One

11 1 3
                                    

Ako si Mikaella Louise Ferrer. Mahilig mag-aral, walang kaibigan, palaging nasa library, anti-social, palaging nabu-bully, baduy manamit, tahimik, may malalaki at makakapal na salamin at may mga braces. Isang NERD to be exact.

Alam ko walang magkakamaling magkagusto sakin dahil sa katangian ko. Kaya hindi ako umaasang magkakaroon ng lalaki sa buhay ko maliban sa tatay ko.

Pero lahat ng yon, nagbago. Mula nung makilala ko si Kiev Fuentes.

Flashback.

Nako male-late na ako, baka ma-detention pa ako nito. Pasira naman kasi yung pinakain sakin ni mama e. Amoy bulok na, ang sama pa ng lasa. Aisht. Sumakit tuloy tyan ko.

Pagkapasok ko ng room, napatigil ako sa paglalakad..

"What do you think you're doing Ms. Ferrer?" Tanong sakin ni Mr. Chua, terror na Prof namin sa Physics. Hayst.

"Uhm.. I'm sorry po sir, I'm late." Sabi ko. Nako naman, nakatingin ang buong klase sakin. Ayaw ko pa naman na maging center of attention. Nagpipigil pa sila ng tawa.

"No you're not. You are too early for your next subject so don't disturb my class! Here is your detention slip and leave!" Inabot nya sakin yung detention slip ko.

"LEAVE!" eto na oh. Aalis na nga e. Taray talaga nitong teacher na 'to. Hmp. Sorry God.

Lumabas nalang ako dun at dumiretso sa detention office.

"Nakakainis naman. Kung kelan pa naman may long test kami, saka ka pa sumakit? Na-late tuloy ako at napahiya pa sa buong klase. Favorite ko pa namang subject yun. Buti nalang wala dun si.." Kinakausap ko pa yung tyan ng biglang bumukas yung pinto ng detention room at iniluwa nito si..

"..Kiev" bulong ko. Andito sya? Late din sya? [Natural Ella, na-detention din e diba?] Oo nga no? Omo. It means magkakasama kami dito for an hour? Kami lang dalawa? Ako. Sya. Kami? [Psh. Whatever] ano ka ba konsensya, quiet ka lang. Act natural Ella.

Nakatungo lang sya mula nung pumasok sya. Nakatingin lang sya sa cellphone nya. Parang hindi naman nya nakita andito ako. Hello? Anong pake ng gwapong nilalang sa panget na nerd ha, Ella? Sabi ko nga, never nya ako mapapansin.

Nagbasa nalang ako ng paborito kong libro. Ang ganda talaga ng mga poem ni Nicolas Berne. Napapangiti nalang tuloy ako habang binabasa itong libro nya.

Wait, andyan pa kaya si Kiev? O umalis na sya? Parang hindi pa kasi hindi ko pa naririnig na nagbukas yung pinto. Silipin ko sya? Wag nalang baka mahuli pa nya akong tumitingin sa kanya.

Hindi ko naman napigilan. Unti-unti kong tinanggal yung takip ng libro sa mukha ko at nakita ko yung maganda nyang ngiti..

..habang nakatitig sa phone nya. Hindi ko namalayan, patago ko na pala syang kinunan ng picture habang nakangiti sya. Kung sino man ang dahilan non. Wala na akong pake. Basta nakita ko syang nakangiti. :)

Lumipas ang oras. "Makakalabas na kayo" sabi samin nung teacher na in charge sa detention office.

Parang saglit lang yun ah? Okay na yun basta naka sama ko sya, masaya na araw ko.

Pagkalabas nya sa room. "Kyaaaaaah!" Okay wag OA ha? Pabulong lang yang sigaw na yan. Kahit imposible, pabulong talaga yan. Haha.

Ako na! Ako na ang malanding nerd. Haha. Joke lang, di naman ako malandi. Crush ko lang talaga yung tao. Hehe.

End of Flashback.

Dyan nagsimulang lumala yung pagtingin ko kanya.

- - - - -
Thank you.

15 DaysWhere stories live. Discover now