064

230 31 8
                                    


Kanina pa ako namamasyal mag-isa sa mall at medyo nababagot na ako sa kakahanap ng susuotin ko para magiging birthday niya.

Natigilan ako sa gilid ng isang rack of clothes nang makita ko ang pinakamatagal ko ng hindi nakikita na nakangiti sa harap ko.

Teka, nakauwi na siya? Kelan pa?

"My god, Deidre! You look so stunning! Mas lalo ka atang bumata!" she said, after so many years, she's married now and I couldn't believe na nandito na siya sa Pinas ulit. She married a korean guy.

"Eh, ikaw naman! Musta ang Sokor ha? At nakauwi ka na pala? Kelan?"

"Aba, syempre maganda! Kahapon lang kami nakabalik pero uuwi din kami agad sa Sokor. Pero teka nga, ikaw ba, nakamove on na?" napatahimik naman ako doon.

"Come on, Julez, 'wag mong ipunta doon ang usapan. Matagal na 'yun okay? At'saka isa pa, wala na akong planong makisawsaw pa sa isang pamilyadong tao. I wasn't born in this world to be mistress, god!"

"Pero... Deidre, ayos ka nga lang ba talaga? It's been five years though and I'm hoping na nakalimutan mo na ang nangyari."

"Nakalimutan ko na. Ayoko ng maalala kung paano niya ako naloko at nadala."

"Sorry, Deidre, ha. Kahit ako walang alam na gan'un pala si Dandreb,"

"No, not your fault." nakaramdam na naman ako ng pag-init sa pisngi at halos sapakin ko na ang sarili ko sa nangyayari sa aking ito. Don't waste your precious tears for him again, Deidre! God, 'wag kang magpaka-tanga ulit please!

"It's been five freaking damn years kaya wala na 'yun," I tried to smile as a bile rose from my throat.

"Okay. Kalimutan na natin! Back to shopping na ulit tayo! Mamaya dadating na ang asawa ko at kakain tayo sa Golden Cowrie," sabi niya at hinawakan ang braso ko. Nanlaki ang mga mata ko.

"What? Tayo?"

"Yes, tayo. Oh god, Deidre, don't tell me you are going to reject me?" umakto pa siyang nag-dedelihiryo. "No! Hindi ako papayag! Ang tagal na kitang hindi nakasama mula noong pangyayaring iyon kaya naman dapat sumama ka! Mag-bonding naman tayo!"

"Pero, Julez, nakakahiya kasi. Kasama mo asawa mo—"

"Ano ka ba naman! Kilala ka ng asawa ko ano! Kilalang-kilala! Kaya 'wag ka ng mahiya! Isa pa, 'di kaya siya matanda na dapat mong galangin at mag-mano!"

"July!" tumawa siya ng malakas, "Joke lang. Ikaw kasi. Basta, sumama ka dapat."

"Ikaw na nga nag-libre sa akin sa shopping na 'to tapos..."

"Sabing okay nga lang eh! Miss na kita kaya gan'un! Hayaan mo nalang sana ako, Deidre."

"Sige, sabi mo eh,"

"Salamat naman at ang akala ko ay aayaw ka na naman."

Nangyari nga ang gustong mangyari ni July at hindi na ako naka-ayaw pa. Hiyang-hiya ako sa asawa niyang kasing-edad lang naman namin at medyo marunong na ring mag-tagalog pero minsan nabubulol pa rin siya.

Natapos iyong pagkain namin at talagang gusto pa akong ihatid ni July gamit ang sasakyan nila. Convoy daw. Eh sa nahihiya na ako masyado 'tas may ganito pa! Ayoko na!

"Julez... naman eh..."

"Naku, hindi mapapanatag ang loob ko kapag hindi ka makauwi sa inyo ng buo... guilty na ako sa nangyari noon kasi ako pa nag-imbinta ng parents mo sa kasal 'tas 'yun pala iiwan ka lang pala ng mokong na 'yun—"

"July,"

"Oh, sorry na. Basta hayaan mo nalang akong ihatid ka ng asawa ko! Parehas tayong nasa likod lang ng sasakyan! Magkuwentuhan tayo! Ano ka ba naman, Deidre! Kainis ka, ha, uuwi na ako ulit sa Sokor 'tas ganito lang pala..."

"Sorry talaga, Julez pero gusto kong 'wag na kayong abalahin pa. Please 'wag mo na akong pilitin pa. Hayaan mo na ako, kaya ko naman ang sarili ko eh." bumuntong-hininga si July.

"Hays. Hindi ko na talaga mababago ang isipan mo. Sige na nga. Pero in one condition!" kumislap bigla mata niya. Ano na naman nasa isip nito?

"Ano naman 'yun?"

"Magbalik ka na sa Facebook! Para naman magchat na ulit tayo! Naku, kung hindi lang talaga nagkataon na nagkita lang tayo dito sa mall ay baka hindi na talaga kita nakita kasi out of reach ka naman! 'Tas ang numero mo pa... pinalitan mo..."

"You already know why."

"Oo alam ko pero please it's been five freaking damn years, sabi mo nga. Hindi mo man lang ba na-miss ang social media? Alam ko namang hindi ka adik doon pero kahit konti, 'di mo man lang na-miss?" she probed and I hid a smile.

"Am I abnormal if I say yes?"

"Ay, gaga! 'Yung totoo!"

"Hindi nga!" bulyaw ko.

"Eh, siya?" kumunot naman ang noo ko. Sinong siya?

"Ha? Hindi 'no!" sigaw ko.

"No, hindi si Dan. Si Vince... hindi na ba kayo nag-uusap?" agad naman akong natahimik doon. Hindi ko naman alam kung paano ko sasabihin sa kanya kung anong meron sa amin ni Vince... not now.

"Ah, Julez..." I was about to say it already pero dumating bigla ang asawa niya galing sa banyo. Mukhang maraming nagbanyo kasi medyo matagal siyang bumalik.

"Hindi pa tayo uuwi, hon?" tanong nito.

"Ah, hon! Teka lang! Stay put ka lang dyan. May sasabihin pa si Deidre." bumaling siya sa akin ulit, "Deidre, ano 'yun?"

"Ah... wala, Julez. Sige, umuwi na kayo." I smiled. Hindi pa ngayon. Hindi pa akong handang sabihin sakanya. Next time siguro nalang, Julez. If may next time pa.

"Ano ba 'yun?"

"Wala nga lang. Naisip ko narin palang kinakailangan ko na palang umuwi na rin. Baka naghihintay na rin kasi sila mama,"

"Sabing hatid ka na namin!" She's at it again. Akala ko tapos na 'tong usapan na to?

"H'wag na nga lang," Kulit din ng babaeng ito eh ano?

"Sige, sabi mo eh. Sige, mauuna na kami ah? May pupuntahan ka pa ba?" she asked and I smiled.

"Oo eh. Sige, sa uulitin ulit."

"Sa uulitin," she smiled.

dissemble. | filipino versionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon