Four

7 1 1
                                    

Ito na! 14 days na ang nakalipas at ito na ang ika 15. Last day nato.

May mangyayari kaya? Parang wala naman. Ilang taon na akong nang-iistalk kay Kiev pero hindi ko manlang sya naka-usap kahit minsan ha? Kahit isa, kahit nga 'excuse me' lang wala e. Mukhang hopeless naman. Hays.

Hindi ko na masyado inisip yon. Nagfocus nalang ako sa klase ko.

"Hoy Ms. NERD!" sigaw nung babae samay pinto ng room namin. Wala kasi kaning klase e.

"May pangalan po kaya ako, hello?" Bulong ko. "Bakit?" Sumagot ako.

"Tawag ka ni Ms. Valdez. Pumunta ka daw sa Office." Halaaa. Ella, ano yun?

Sumunod nalang ako.

Pagkadating ko dun. Pumasok ako sa office.

"Good Afternoon po. Pinapatawag nyo daw po ako?" Kinakabahan ako.

"Yes Ms. Ferrer. Sit down please." Umupo naman ako.

"Uhm.. Ano po yun Ms. Valdez?" Tanong ko. Ano kayang ipapagawa nya sakin?

"Ms. Ferrer, pwede ka bang um-attend ng meeting mamaya sa Student Council Room? Mamayang four o'clock? Kailangan ka namin dun e." Paliwanag nya. Aba, kailangan ako? Kelan pa?

"Sure Ms. Valdez. I'll be there" to save the day. Choss. Pumayag nalang ako. Wala naman akong magagawa. Kahit alam kong uutusan lang nila ako. Sige lang.

"Thank you Ms. Ferrer. You may go now. 4:00." Nag-bow nalang ako at umalis na.

- - - - -
Andito ako sa meeting na sinasabi ni Ms. Valdez. Isang oras na yata akong naka upo dito sa sulok at hindi nagsasalita, kaya nagbabasa nalang ako ng libro. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila. Bahala sila.

Mukhang hindi naman ako kailangan dito, kaya nag-decide na akong lumabas pero pinigilan ako nung president ata yun.

"Wait Ms. Ferrer! Malapit na kaming matapos at napag-usapan na namin at may plano na kami para sa foundation day." Oh tapos? Anong gagawin ko? Anong kinalaman ko dito? Ghaaaad.

"Guys. Ayos na yon. Sige salamat!" Nagsi alisan na silang lahat at kami nalang ang natitira dito nung president.

"Anong gagawain ko dito?" Wala naman e. Tsk. Kailangan daw ako--

"I need you to do this. Absent ang Secretary namin at sabi ni Ms. Valdez pumayag ka naman daw. Ikaw na bahala jan. Bye." What? Ano? Ako? Hays. Ako ang gagawa nito lahat? Tss.

Wala na akong nagawa kaya tinuloy ko na ito. Kasi naman. Hindi na ako makaka angal. Pumayag na ako eh. Hindi ko naman alam na ako ang gagawa nito, MAG-ISA. psh.

Pagtingin ko sa relo ko. 6:00 na. Nako! Baka masarhan ako dito. Dali-dali kong niligpit yung mga gamit at itinabi. Tapos narin naman kaya iniwan ko na.

Bumaba agad ako at akoy napapanlaw na don. Para kasing laging may nakatingin sakin.

"Hoy! Bakit ngayon ka lang? Anong ginawa mo don? Inutusan ka na naman no?" Sabi sakin ni kuya Ben, ang gwardya nitong school. Kasundo ko yan, madalas kasi akong umuwi ng gantong oras kaya palagi nya akong naabutan. Ang dami kasing utos nung mga yon e.

"Nako kuya Ben, alam mo na. May tinapos pa ako." Sabi ko.

"Nagpapa alila ka nanaman." Napatawa nalang ako kay kuya Ben.

"Sige po una na 'ko." Magpapasundo nalang ako, tatawagan ko nalang si Papa.
Wait lang. Yung phone ko! Nako baka may makakita nung wallpaper ko. San kaya yun naiwan. Dali dali kong hinabol si kuya Ben.

Wala na si kuya. Umakyat nalang ako sa taas. Takbo Ella bilis! Last day na oh. Baka mapurnada pa. 15 days ko din tinago yun.

"Hala nakalimutan ko palang isara ito?" Sabi ko sa nung nasa labas palang ako ng room.

Pagkapasok ko, nagulat ako kasi hawak-hawak ni Kiev yung cellphone ko. Paktay ka. Nakita nya? Nakakahiya. Sya pa naman yung wallpaper ko. Aisht.

"Pang ilang days na?" Sabi nya at iniharap sakin yung phone ko na sya yung wallpaper. Wait, alam nya? Yung tungkol sa 15 days?
AaaaaaaAaa. Lupa lamunin mo na ako now na!

Hinablot ko nalang sa kanya yung phone ko. Kakahiya kaya.
Nakatungo lang ako "Last day na." Sabi ko na sobrang hiyang hiya na ako. Omo

Ang mas nakakagulat, iniharap nya rin sakin yung phone nya "16th day na" sabi nya. Huh?

Inayos ko yung salamin ko at inaninaw ko yung wallpaper ng phone nya at ako yun. Sa loob ng detention room. Naka ngiti habang nagbabasa ng libro. Yun yung araw na kasama ko sya na na-detention. Kinuhaan nya ako ng picture? Kaya pala nakangiti sya nung nakatingin sya phone nya.

Hindi ako makapaniwala. Gusto din nya ako? Bigla nalang may dumaloy na tubig sa mukha ko. Umuulan ba?

Tange Ella, bakit ka umiiyak? Masaya ako. Masayang masaya.

Nakangiti sya sakin na sobrang lapad. Lumapit sya at hinawakan nya yung mukha ko, pinunasan ang mga luha sa mata ko at niyakap nya ako. Niyakap nya ako ng sobrang higpit.

"Mahal na mahal kita Mikaella Louise Ferrer" ang sarap pakinggan.

"Mahal na mahal din kita Kiev Fuentes"

Nahanap ko na sya. :)

-----------------
The End

(A/N: sana po nagustuhan nyo. Kamsahamnida 😘)

15 DaysWhere stories live. Discover now