10. "Convo"

4 1 0
                                    

Chapter Ten

Convo

Lucretia's POV

Hindi ko siya maintindihan! Ayokong intindihin ang pinagsasabi ni Rainer kasi baka ma-mis-interpret ko. Kung maka-react naman kasi parang masamang may makasamang ibang tao.

"Tinulungan niya lang ako!" Irita kong sabi.

"Ano bang nangyari sa 'yo?" Tanong niya. Imbes na sagutin ay bumaling ako kay Dawo.

"Ahmm. Salamat sa tulong, Dawo!" masayang ngiti ang iginawad ko, "Mauuna na kami, hanggang sa muling pagkikita!" Paalam ko. Hindi ko na siya hinintay na sumagot dahil hinila ko na si Rainer.

"Hindi magandang mag-away sa daan!"

***


Mahigit isang oras kaming naghintay sa ilalim ng puno kung saan lumalabas ang lagusan. Sabi ni Rainer ay na-lock daw ang portal. Makakapasok lang kami kapag na-unlock ang pinto.

"Ano bang nangyari no'ng iniwan mo si Kassia?!"



Pareho kaming nakahilig sa puno at may distansyang namamagitan. Wala kaming magawa kundi maghintay na lumabas ang lagusan. Minsan napapalunok ako dahil sa nakikitang mga taong kumakain malapit sa kainan.

At nagsisimula ng mag-inggay ang tiyan ko sa gutom.

"Maayos naman siya." Aniya.

Nilingon ko si Rainer, noon ko palang siya natitigan ng ganito kalapit. Nakaka-inggit ang tangos ng ilong niya. At mahaba ang pilik mata niya.

Para siyang si Ken, nakakita kasi ako ng manika noong bata ako sa isang prinsesang naglalaro ng barbie ba 'yun? Oo, tama! Kaya nakita ko rin yung manikang Ken daw ang pangalan.


"Ba't ka naman nakangisi at.... Nakatingin sa 'kin?"

Naramdaman ko ang hiya sa ginawa ko. Nanatili kaming walang imik. Wala akong maisip na pag-usapan ang mga pribadong bagay sa buhay nitong Ken, hehe.

"Sawa ka na bang maging prinsesa?" Speaking of private things! Sa'n siya kumuha ng lakas ng loob na tanongin ang buhay at disesyon ko.

I sighed. "Ahmm, actually namimiss 'komg pagsilbihan! Nagugutom na ako!" Sigaw ko.

"Tsk! Ba't pa kasi hindi nalang dumiretso sa pag-uwi upang hindi ka magkaproblema sa gutom!" Giit niya na nagpanganga sa 'kin.

"Wow! Ayan na naman tayo, eh! Hinahabol nga kasi ako ng mga kaklase ko noon, pilit nila akong pinapauwi! Hindi mo ba naiintindihan?!" Inis kong paliwanag.

"Ba't di ka nalang umuwi? Kung ayaw mo ng mapagsabihan?!" Sermon niya.

"Masaya na ako!" Mahinang bulong ko.


Bigla nalang bumigat ang pakiramdam ko at the same time gumaan dahil sa may naka-usap ako ngayon. I want to know more about my self, gustong-gusto ko ilabas mismo ngayon. Bawat pigil ko lalong lumalala ang bigat sa lalamunan ko. At hindi ko namalayan na tumulo na ang luha ko.

"Hindi ka ba masaya sa pagiging prinsesa mo?" Alinlangang tanong ni Rainer. Napalingon ako sa kanya na tuloy ang agos ng luha. Umiling ako, at pinunasan ang luha.

Suddenly, he tapped my shoulder. Hindi ko naman inaasahan yun. Hindi kami malapit sa isa't isa pero parang kumportable na ako sa presensya niya.

At the right time, when we looked at each other, lumitaw ang ilaw ng lagusan at tuluyan na kaming nabalik sa ulirat.








Thanks for voting and reading my not-so-perfect story! Lovelots :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

 Decent VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon