08

2.1K 77 24
                                    



Raena's POV




"Anak ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit di na ako chinachat ni Jaehyun?" bungad ni mama nang pumasok siya sa kwarto ko. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. So totoo pala yung sinabi ni Jaehyun? Huh, buti naman noh. Ayokong chinachat niya si mama para makipaglandian lang. Dapat inaalala muna niya na may asawa si mama. Baka siya pa ang maging dahilan ng paghihiwalay nila mama at papa.

"Ewan ko. Baka nagsawa na sayo ma." nilingon naman niya ako. "Anong nagsawa? Ano yun parang nanghaharot lang tas iiwanan ka?" ayy duhhh syempre. Kilala ko si Jaehyun at sure akong nanghaharot lang yun. "Halata naman ma eh. Bulag-bulagan ka pa kasi. Mabuti pa ma, wag mo nalang siyang pansinin kasi mahahawa ka sa f-virus non." pangsesermon ko. Jusko mas nagmumukha akong nanay dito. Nakakahiya shemz.

"Nako baka busy lang yon. Hihintayin ko nalang siyang mag-online." huling sabi niya saka lumabas ng kwarto ko na kumekendeng. Jusmiyo, mama ko ba talaga yan? Pag tungkol sakin ang pinag-uuspan, ang sungit tas pagdating kay Jaehyun parang teenager umasta? Wow ha. Kinekeri niya naman psh.

Sinundan ko nalang siya at balak na kunin ang cellphone niya. Para naman walang chat time kay Jung Jaehyun. Naks! Operation: Steal the phone is on.

Dahan-dahan akong naglakad papuntang kusina. Pft, nasa cr pala si mama kaya kinuha ko na tong pagkakataon na kunin ang phone. Lalabas na sana ako ng kusina nang humarang si mama sa daan. Shit. Epic fail acoe. Awkward akong tumawa saka ibinalik ang phone sa lamesa.

"Hehehe." tanging nasabi ko. "Sa oras na kunin mo ulit ang cellphone ko, grounded ka, walang wifi, walang phone at walang credit cards." nanlaki naman ang mata ko. Jusko wagggggg!! I can't live without them!! Ay char joke lang. "Psh sige na nga ma. Adiós!"

Well, I guess pipilitin ko na naman si Jaehyun.


√ | feeling closeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon