7. "Mortal World"

11 3 0
                                    

Chapter  Seven

“Mortal World

Kassia POV

Bandang tanghali na nang makauwi kami ni Morgana sa bahay niya galing sa Mojo Book Shop. Napaka-hirap naman kasing hanapin yung librong hinahanap ni Madam. Pero sisiw lang 'yon dahil nandyan siya.

Natagalan lang talaga kami don sa invisible portal na apakan ko kaya sumunod nalang din si Madam sa'kin.


Hindi naman nakakatakot ang lugar na 'yon kasi hindi pa daw tapos gawin ang mundong 'yon. Isang bahayan pala ang lugar na nagawa nila? Kalokohan.


*THROWBACK*

"Kassia?" Tawag ni Madam.


"Po?!"


"May umiilaw na ba diyan?!"

Tanong niya, nasa magkaiba kaming shelves ng mga libro. Ginamit niya ang mahika upang madali namin itong makita. "Wala parin..." Kunot-noong tugon ko.


Kakaiba ang lugar na 'to nasa apat na tao lang ang naririto, isama mo na kaming dalawa. Nahihilo na ako sa paglilibot nitong book shop. Sa di inaasahan ay napahilig ako sa isang hilera ng mga libro, malakas ang pagkakasampa ko upang may mahulog na libro.


Nakakainis, ba't kasi walang titulo ang librong 'yon? Pinapahirapan mo ako ah! Nang sa ganoong sitwasyong pinupulot ko ang nahulog na mga libro ay may napansin akong kakaiba sa isang libro. Masyado itong maalikabok at kita ang pagkakaluma nito sa labas palang. Naisip kong baka ito na ang hinahanap namin. Agad ko itong dinala kay Madam.

Nasa may counter na siya at nakikipagkwentuhan sa nagbabantay.

Ba't siya nandyan? Akala ko ba maghahanap kami. Napabuntong hininga lang ako at tinawag si Madam Morgana. Itinaas ko ang librong hawak ko at tumaas ang kaliwang kilay at ngumisi siya sa'kin.

Humalakhak pa muna ito at saka kinuha sa'kin ang libro.

"Very impressing, Kassia! How did you fund it?" tanong nito, kumunot ang noo ko. Anong ibig sabihin niya?


Humalakgak na naman siya, paniguradong nabasa niya ang isip ko.

"I was just joking 'bout the lighting the book." Nakangising usal ni Morgana.

Napanganga ako ng tuluyan sa sinabi niya, hindi ko peding ipakita na nainis ako. Tumango-tango nalang ako at ngumiti. "Awe! Alright."

Bumalik siya sa counter at binayaran ang libro at natigilan ako sa pagbigay niya ng isang bag ng pilak. Ganoon ba 'yon kamahal na libro? Nang matapos nang bayaran ni Madam eh, agad naming nilisan ang lugar na 'yon.

 Decent VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon