Chapter Two

357 9 0
                                    

Xyrene's POV
Hindi ko na alam ang gagawin ko pagkatapos ng break up naming dalawa ni Cyrus.

Nandito ako ngayon sa kwarto at umiiyak.

Tok tok tok

Agad kong pinunasan ang luha ko.
Bago buksan ang pintuan. At nandun si Mama. Mukha siyang nag aalala para sakin.

"A-ah bakit po Mama, may problema po ba?"

Hindi ako sinagot ni mama. Tuloy tuloy siyang pumasok sa kwarto ko.

"Alam ko na ang lahat,anak"
Muli na naman akong naiyak

"Mama bakit kasi sa dina mi rami ng babae sa mundo ay si Xyra pa? Pwede pa sana kung iba eh kasi hindi. Ang kakambal ko pa! Yung tinuring ko pang pinakamatalik na kaibigan!" Sabi ko kay mama at tinuloy ang paghagulgol.

"Ah anak okay lang yan kaya mong mag move on! Madami pang lalaki sa mundo hindi lang si Cyrus!"

"Mama ang hirap. Si Cyrus kasi ang first boyfriend ko at FIRST HEARTBREAK KO PA!" Napatigil ako sa paghagulgol dahil sa sinabi ni Mama

"O sige anak para naman makapag move on ka na diyan sa first heartbreak mo, eh i nenroll ka namin ng papa mo sa Paris, dun ka mag aaral ng dalawang taon!" Paris. Isa itong bansa na gustong gusto kong puntahan. Kahit ilang beses nakong pumunta dito gusto ko padin itong balik balikan.

"Ahh mama bakit ang bilis niyo naman pong nalaman na break na kami ni Cyrus?"

"Ahh eh nakita kasi ikaw ni Yaya pagkakita niya eh agad siyang tumawag, alam ko namang mahihirapan mag move on ang baby ko kaya naisipan kong sa Paris ka na mag aral, ahh tara kumain muna tayo at mag impake kana bukas ay ihahatid ka na namin ng papa mo sa airport."

Pagkatapos ng pag uusap namin ni mama ay bumaba na kami.

Hindi ko alam kung nananadya ba talaga si Mama o ano eh.

Nasa hapag kainan lang naman ang ex boyfriend at kakambal ko."

"A-ah good evening Xyrene" aba ang lakas ng loob ng ex boyfriend kong batiin ako!

Hindi ko siya pinansin at tumuloy sa pwesto ko.

To be continued...

My first heartbreakWhere stories live. Discover now