Two

13 1 0
                                    

Habang naglalakad ako sa corridor, may nakasabay akong dalawang babae.

"Na-try mo na?" Girl 1
"Ang alin ba?" Girl 2
"Yung nabasa natin sa internet." Girl 1

Anong kayang pinag-uusapan nila? Chismosa mode: ON
Pinauna ko sila para marinig yon. XD

"Alin? Limot ko na eh." Girl 2
"Ano ba yan. Yung wallpaper thingy? Na kapag daw ginawa mong wallpaper yung picture ng taong gusto mo in 15 Days, magiging kayo daw." Girl 1
"Ah. Talaga? Tara, let's try!" Girl 2

"Pero.. Pero dapat in that 15 days, dapat walang makakakita nung wallpaper mo kundi, hindi magkaka totoo." Girl 1
"Huh? Ganon? Gusto ko i-try. Pengeng picture ni Troy. Dalii" Girl 2

"Nakikinig kaba? Wag mo na i-try. Siguradong hindi magkakatotoo sayo yon. Pathetic." Sabi sakin ni Girl 1. At nagtawanan silang dalawa at umalis na. Naka-lean na pala ako sa kanila. Nalibang ako. Mukhang interesting yun ah?

Magkakatotoo kaya yun pag ako gumawa? Hays. Mukhang tama sila, siguradong hindi nga yon.

Pumasok nalang ako sa class ko. Isa, dalawa, tatlong subject na ang natapos.

Hay salamat. Maglalakad nalang ako pauwi, malapit lang naman. Dumaan muna ako sa locker ko at dumiretso sa library para isauli yung book na hiniram ko.

-----

Nung naglalakad na ako, iba yung pakiramdam ko. Parang bang may nakamasid sakin. Medyo gabi narin kasi.

Binilisan ko nalang yung lakad ko. At nakarating naman ako agad sa bahay.

"Ma, Pa, andito na po ako." Sabi ko pagkapasok ko sa loob.
Nakita ko sila sa sala na nagtatawanan, mukhang masayang masaya sila ah. Nahanap na nila ang perfect na tao para sa kanila at yun ay ang isa't-isa. Ang cute nila tignan.

Nakita nila ako dito habang pinagmamasdan sila. Lumapit sila sakin.

"Andito na pala ang baby girl ko. Mwah" hinalikan ako ni mama sa noo.

"How's school anak?" Sabi ni papa.

Ngumiti ako sa kanila. "Okay naman po." Sabi ko.

"Tara kain na tayo. Favorite mo ang niluto ko." Wow! Adobo! Siguradong masarap tong luto ni mama.

"Yey! Tara na po!" Na-excite ako.

Palagi kaming ganito sa bahay. Masaya. Kaya hindi na ako naghihiling ng ano pa. Dahil andito sila, at mahal nila ako kung ano ako. Kung meron mang taong katulad nila ang makakatanggap sakin at magmamahal sakin. Hindi ko tatanggihan :)

- - - - -

Thanks for reading😊

15 DaysWhere stories live. Discover now