Day 1: #Torn

406 17 2
                                    

Di ko akalain na aabot sa ganito. Nag-umpisa ang lahat sa tuksuhan, puro biruan. Bakla ako,alam ko yun,alam ng lahat yun. Pero may nangyari sa akin na kahit ako,di ko maintindihan. Di ko alam kung paano ipaliliwanag.

"Bakla ako pero mahal ko si Karylle" Minsan ko nang sinabi yan.

Ilang beses ko nang inamin sa kanyang mahal ko siya pero parang wala lang sa kanya. Siguro akala niya, biro lang ang lahat.

Hindi ko sinasadya. Hindi ko alam kung kelan nagsimula. Hindi ko namalayan mahal ko na pala siya talaga. Higit sa kaibigan, higit sa katrabaho, higit sa kapatid, higit sa lahat ng taong mahalaga sa buhay ko.

Bakit naman kasi ang palpak ni kupido. Sa dami ng tao sa mundo, ako pa ang napagtripang panain sa puso?

Paano ko naman ipagsisigawan itong nararamdaman kung alam ng buong mundo ang aking kabaklaan. Bukod diyan, mayron na siyang jowa na malapit nang pakasalan.

Nung una akala ko tanggap ko na yun. Alam ko naman ang tungkol dun. Pero bakit ang sakit nung siya na mismo ang nagsabi?Alam ko namang mahal niya si Yael pero nung sinabi niyang pakakasalan niya, walang kaparis ang sakit.

Ang hirap talagang magmahal ng mga taong di naman sinusuklian ang pagmamahal na inilalaan mo sa kanila. Sanay na sanay na ako sa ganyan. Pero nung siya na, ang sakit pala talaga pag di ka naman pinahahalagahan ng taong para saiyo, PINAKAMAHALAGA.

Nung minsan di niya ako sinipot sa party ko, sobra akong nasaktan ,nagdamdam. Lalo na nang malaman ko ang kanyang mga dahilan. Kung di ko lang talaga mahal yang si Karylle, baka wala lang din sa akin kung di siya nakapunta e. Pero sobrang mahal ko siya, dun ko napatunayan.

Bigla akong natakot. Parang mali kasi e. Di tamang minamahal ko siya nang ganito kahit alam kong may laman nang iba ang puso niya. Natakot din akong pag nalaman niya, baka magalit pa siya. Masaya na akong kaibigan ko siya. Kahit paano,bahagi ako ng buhay niya. Pero higit diyan, mas matindi ang takot kong baka di ko na makontrol ang damdamin ko.

Okay naman na sana ang lahat kung di lang sa katangahan ni Kupido. Sa dami ng tao sa mundo, ako pa ang napagdiskitahang panahin sa puso. Mabuti sana kung kaming dalawa, ang problema ako lang yata ang tinamaan.

Dahil sa tampuhan, nakahanap ako ng dahilan para tuluyan siyang iwasan, layuan. Pero ang hirap namang magpakabato kung araw-araw kayong magkasama sa trabaho. Iwas na muna sa harutan at kulitan pero, tangina, di ko mapigilan. Di ko maiwasang panakaw siyang titigan. Kaya ng magkaproblema si Vhong, di ko na rin natagalan. Muli kaming nagkaayos at nagpansinan.

Pero nung makarating sa akin na nahahanash na ang boyfriend niya sa aming tambalan, nagpasya akong tuluyan na siyang layuan. Nasaktan ako ng may sabihin siya tungkol sa aking kabadingan. Ipinagmamalaki ko ang aking kasarian, alam naman ng lahat ang tungkol sa aking kabaklaan.

Araw-araw pilit kong pinipigilan. Pilit ko siyang iniiwasan. Kay Anne na lang ako nakikipagharutan, kahit ang totoo gustong-gusto ko siyang lapitan. Pansin na nang lahat ang aming pag-iiwasan. Umabot pa sa puntong ako na ang tinitira ng bashers at napagbubuntunan. Sinikap kong wag maapektuhan tutal wala naman silang alam sa tunay kong nararamdaman pero labis akong nasasaktan.

Alam naman nang lahat, di ako magaling magtago ng tunay kong nararamdaman. Kaya nung di ko na mapigilan, sa twitter ko na lang nilabas. Marami ang nagalit. Alam kong may mga nasaktan. Pero ayoko nang isipin pa yan. Balang araw, sana kanila ring maintindihan. Tao lang din ako, nasasaktan,nagdaramdam.

Dinadaan ko na lang sa pagpapatawa ang lahat. Ayoko namang pati trabaho ko maapektuhan. Pero di ko mapigilan, minsan may mga nasasabi akong makahulugan. May mga banat na di ko man sinasadya,patungkol na pala sa tunay kong nararamdaman.

25 Days- A ViceRylle StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon