Day 2:#BatiNaAngViceRylle

226 17 3
                                    

~~~~~~~~~>>>>❤️

Memoryado na ang mga ganap on cam?Yan tayo eh.Bentang-benta na naman ang iwantv at youtube sa atin. Ano kaya ang nangyari off cam?

Medyo SPG po to. Kung wit nyo keri, skip nyo na lang po yung last part nito.

~~~~~~~~~~>>>❤️

Maaga ako bumangon. Ang sakit sa ulo. Nakatulog na ako't lahat, di ko pa rin alam kung paano ko siya malalapitan. Bakit ba ang hirap kasing gawin 'to? Bahala na.

Nakaka-tense naman. Syempre makikita ko naman siya. Paano kung di ko na mapigilan ang sarili ko?

Deadma na ako sa love team na yan...

Deadma na ako sa loveteam na yan...

Deadma na ako sa loveteam na yan...

Inuulit-ulit ko sa utak ko, hanggang mapagod ako. Hanggang makumbinse ko ang sarili ko.

Iwas muna ako sa mga kasama ko. Si Ngagabu naman kasi at itong si Billy, panay ang parinig. Nakakahanash. Isama mo pa tong sina Jugs,Teddy, Eruption at Ryan,kaloka, push naman ng push. Deadma na rin muna ako sa kanila.

Habang nasa DR ako, di ko pa ring maiwasang mapaisip. Ang gulo din kasi nitong si Kurba. Di ko mabasa ang mga trip.

Sa Sine Mo 'To segment

Billy: Ibibigay ni Dean Vice ang award sa kanilang outstanding student of the year na si Ginny.

Mabuti na lang nakashades ako. Di ko na naman mapigilang tumitig. Tangina naman tong segment na 'to. Magkakaeksena na naman kami at di ko mapigilan ang sarili ko. Napabuntong hininga ako.Di ko maintindihan pero unti-unti akong nawawalang ng control sa emosyon ko.

Vice:Congratuliminations Ginny. Ginny-fer Lopez.(Tawang-tawa)Gusto ko yung Ginny.(Tawang-tawa)

Dinadaan ko sa tawa. Gusto ko siyang lapitan. Gusto ko siyang kausapin. Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang halikan.

K:Thank you Dean.

Vice: Ginny-fer Lopez, congratuliminations.

Lumapit si K para kunin ang award. Inabot ko ang kamay ko para kamayan siya then tuluyan na akong nawala sa sarili. Hindi ko na napigilan at niyakap ko siya. Todo asar si Ngangabu at 'tong si Bully.

Billy: Teka, isang hug pa please...isa pang hug.

Anne: Yieeee! Bati na.

Napalunok ako at napatawa na lang.

K:Aalis ka na bukas, sige na.

Nagulat ako nang magsalita siya.

Vice: Conratuliminations!

Nag-bend down ako with open arms at niyakap ko siya ulit. Niyakap ko siya ng sobrang higpit at di ko namalayan, dinu-Dawn Zulueta ko na pala siya.

Denise Laurel: Kiss! Kiss! Kiss naman.

Natawa ako sa hirit ng bisita namin.

Vice: Gusto ko lang... And before you accept the award, I would like to tell you this...

Ano nga ba yun?Muntik na akong mapaamin.Haist!

K:Yes Dean?

Vice: Nakaka-miss ka pala.

Tanging nasabi ko. Di ko maitago sa ngiti ko ang kilig.

K:Awwww!

Muli kaming nagyakap. Paulit-ulit akong napa-I love you. Hinimas ko pa ang pisngi niya and I gave her a quick kiss. Sobrang na-miss ko siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

25 Days- A ViceRylle StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon