10

1.9K 79 22
                                    


Raena's POV


"Wow siya pala ang pinalit ni Jaehyun oppa kay Yngrid."

"Panget naman siya."

"Ikr. Ano bang naisip ni oppa?"

"Baka naman nilandi niya lang si Jaehyun oppa."

Mga bulungan yan ng mga chismosang mga estudyante sa hallway habang naglalakad kami ni Jaehyun papuntang classroom. Sa totoo lang, naiinis na ako eh. Mga ignorante kasi. Makapanghusga wagas. Hindi nga nila alam ang buong storya. Mga chismosa talaga. Ang ginawa ko nalang ay umirap ng umirap. Kabanas! Kinalas ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Jaehyun. Naweweirduhan lang ako eh.

"Uy okay ka lang?" tanong niya nang makarating na kami sa classroom. Tumango lang ako, kinuha ang bag ko saka umupo sa proper seat ko na katabi ni Winwin. Humarap naman si Winwin sakin saka ako nginitian. "Good morning Raena Park. Kayo na pala ni Jaehyun?" pati siya?! hayyyy may gaganda pa ba sa umaga ko ha? "Ano naman ngayon?" pagalit kong tanong.

Tinaas niya ang dalawa niyang kamay saka tumawa. "Woah easy ka lang. Nagtatanong lang eh." umirap nalang ako saka iniwas ang tingin ko sa kanya. But seriously, nung nag-uusap kami ni Winwin, I can see Jaehyun's eyes focusing on us. Like, only us. Duh bahala na nga si doraemon sa buhay ko kainis. Gusto ko lang namang tulungan tong Jung Jaehyun na to eh at wapakels sila psh.



√ | feeling closeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon