Xyrene's POV
Si kuya Angelo ba yun?!. Napanganga ako, dahil gumwapo pa siya ng bonggang bongga!
"Huy! Natulala ka diyan! Bumaba na daw tayo sabi ni Kuya!" Huh? Sinabi ba ni Kuya Angelo yun? Wala naman akong narinig!
"A-ah s-sige tara na!" Bumaba na kami ni Justine.
"Oh nandiyan na pala kayo! Umupo na kayo!" Sabi ni Tita Martha.
Umupo na kami ni Justine at nagsimulang kumain.
"Ayy oo nga pala Justine samahan mo bumili ng gamit bukas si Xyrene para sa pasukan."
"A-ano Ma? Dito na siya mag aaral?" Sabi naman ni Kuya Angelo. Huh? Bakit ayaw niya ba na dito ako mag aaral? Grabe naman!.
"Oo 'nak bakit may problema ba?" Tanong ni tita Martha kay kuya Angelo.
"Ah wala po ma."
"Oo nga pala i drive mo silang papuntang mall bukas." Hindi na sumagot si kuya Angelo. Kaya pagkatapos nun ay umakyat na kami ni Justine sa guest room.
"Xy, anong gusto mong movie? Pili ka oh."
"Ay hindi kahit ano nalang diba mag kukwento pa din ako sa'yo?"
"Ayy oo nga pala sorry nakalimutan ko." Sabi niya with matching peace sign.
.
.
.
.
.
.
.
.
Pagkatapos niya iplay yung movie ay umupo na siya sa tabi ko."So Xy. Bakit ka nga pala dito mag aaral?"
"Ehh kasi kahapon lang nakipag break sakin ang boyfriend ko, ex boyfriend rather, kahapon din ang 3rd Anniversary namin. At agad namang nalaman ni Mama ang tungkol sa break up namin. Kaya pinadala niya ko dito sa France. At dito na daw mag aral. At nung gabi naman ng break up namin ni Cyrus ay umamin sila ni Xyra na may relasyon sila three months ago. Ngayon nga dapat ang first day of school sa Pinas eh." Pagpapaliwanag ko kay Just. Just ang nickname niya.
"So kaya ka pumunta dito para mag aral at mag move on ganun ba?"
"Oo. Sobrang sakit kasi eh, simula pagkabata kami na ni Xyra yung magkasama. Siya din yung bestfriend ko bukod sayo, tapos malalaman ko nalang isang araw na may relasyon sila ng ex boyfriend ko."
"Dont worry Xy, I'm here to help you😊" buti nalang talaga nandito ang isa ko pang best friend kahit mahigit 6 na taon kaming hindi nagkita.
"Salamat Just."
"Wow! Natatandaan mo pa pala ang nickname ko. Hahahaha"
"Oo naman! Pano ko ba naman makakalimutan ang nickname ng bestfriend ko?"
"Hahaha o sige na matulog na tayo. Bibili pa tayo ng gamit bukas."
"Ahh okay goodnight!" Pagkatapos nun ay umalis na siya sa kwarto.
To be continued...
--------------------
-----------------------------------------
Sorry po dahil mabagal ang update!
Pls. Vote and comment po!P.S: pano po magdedicate?😂 comment lang po pag alam niyo😂
YOU ARE READING
My first heartbreak
Teen FictionWala po akong maisip na description pls. Read it nlng po😊