Paalam

4 0 0
                                    

Paalam

Mahal pasensya na pero ako'y magpapaalam na.
Nakakasawa na kasing kumuha ng atensyon sa isang taong walang intensyong mahalin ka.
Alam ko,
Alam ko na una pa lang na hindi mo ako gusto at hindi mo ako magugustuhan.
Pero ang kulit ng puso ko na kahit anong sabihin mo sakin na tigilan na kita ay hindi ko ginawa.
Alam mo kung bakit hindi ko ginawa?
Umaasa kasi ako na balang araw na magagawa mo rin akong mahalin kahit alam kong masyadong imposible.
Umaasa kasi ako na isang araw ay ako naman,
Ako naman yung hahanapin mo, pangalan ko naman ang babangitin mo.
Pero naalala ko hindi nga pala yun mangyayari kasi kahit kailan hindi mo ko magugustuhan.
Kaya kailangan ko ng tanggapin kahit ako'y masasaktan pa.
Kaya mahal sa huling pagkakataon ako'y magpapaalam na at kung sakaling matauhan ka at hindi pala sya ang mahal mo tandaan mong nandyan lang ako na nagmamahal sayo pero hanggat hindi ka pa natatauhan ako muna ay magpaalam na.
Mahal paalam.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon