena,Kapangyarihang apoy namn ang pananggalang nila sa mga kaaway na siya rin ang ginagamit sa pag-pantay ng mga sandat na nag-tatanggol sa buong kaharian ng Encantadia...
Lireo,Sapiro,Adamya at Hathoria isang mundo ang ipinag-lalaban para sa kapayapaan,para sa kapangyarihan,para sa pag-mamahal