TEHYA'S POV
"Anak malapit ka ng bumalik dito sa Sanguine, ang mundo kung saan ka nabibilang. Alam kong puno ka ng paghihirap at pag iisa sa mundo ng mga Wight. Ako'y humihingi ng kapatawaran. Di bale aking prinsesa malapit na tayong magkasama sa totoong mundong kinabibilangan mo. Ako'y nasasabik na makasama ka ulit, aking anak. Hanggang sa muli."
Nagising ako sa sobrang sakit ng aking ulo. Ganito naman palagi kapag nakakatulog ako, minsan nagigising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo kasi minsan parang may bumubulong sa akin. Katulad ngayon may boses ng matandang lalake akong narinig.
Di ko alam kung nababaliw lang ako o totoo bang meron talagang bumubulong sa akin.
Pag kapa ko sa mga mata ko, lumuluha na pala ako.
May kung ano akong nararamdaman. May halong pangungulila, sakit pero higit sa lahat nakaramdam ako ng saya.
*ting ting
Dali dali kong kinuha yung cellphone ko. Baka nagtext siya.
Text Message from 8888
*face palm*
Haay akala ko siya yung nagtext. Sa tuwing may nangyayari sa akin na ganito nag tetext siya bigla sa akin para kamustahin ako tapos yayain ako sa tambayan namin. Pero dati yun.*biglang napatingin sa picture ng dalawang batang masayang kumakain ng icecream.*
Nasaan ka na ba kasi Sungit.
*biglang napasabunot sa buhok*
"Tehya tama na halos 4 na buwan na. Move on
move on din pag may time ha - Konsensiya"Tama ka. Dapat masanay na akong wala siya. Sanay naman na akong mag isa.
*napabuntong hininga*
Kinakausap ko na naman sarili ko, napahugot pa ako ng wala sa oras. Aay naku.
Makapag prepare na nga para makapasok na ng maaga sa school.
---------------------------------------------------------------------------------
Author's note
Sino kaya si Sungit?
Sorry readers maikli muna tong chapter na ito.

YOU ARE READING
MY CHUBBY PRINCESS
FantasyTehya Heartsong: A Princess with an Extra Large body with an Extra Ordinary Power. Thank you @moonjinhyo sa paggawa ng cover. :))