Foodcourt Lovestory (One Shot)

38 2 0
                                    

Copyright © 2014 by ImYourCinderelYa. All rights reserved.

Any similarities to existing persons (living or dead), places, icons or institutions are purely coincidental or were used in the pursuit of creative excellence.

DO NOT REDISTRIBUTE WITHOUT AUTHOR'S PERMISSION.

PLAGIARISM IS A CRIME.

Code: 02032014

Foodcourt Lovestory (One Shot) by ImYourCinderelYa

Okay ! Vacant ko na ! napahaba ang vacant ko ngayon, naging 2 hours imbis na 1hour lang, paanoba naman kasi pinalabas kami ng prof ko kanina sa first subject ..

---flashback--

Inis!! malilate na ko sa first subject ko, may test pa naman kami dun, bagal naman kasi ni manong driver eh >:/

*takbo takbo takbo*

hoooo!! pagdating ko sa room wala pa pala si ma'am >:/ hays kapagod tumakbo ah .. super nagmamadali ako yun pala wala pa, sayang effort. tsk! makapagreview nga muna ulit.

---Prof namin dumating--

Class, next meeting nalang kayo mag-eexam. - Prof

Yesssss!! - mga classmate ko yan.

Proceed tayo sa discussion, ilabas niyo ung handouts niyo. - Prof

(O.O) - ung mga walang handouts kasama ako

Alam niyo naman ung rules diba, ung mga walang handouts you may go, pwede kayong magpacopy at bumalik dito sa loob ng room within 5 mins, so go!! - Prof

*labasan kami ng mga classmate ko at pumunta sa library*

nanghiram kami ng book at nagpaxerox kaso wala na latenarin kami, ang haba kasi ng pila para makapagpaxerox tapos sa 4th floor pa ung room ko, kaya ayon nakapagdesisyon ako na pumunta nalang sa mall na malapit sa school namin.

---end of flashback--

Kaya ito nga nasa foodcourt ako ng mall na katapat lang naman ng school namin, tambayan ko talaga to kadalasan kasi mag-isa lang ako kasi magkakaiba naman kami ng schedule ng mga friendship ko dito. Nandito ulit ako sa dati kong pwesto kapag natambay ako dito. Umupo lang ako habang kumakain ng fries and coke float ng mcdo ( a/n: haha endorser lang ang peg XD ) nasa mesa ko rin ung handouts na pinaxerox ko kanina .. nakatingin lang ako sa papel sa harap ko habang sumusubo ng fries.

Kumakain lang ako ng fries, nung may napansin akong lalaking umupo sa katapat kung mesa, bali magkaharap kami pero sa magkaibang mesa ( gets niyo ? haha )

(O_O) oh my gosh ! naibulong ko nalang , pano ba naman kasi ung lalaking nakaupo at kasalukuyang nagtetext ay ung long time crush ko .. grabe lang ! tinitigan ko lang siya pero inalis ko rin agad ung tingin ko, mamaya mahuli pa nya kong nakatingin eh ! kahiya un.

Halos mag-iisang oras narin kami dun, pasulyap-sulyap ako minsan sa kanya habang kumakain, may katext pa rin siya tapos bigla siya tumayo at umalis na :(

*sigh* napabuntong hininga nalang ako .. hays ! sayang naman umalis na siya,ako nalang ulit dito, may 55mins pa ko bago magnext subject ko eh .. binasa ko nalang yung handouts ko na nasa mesa ko nang biglang may boy na ka-schoolmate ko ang lumapit sa akin at binigyan ako ng isang red roses.

"para sakin?" (**.)? tanong ko tapos tumango lang si kuya.

"kanino po galing?"

"malalamin mo rin daw" -boy

"ah! thanks"

Kinuha ko na yung red rose, may maliit na card pala na kasama, "para sa magandang babae na kong pinagmamasdan mula sa malayo", un ung nakasulat.

hala may stalker ako?? ay ang feelingera ko =_=

Nagulat ako kasi may biglang sumulpot uli sa harapan ko, this time girl naman na may dalang isang red rose uli at chocolate.

"sakin ulit?" tanong ko

"Opo" sabay takbo nung girl

"ay ang weird! -__- may card ulit, "para sa pinakamagandang babae dito sa foodcourt at sa paningin ko."

hala! hala! hala! sino ba nagpapadala nito? lumingon -lingon ako .. teka ngayon ko lang napansin bakit nga pala puro pula at puso ung nasa paligid ko? (-_-)?? napatingin tuloy ako asa relo ko, may date din kasi dun .. hala shemay! Feb 14 pala ngay---

di ko natapos ung sinasabi ko sa isip kasi napatingin ako sa harapan ko, naramdaman ko kasi na may tao (O.O) emergesh! si Drew, ung long time crush ko .. teka ! inutusan din ba siya na iabot to sakin? may hawak kasi siya na isang red rose ulit at teddy bear na may heart na may nakasulat na "my valentine" kinuha ko ung inabot niya at nagpasalamat, tiningnan ko naman kung may card ulit pero wala.

"hinahanap mo ba ung card?" - Drew

"h-ha?" andyan pa pala siya.

"Jessie" - Drew

"sakin galing ang mga yan ... alam ko baka nabibigla kita pero ngayon lang ako nagkalakas ng loob na lumapit at sabihin sayo ito ... Jess, matagal na kitang mahal, di mo siguro napapansin pero lagi kitang inaabangan dito sa foodcourt pag vacant muna, gusto lang kitang tingnan kahit sa malayo pero ngayon na may lakas nako ng loob .. Jess pwede ba kitang ligawan and will you be my Valentine date?" - Drew

"......." speechless ako sa pinagtapat niya, ung 4years na crush ko na mahal ko na ay mahal din ako.

napangiti nalang ako sabay bulong ng "yes" <3

---The end--

Foodcourt Lovestory by ImYourCinderelYa

(a/n: Feb 3, 2014 ko yan sinulat, nung nasa foodcourt ako ng mall na malapit sa school namin HAHA ung first part totoong nangyari po yun sakin XD wala kasi akong magawa dahil sa haba ng vacant ko kaya nagsulat nalang ako ng story sa tissue ng mcdo hahaha naisip ko ung story kasi may gwapong lalaking umupo sa katapat ng mesa ko eh kaya un hehe)

Vote po kayo kung nagustuhan niyo :)

and Comment din po <3

-Iycy

Foodcourt Lovestory (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon