25 Days- A ViceRylle Story

874 22 0
                                    

Sa dami ng pinagdaanan ko sa pag-ibig ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Nababalot ako ng takot, ng pangamba, ng alinlangan. Ang daming tanong sa aking isipan pero ang puso ko, di ko na mapipigilan.

Sinubukan kong umiwas. Sinubukan ko siyang bitiwan, pakawalan pero hindi ko pala kaya.

Sa kabila ng takot na baka hindi niya ako mahalin, baka hindi niya tanggapin, baka ipagtabuyan niya lang at pagtawanan, may mas malaki pa pala akong kinatatakutan...ang mawala siya nang di ko man lang nasubukang ipaglaban, nang di ko man lang napatunayan kung gaano ko siya kamahal. Hindi ko alam kung paano pero isa lang ang sigurado, kahit gaano kaliit na pagkakataon, kahit gaano kaigsing panahon, hindi ko na palalagpasin.

I have 25 days. Kahit 25 minutes pa yan o 25 seconds, susubukan ko pa ring iparamdam at ipaglaban. Baka sa ganitong paraan, sakit ay mabawasan.

Walang kasiguruhan, wala akong mapanghahawakan pero kung di man niya ako piliin, baka sakali, sa loob ng 25 days matutunan ko na siyang pakawalan.

Kung tuluyan na siyang mawawala sa akin, at least masabi ko sa sarili ko, lahat ginawa ko na, lahat isinugal ko na. Para kahit na mahirap, wala naman akong pagsisihan.

Gusto ko siyang lumigaya. Wala akong balak pigilan ang ikasasaya niya pero gusto ko lang na malaman niya. Ayokong dumating ang araw na kapag nalaman niya, kapag nagkabistuhan, ako pa ang masisi dahil di ko man lang naaamin sa kanya na mahal ko siya.

Hindi ko alam kung anong kahihinatnan. Kung may HOPIA ba o sa huli NGANGA. Kung anuman yun, bahala na si Batman.



~~~~~~~~~~~~~~~>> ❤️

Hello sibs!

Kung ikaw ay isa sa mga junakis ng pinaka-unkabogable parentals sa buong mundo...kung isa ka sa mga VK babies na walang kasawa-sawa sa HOPIA, para saiyo ang storyang ito.

I HOPIA LIKE IT!❤️❤️❤️

Kung may gusto kayong i-chuchu, feel free to comment. Kung bet mo naman, please vote. Keri lang kahit anong comment, maganda o panget. Don't be shy.

Pwede nyo rin po akong i-tweet/follow sa twitter @BytzBytz.

Hi Team Baboy. I ❤️ you. Salamuch sa kilig nights at sa mga nakaka-bipolar moments na ating pinagsamahan. I love you kapatids.❤️❤️

25 Days- A ViceRylle StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon