44

1.6K 69 8
                                    


Jaehyun's POV


Tumakas ako sa detention para lang makapunta dito sa rooftop. I should not waste any moment kasi baka mawalan ako ng oras para kalmahin ang sarili ko. Nakakabakla man pakinggan pero kinakabahan akong mag confess. Para akong naiihi na ewan. May hawak akong tatlong roses na pula at isang box na may chocolate. Sigurado akong mapapangiti ko siya kasi may kasamang pagkain yung binigay ko. Maya-maya pa, bumukas yung pinto kaya nagsimula na akong mataranta. Sht sht sht pano na to? Iniluwa naman nito si Jisung. Phew! Kinabahan ako dun ah.

Lumapit naman siya sakin. "Hyung, papunta na si ate." pinunasan ko naman ang pawis ko pero nginitian lang ako ni Jisung saka pinatt yung balikat ko. "Fighting." sabi niya saka nagtago sa isang sulok. May narinig naman akong mga yapak kaya alam kong siya na yon. Okay Jaehyun, you can do this.

Bumukas naman ang pinto at nakita ko na ang taong kanina ko pa hinihintay. Bakas sa mukha niya ang gulat kaya nginitian ko siya. "Hi hehe uhmm...may sasabihin sana ako sayo." paninimula ko. Tumango naman siya saka nilapitan ako kaya dumagdag na naman yung kaba na kanina ko pa iniinda. "G-Gusto kita Raena. Ewan ko kung pano nangyari yon basta pagkagising ko ng umaga, gusto na agad kita. Ikaw palagi ang laman ng isip ko. Ikaw yung rason kung bakit lutang ako tuwing klase. Nahihiya lang akong umamin kaya idinadaan ko nalang ito sa mga biro ko."

I waited for an answer. Hayyy eto na ang kinakatakutan ko. Rejection is fast approaching kaya inihanda ko na ang sarili ko.

"I feel the same way about you too."

Nginitian niya ako saka ako niyakap.

(Oy ate gurl chansing ka ah)

"Hindi ko inakalang gusto moko. I'm---"

Natigilan naman ako nung kumalas siya sa yakap. She tiptoed and met my height and what she did shocked me. Hinalikan lang niya naman ako sa pisngi. Puta Jaehyun, kumalma ka!

"And I accept your confession."




√ | feeling closeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon