Chapter Two

68 1 0
                                    

TEHYA'S POV

"Miss Heartsong...Miss Heartsong!! Miss Heartsong can you hear me?? Is everything alright?? Miss Heartsong are you daydreaming again inside my class??"

*biglang napalundag sa gulat*

"Ay batchoy!!" Yan na lamang ang nasabi ko nung bigla akong tawagin ng prof namin.

Lumulutang na naman kasi yung utak ko dahil sa nangyari kaninang umaga. Para bang may kung ano akong nararamdaman na saya at pangungulila.

Ang weird nga eh. Hay.

"I'm sorry Ma'am." Pagkasabi ko niyan napakamot na lang ako sa ulo. Ano ba naman kasi tong nangyayare sa akin.

*bumuntong hininga*

"Okay class start cooking. And I'll be tasting each one of your dishes after an hour."

At tuluyan na nga kaming nagsigalawan para sundin ang sinabi ng Prof namin.

Kasalukuyang nandito kami sa food lab at nag didiscuss yung prof namin ng lulutuin para sa araw na ito. 1st year college na ako. At halos apat na buwan na rin nung nagsimula yung klase.

Isa akong Culinary Student. Di naman halata sa figure at course ko na mahilig akong kumain. Eh food is life kaya. Haha.

Mahilig talaga akong kumain. Yun yung nakakatanggal ng stress ko at nakakapagpasaya sa akin lalo na kung kasama ko sa pag fufood trip si Sungit.

Ano ba yan naalala ko na naman yung lalakeng yun na parang bula na bigla na lang nawala.

*napalakas yung pag buntong hininga*

"Mukhang may iniisip yung baboy oh. Siguro iniisip kung saan kukuha ng kanin baboy para gawin niyang dinner mamaya. Hahaha!" - Gina

"Ounga mukhang namomoblema talaga si Tababoy. Mas lalo tuloy siyang pumapanget. Ewwww." - Yssa

"Or maybe she's thinking about that poging guy that is always with her?? What's the name of that guy?? Derick?? Derwin?? But gosh!!! So sayang he's so gwapo but maybe nauntog kaya iniwan siya. Hahaha." - Red

"Deryn kasi. Lakas makasuot ng pula di naman ma achieve si Little Red Riding Hood. Tsk." Mahina ko lang yang sinabi pero mukhang malakas ata ang radar ng babaeng nakapula na Red talaga ang pangalan na nagsisilbing leader ng Powderpuff girls.

"Hey Piglet. Are you saying something?? Huh?!" - Red

"Red I'm just correcting you. His name is Deryn. Okay?? Would you like me to spell it to you my dear?" Pa sarkastiko kong sabi sa kanya.

Aba pumapayag na nga akong tawagin nila ng iba't ibang pangalan pero di ako papayag na mas apihin noh. Palaban ata toh.

At naiinis ako sa tuwing naririnig kong pinag tsi-tsismisan yung nangyare sa amin nung lalakeng yun na siya lang ang bukod tanging pwede akong tawaging Piglet.

"Wow just wow. You are really something. You have the guts to fight back. I'm just wondering where in this world are you getting you're.... ahm gosh. Basta lakas ng loob mong baboy na panget ka!!!" - Red

"HA-HA-Ha! *sabay palakpak ng tatlong beses* Well Red my dear. You know me too well, I won't let you get into my nerves. As a matter of fact, Yes I'm fat but that doesn't mean I have to be weak. I'm stronger than you think. And again, I'm FAT but I can say that I'm beautiful. How about you my dear Red, ARE BEAUTIFUL LIKE ME? I DON'T THINK SO. *sabay cross arms*

Di ko uurungan sa pag English yang si Red. Hanggang sa simula lang naman yan eh. Paano mayaman kaya tingin niya sa sarili niya Reyna na siya ng school. At silang tatlo maganda?? Please lang huwag ako.

"Bwisit ka talagang ampon ka!! Baboy ka na nga lakas lakas pa ng loob mong sagut sagutin si Red." - Gina

Haay ang babaeng linta. Nagsalita na. Palagi kasing naka green at kung dumikit kay Red eh parang linta. Nakuuu.

Pero I need to calm down. Kasi baka may mangyare na naman na kakaiba kapag tuluyan akong nagpadalos dalos ng emosyon ko.

"Ounga di na natuto tong Tababoy na toh. Di ka pa ba nadadala ha??" - Yssa

Eto na si Yssa, dalawa, tatlo. Ang babaeng palaging nakablue. Tsk.

Nakita kong nakayukom yung mga kamao ni Red. Napipikon na toh. Ayaw na ayaw niya kasi na sinasagot sagot siya. Ako lang naman kasi yung tanging malakas ang loob na gawin yun sa kanya. Sa kanilang tatlo. Kaya nga ako yung palagi nilang inaasar akala nila dadating yung araw na uurungan ko sila.

Aba aba. Ako si Tehya Heartsong. Maganda at Palaban. Walang inuurungan. Basta nasa katwiran ipaglaban mo. Ganun.

"Anong akala niyo susuko na lang ako ng basta basta?? Simula nung HS wala na kayong ibang alam gawin kundi asarin at laitin ako. Kaya huwag na kayong magtaka kung nasanay na akong ipagtanggol at lumaban sa mga katulad niyo! At pwede ba imbis na ako yung pagtuonan niyo ng pansin eh yang mga sarili niyo ang isipin niyo. Matuto nga kayong mag palit ng kulay ng damit masyadong magaganda ang Powerpuff Girls para gayahin niyo. Kilabutan nga kayo!" *sabay talikod*

Pagkatalikod ko nagsalita si Red. Kaya napalingon ulit ako.

"Alam mo Piglet... *sabay smirk* Nakakaawa ka. Poor you my DEAR PIGLET. Mataba ka na nga. Mag isa ka pa. That's the reality. Mag isa ka lang sa mundong ito. At kahit kailan walang magmamahal at tatanggap sa iyo. Kaya ka siguro pina ampon ng mga magulang mo kasi wala ka ng pag asa. Kaya ka palaging iniiwan eh. Tignan mo yung lalakeng akala mong kaibigan at taga pagtanggol mo eh iniwan ka. Kawawang Piglet. Palaging nag iisa at walang nagtatanggol. Tsk tsk." - Red

Natamaan ako doon. Ang sakit ha. Ayan yung alam ni Red na sasabihin sa tuwing wala na siyang panglaban sa akin. Na sabihing mag isa na lang ako. Totoo naman talaga, mag isa na lang ako. Walang kaibigan, walang pamilya. Walang nagmamahal, kundi sarili ko lamang ang nagmamahal sa akin. Ika nga sa kanta love yourself.

Ang ayoko kasi yung mag isa na nga ipinamumukha pa talaga sa maganda kong mukha.

"Aaaaaaaaaah!!!!!"

Tili ng tatlong makukulay na babae sa harapan ko at ng mga classmates ko na nagsitakbuhan sa may pintuan.

"Lumilindol!!"

"Baliw kung lumilindol bakit biglang lumakas yung apoy sa kalan??"

"At bakit nagsibukasan yung mga gripo??"

Nagkakagulo na yung mga kaklase ko habang yung tatlo sa harapan ko matalim ang tingin sa akin na may halong takot.

*napahilamos ng mukha*

Siomai naman oh. Di ko na naman na pigilan yung sarili ko. Eto yung sinasabi ko kanina na ka weirduhan na nangyayari tuwing di ko mapigilan yung emosyon ko.

Mabuti na lang tumunog na yung bell. Ibig sabihin tapos na yung klase at lunch break na.

Agad agad kong kinuha yung bag ko at umalis sa classroom bago pa makapag react sila Red.

Dumiretso ako sa likod ng campus kung saan palagi akong nagpupunta.

May malaking puno kasi doon at nasa medyo liblib na lugar kaya walang masyadong nakaka alam kundi ako at si Sungit, pero Deryn talaga ang pangalan niya. Ang kababata at unang lalakeng minahal ko...

Naiinis ako kay Red kasi wala siyang karapatan na tawagin akong Piglet. Mas lalo ko lang tuloy naaalala si Deryn. Yan kasi ang tawag niya sa akin. Piglet kasi nga noong bata kami maliit ako na mataba at mahilig sa pink kaya yun ang tawag niya.

*wooosh*

Eto na naman po biglang gumalaw yung mga dahon sa mga puno na nasa paligid ko. Ang nakakapagtaka kasi di gumalaw yung dahon nung malaking puno na nasa harapan ko. At wala namang hangin eh.

Haaay ang weird ko talaga lalo na kapag di ko nababantayan yung emsoyon ko.

Naupo na lang ako at isinandal ang aking likod sa malaking puno.

Kinuha ko na yung pagkain sa loob ng bag ko. Nung nagsimula na akong matakam sa pagkain ko may naramdaman akong presensya sa paligid. Pero dahil sa gutom ako di ko na lang pinansin.

Isusubo ko na sana yung kutsara ng may biglang nagsalita...

"Well well well. Dito pala ang lungga mo Piglet."

MY CHUBBY PRINCESSWhere stories live. Discover now