9. "Dark Mist"

11 3 0
                                    

Chapter Nine

Dark Mist

Kassia's POV

Katatapos lang namin pinag-usapan ang paghahanap sa mga laborers seventeen years ago. At lantad ang muka ni Rainer na kanina pa nagtatagpo ang mga kilay. Kapag tinatanong siya ay sasagot ng hindi umabot sa limang salita ang sasabihin.


Kapag ganyang seryoso siya, naiilang akong kausapin siya.


"Kayo na ang dumito at hahanapin ko pa ang tumulong sa pag-aanak. Sige mauna na ako," paalam ni Madam. Tango lang ang ibinalik namin.

Ngayong kaming dalawa nalang mas lalong naging tahimik. Ba't ba ako naiilang,

"Isang minuto na siyang nahuli sa pag-uwi!" Inis na bulong ni Rainer.

"Sinong n-nahuli?" Utal na tanong ko.

Umiling-iling lang siya at kumuha ng isang basong tubig. Sa pagkaka-alam ko sa kilos niya kapag umiinom siya ng tubig ng biglaan ay nag-aalala siya. Hindi naman siguro si Morgana ang mahuhuli sa pag-uwi dahil kakaalis niya lang. Si Lucretia nalang ang dahilan niyan.


Nanliit ang nga mata kong tinignan si Ulan! Naiinis ako dahil sa inasta niya, naninikip ang dibdib ko. Gusto ko sa 'kin lang siya mag-alala. Hindi ko magawang mainis kay Resha, lalo na't isa siya sa prinsesa ng Leukand.


"May gusto ka ba sa kaniya?"

Gulat na nilingon ako ni Ulan, mismo ako nagulat sa sinabi ko. Minsan talaga hindi matigil ang bibig ko sa kakasalita. Bumuntong hininga siya at tumayo.

"Nag-aalala lang ako sa maaaring mangyari sa kaniya, gayong may kapangyarihan siyang masama." Seryosong ani niya.

Inaamin ko simula nong tumira ako sa bahay ni Madam ay naging malapit ako kay Rainer. May gusto ako sa kaniya at hindi ko itatangi 'yon. Masyado siyang mabait lalo na sa mga babae at talagang mahuhulog ang loob mo.

Nagitla ako sa pagbukas ni Rainer sa pinto, napatayo ako sa gulat. Ano na naman ang gagawin nitong lalaki.

"Aalis ka?"

Ngunit umalis lamang siya na hindi umiimik. Nabalisa ako nang kinaya niyang iwan ako mag-isa sa loob ng bahay ni Madam. Namuo ang luha sa mga mata ko.

Napagdesisyunan kong sundan siya. Bahala mo na itong bahay, ipananalangin ko nalang na walang makakapasok. Paglabas ko hindi ko na makita ang tindig ni Rainer. Ang bilis talaga niyang mawala.

Tatawid na ako sa kabila nitong kalsada nang, " Arayyyy!" may bumungo sa 'kin.

Isang prinsepe, pero nairita ako dahil sa katangahan nito at nababastos ako dahil ang mukha niya nadikit sa leeg ko. Walang alinlangang tinulak ko siya upang maalis sa ibabaw ko.

 Decent VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon